Naganap na ang panayam na matagal nang hinihintay sa pagitan nina BB Gandanghari at Zoren Legaspi. Ang kumokonekta ngayon sa pangalan ng dalawa ay ang aktres na si Carmina Villarroel na naging sentro ng kanilang pag-uusap. Matatandaang dating asawa noon ni Rustom Padilla na ngayon ay BB si Carmina. Kasalukuyan namang ka-relasyon ni Zoren ang aktres at host na ina ng kaniyang dalawang anak.
Pambihirang pagkakataon ang pag-uusap ng dalawa dahil noong una ay umiwas si Zoren Legaspi na kausapin sa isang interview si BB Gandanghari.
Aminado si Zoren na dadating ang panahon na magkukrus ang landas nila ni BB kung kaya ayaw niya pa itong mangyari sa lugar kung saan pareho silang maaalangan kung kaya pumayag na siyang makapanayam ito. Para kay BB Gandanghari, hindi niya inisip na magkakaroon sila ng pagkakataon na magkita nang personal dahil para sa kaniya ay wala raw silang rason para gawin ito. Alam na rin daw ni Carmina Villarroel ang mangyayaring panayam sa pagitan ng kaniyang nakaraang at kasalukuyang karelasyon. Bago pa magsimula ang interview ay binigyan na ni Zoren ng isang bouquet ng bulaklak si BB na ikinatuwa naman niya.
Ipinakilala naman ni Zoren Legaspi ang dating asawa ni Carmina Villarroel bilang Madame BB Gandanghari. Tinanong naman ng host kung okay lang kay BB ang pagtawag nito sa kaniya bilang Madame at iginiit nito na tawagin na lang siya sa kaniyang pangalan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkikita at magkakausap ang dalawa. Ayon kay BB Gandanghari, hindi rin daw nakilala noon ni Zoren Legaspi si Rustom Padilla na dati niyang pangalan. Tinanong ni Zoren kung mayroon bang nararamdaman si BB na hinanakit sa kaniya. Nilinaw naman ni BB Gandanghari na wala siyang nararamdamang galit kay Zoren Legaspi dahil wala umano itong kinalaman sa paghihiwalay nila noon ni Carmina Villarroel.
Ang tanging nararamdaman naman daw ni BB sa kasalukuyan ay kasiyahan kung kaya gusto niya  magpasasalamat kay Zoren dahil kitang-kita niya na masaya ang dating asawang si Carmina Villarroel sa piling nito. Ang tanging gusto lamang daw niya ay mapunta sa magandang kamay si Carmina matapos ang kanilang hiwalayan noon. Tinanong din ni Zoren Legaspi kung sino ang mga taong naisip ni BB Gandanghari noong napagdesisyunan niya nang baguhin ang kaniyang dating pagkatao. Dalawang tao lang naman daw ang naisip noon ni BB at ito ay ang kaniyang ina at si Carmina Villarroel.
Inamin ni BB Gandanghari na nabuo ang kaniyang respeto kay Carmina Villarroel nang kausapin niya ito patungkol sa pag-amin niya sa kaniyang buong pagkatao. Nagpapasalamat din siya dahil pumayag si Zoren Legaspi na kausapin siya ng dati nitong asawa noon. Para kay BB, utang na loob niya umano kay Carmina ang sabihin ang katotohanan patungkol sa kaniyang pagkatao dahil siya lang umano ang nakilala sa kaniya noon. Sinabi ni Carmina Villarroel kay Zoren Legaspi na ang tanging ginawa lang noon sa kaniya ni BB Gandanghari ay ang humingi ng tawad.
Ngayon ay naiintindihan na raw ni Zoren ang mga pinagdadaanan ni BB matapos nitong umamin patungkol sa kaniyang pagkatao. Paglilinaw ni BB Gandanghari na ang kaniyang sekswalidad ay isang orientation at hindi niya ito pinili. Kung isa umano itong pagpili ay pag-iisipan niya umano ito nang matagal. Ayon kay Zoren Legaspi, ginawa niya ang interview na ito para matuldukan na sa publiko ang isyu ni Carmina Villarroel sa dating asawa. Pasasalamat lang ang naibigay ng dalawa sa isa’t-isa matapos ang kanilang pag-uusap sa harap ng mga kamera.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment