Si Heart Evangelista ang nagsilbing bagong anchor na Chika Minute segment ng news program na 24 Oras sa Kapuso Network. Dahil kailangan magpahinga ng orihinal na anchor na si Pia Guanio ay pansamantalang pumalit na muna si Heart sa pwesto nito. Aminado si Heart Evangelista na sa una niyang pagsalang sa Chika Minute ay hindi niya kinaya ang kabang kaniyang nararamdaman. Nilinaw naman ng dalaga na kahit kinakabahan siya ay natutuwa siya sa kaniyang bagong trabaho. Isang linggo nang anchor si Heart sa Chika Minute segment at masusundan ito ng isa pang linggo. Ikinuwento ng dalaga ang kaniyang mga naging karanasan sa pagbibigay ng news kung saan live niyang ihahatid ang balita sa mga manonood ng programa.
Ayon kay Heart Evangelista, ibang-iba umano ito kumpara sa kaniyang pagiging VJ o video jock noon sa MYX music channel. Ibang-iba raw kasi ang paghatid ng entertainment news dahil iba’t-ibang balita at issues na patungkol sa kaniyang kapwa artista ang kaniyang ihahatid. Aniya, ang karanasan niya sa Chika Minute ang nagbigay sa kaniya ng ideya na gusto niyang sumubok sa industriya ng pagbabalita. Magkahalong weird at saya naman daw ang nararamdaman ni Heart sa pagbabalita dahil ayaw niyang dumating ang panahon na ibabalita niya na ang kaniyang sarili.
Sa unang araw ni Heart Evangelista sa entertainment news segment ay napaupo na lamang siya sa sobrang nerbiyos. Tumodo umano ito sa kaniyang bagong trabaho kung kaya akala ng ilan ay kalmado lamang siya ay hindi ipinahalata ni Heart na natatakot din siya kahit papaano dahil bulol siya. Dahil tagalog ang paghatid ng balita sa Chika Minute ay kinakailangan itong gawin ni Heart Evangelista na aminadong hindi masyadong magaling pagdating sa salitang ito. Ilang minuto bago magsimula  sa naturang segment ay doon na ibibigay ang script ng nagbabalita. Kahit pa masyadong mabilis ang mga pangyayari ay masarap pa rin daw ang pakiramdam ng dalaga dahil nagagawa niya ito.
Bukod sa pagiging bagong host ng Chika Minute ay naitanong naman si Heart Evangelista patungkol sa kaniyang napapabalitang pakikipag-date sa senador na si Chiz Escudero. Mas gusto umano itong tawagin ni Heart bilang isang meeting dahil nagkikita umano sila ng senador at nag-uusap sa iba’t-ibang bagay. Bukod dito ay balak na rin daw ni Heart na mag-aral muli pero hindi niya pa naiisip kung anong kurso na kaniyang gustong kunin. Sa ngayon ay mas pinagtutuunan na lang daw muna ni Heart Evangelista ang kaniyang teleserye, pelikula at ang pagiging kasalukuyang anchor ng Chika Minute.Â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment