Gumawa na naman ng ingay ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang sabihin ng binatang aktor sa isang interview na handa siyang pakasalan ang dalagang aktres. Hindi raw ito nabalitaan agad ni Kathryn pero naitanong ni Daniel kung narinig daw ba ng leading lady ang interview niya sa Showbiz Inside Report. Kinumpirma naman ni Kathryn Bernardo na hindi lang simpleng kaibigan ang turing niya ngayon kay Daniel Padilla kundi mas espesyal pa. Aminado si Kathryn na inakala niya na playboy ang binatang si Daniel pero nang tumagal ay nadiskubre niya na gentleman at malapit sa kaniyang pamilya ang aktor.
Madalas umano ipakita ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo ang simpleng pag-alaga nito sa kaniya sa pamamagitan ng mga pag-aalala sa pagkain nito o sa nararamdaman. Inamin din ng binata na seloso siya pagdating sa mga lalakeng nauugnay kay Kathryn pero iginiit na wala naman daw siyang karapatan para maramdaman ito. Pinipigan na lang daw ni Daniel Padilla kapag nararamdaman niya ito na sa tingin naman ni Kathryn Bernardo ay dahil lang sa topak kaya nagseselos ang binata.
Ikinuwento naman ni Kathryn ang ugali ni Daniel kapag tinotopak daw ito sa set. Madalas daw itong nasa standby area o kaya naman sa sasakayan lang at naghihintay ng kaniyang eksena. Kapag kinakausap din daw ang binata ay isang tanong at isang sagot lang daw ang gagawin nito. Sa ngayon ay naging mas malapit pa sa isa’t-isa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa kanilang teleserye. Ramdam din naman daw kasi ng dalaga ang espesyal na pagturing a kaniya ni Daniel.
May pag-asa naman daw talaga si Daniel Padilla kung sakaling manligaw ito sa dalaga pero siguraduhin lang daw ng binata na siya lang ang nililigawan nito. Hindi naman daw natatakot si Kathryn Padilla na mahulog ang loob sa aktor dahil nakilala na niya ito nang lubusan. Hindi naman itinanggi ng aktres na parte ng pagiging teenager ang magkaroon ng espesyal na nararamdaman sa isang tao na higit pa sa pagiging kaibigan.
Binibigyan naman si Kathryn Bernardo ng advice galing sa kaniyang ina. Ayon kay Kathryn, pagdating sa pag-ibig lalo na sa Showbiz ay mas gusto ng ina na kontrolin muna ito hangga’t maaari. Bukas pa rin naman daw si Kathryn Bernardo kung sakaling manligaw si Daniel Padilla sa kaniya dahil normal naman daw ito na pinagdadaanan ng mga kabataan. Kailangan daw kasing panindigan ni Kathryn ang kaniyang wholesome image sa publiko. Â Sa ngayon ay kuntento na raw ang dalaga sa maganda nilang turingan ni Daniel Padilla bilang magkatrabaho at bilang matalik na magkaibigan.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment