Kumpirmado na may relasyon nga ang dalagang aktres na si Iwa Moto at si Pampi Lacson na asawa ng aktres na si Jodi Santamaria. Matagal nang lumabas noon ang isyung relasyon nina Iwa at Pampi na dahilan umano ng paghihiwalay ng mag-asawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kinukumpirma ni Pampi Lacson ang kanilang relasyon pero kitang-kita na totoo nga ito dahil sa mga pinapakita nilang larawan sa mga social networking sites kagaya ng Instagram at Twitter. Hindi naman daw maitatanggi ang pagigiging sweet nina Iwa Moto at ng binata sa bawat litratong inilalabas.
Bukod sa mga personal na litrato ng dalawa ay nakita pa na kasama ni Iwa Moto ang pamilya ng binatang si Pampi Lacson. Kasama rin sa mga litrato ang anak ng binata sa aktres na si Jodi sa pamasyal ng magkasintahan. Sa mga nakalagay na caption sa mga litrato ay kitang-kita na tila napalapit na ang aktres na si Iwa Moto sa batang si Thirdy. Kinumpirma rin ng dalaga na matagal na silang magkakilala ni Pampi Lacson at madalas din mag-usap. Inamin ni Iwa na nang maghiwalay sila ng dati niyang nobyo na aktor na si Leandro Muñoz ay agad na raw nahulog ang kaniyang loob kay Pampi.
Ayaw namang magsalita ni Jodi patungkol sa personal niyang buhay na may kinalaman sa kaniyang dating karelasyon. Pero inamin niya sa kaniyang mga huling panayam na magkaibigan sila ng asawa na si Pampi Lacson. Hindi naman nagsasalita ang binata patungkol sa isyu. Tila wala naman itong balak itago pa ang relasyon nito kay Iwa dahil sa mga pictures na hayagan niyang pinapakita sa kaniyang Instagram account. Sa ngayon ay aminado si Iwa Moto na hindi magtatagal ay malalaman din ng tao ang kanilang relasyon ni Pampi Lacson. Iginiit niya na may mga tao lang siyang gustong protektahan sa kanilang relasyon.
Ikinuwento ni Iwa Moto na dalawang taon na ang nakakaraan nang una silang nagkakilala ni Pampi. Nagkaroon umano ng kaguluhan noon na konektado si Pampi Lacson at sa huli ay nagkalapit ng ang kanilang mga loob sa isa’t-isa. Inaabot pa nga raw sila ng tatlong oras sa telepono noon ng binata. Pinagtanggol naman dalaga ang mga isyung bumabalot kay Pampi at sa kaniyang pamilya. Hangang-hanga naman si Iwa  sa pagiging mabait at pasensyoso ng binata. Mahilig din daw kasi siya sa bata kung kaya naging malapit na rin ang dalaga sa anak ng kaniyang nobyo. Kinumpirma rin mismo ni Iwa Moto na kasalukuyan na raw inaayos ni Pampi Lacson at asawa ang kanilang annulment.
Naiintindihan naman ni Iwa ang kasalukuyang relasyon ng kaniyang nobyong si Pampi sa ina ng kaniyang anak. Sa ngayon ay mas gusto lang umano alagaan ni Iwa Moto ang nobyong si Pampi Lacson at anak nitong si Thirdy. Napansin naman na tila si Pampi na ang ikatlong naging nobyo ni Iwa Moto na mayroong anak sa dati nitong karelasyon. Ayon kay Iwa, wala naman daw siyang problema rito dahil mahilig din daw siya sa mga bata. Hindi itinanggi ni Iwa Moto na kasalukuyan siyang pinapasaya ngayon ni Pampi Lacson at ng kaniyang anak.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment