Sa bagong proyekto ng aktres na si Denise Laurel ay makakasama niya ang binatang aktor na si Martin del Rosario. Ang bagong tambalan nina Denise at Martin ay makikita sa bagong episode ng Precious Hearts Romances Presents: Pintada. Umiikot ang istorya sa isang high school student na gagampanan ni Martin del Rosario at mahuhulog ang loob sa kaniyang guro na gagampanan naman ni Denise Laurel. Hindi itinatanggi ng dalaga na nasanay na siya na ang aktor na si Rafael Rosell ang kaniyang katambal na matalk niyang kaibigan. Gayunpaman natutuwa pa rin si Denise dahil bagong-bago ang ideya na si Martin ang kaniyang magiging partner kung kaya susubukan din daw nilang mapaganda ang kanilang chemistry.
Limang taon ang tanda ni Denise Laurel sa binata kung kaya isa rin ito sa mga dahilan kung bakit kakaiba ang kanilang tambalan. Inalala noon ng aktres na tinatawag pa umano siyang ‘Ate Denise’ ni Martin del Rosario sa tuwing sila ay nagkikita. Nagkakilala noon ang dalawa sa unang serye ng binata kung saan sinabihan niya pa raw ang noon ang batang si Martin na huwag nasiyang tawaging ate. Ngayong binata na si Martin del Rosario ay mas excited na si Denise Laurel para sa kanilang bubuuhing love story. Kinumpirma ni Denise na medyo kontrobersyal ang kanilang gagampanan bilang isang guro na nahulog ang loob sa isang estudyante.
Hindi na bago para sa aktres ang pagganap sa iba’t-ibang karakter sa serye ng Precious Hearts Romances. Ang pagkakaiba na ngayon ay bagong leading man na ang ipapareho kay Denise Laurel. Gusto na rin daw niyang ibalik ang kaniyang dating katawan para sa bagong proyekto kasama si Martin del Rosario. Kahit na abala si Denise sa kaniyang anak ay nagsisilbi nang work out sa kaniya ang pagdala sa anak kapag mayroon siyang inaasikasong mga lakad. Excited na magtrabaho muli si Denise Laurel dahil mayroon na siyang kasalukuyang inspirasyon at ito ay ang kaniyang anak.
 Si Martin naman ay masayang-masaya dahil matapos ang limang taong pagiging artista ay nabigyan na siya ng pagkakataon para bumida sa sarili niyang serye. Ayon sa binata, masarap na raw magtrabaho dahil leading man na ang kaniyang karakter sa bagong proyekto. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng ka-love team ng aktor na si Martin sa drama at ito nga ay  ang beterana na sa PHR na si Denise Laurel. Bukod dito ay unang beses din daw magkakaroon ang binatang aktor ng kissing scene sa serye. Game na game naman si Martin del Rosario sa mga gustong ipagawa ng kaniyang direktor dito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment