Malapit nang magsimula si Kris Bernal sa taping ng kaniyang bagong teleserye na Coffee Prince. Muling makakatambal ng dalaga ang kaniyang dating leading man na si Aljur Abrenica sa Pinoy remake ng hit Korean romantic-comedy series. Marami na rin ang mga tagahanga ni Kris na hindi na makapaghintay sa kaniyang bagong serye. Maging si Kris Bernal ay excited na rin ngunit hindi itinanggi na nakakaramdam din siya ng pressure dahil bagong-bago ang role na kaniyang gagampanan. Ibang-iba raw ito kumpara sa mga ginawang karakter ng dalaga. Iikot ang istorya ng Coffe Prince sa isang babae na magpapanggap na lalake para lamang makapasok sa trabaho nito sa isang coffee shop.
Madalas makita si Kris Bernal sa kaniyang mga drama serye kung kaya kinakailangan umanong mag-workshop ng dalaga para sa pagganap niya sa Coffee Prince. Mas magpapatawa naman ngayon si Kris at bihirang makikitan gumiiyak. Kinakabahan daw ang aktres dahil baka sabihin ng iba na corny ang kaniyang pagganap.  May schedule na rin si Kris Bernal kasama ang production sa kanilang panonood ng buong Korean series para maging pamilyar sa kanilang mga karakter. Noong taong 2008 ay matatandaang ipinalabas sa GMA-7 ang Coffee Prince kung saan naka-dubbed ito sa Tagalog.
Gugupitan din daw si Kris Bernal para sa kaniyang bagong role dahil kakailangan daw na magmuka siyang isang lalake. Malaking pagsubok din sa aktres ang pagganap bilang isang barako dahil kinakailangan niyang magsalita at umastang parang isang tunay na lalake. Wala namang problema si Kris kung sakaling paikliin man ang kaniyang buhok dahil mas gusto niya umano na maramdam ang kaniyang karakter sa Coffee Prince. Gusto naman daw ng dalaga na maging makatotohanan ang kaniyang pagganap kaya wala siyang magiging reklamo sa mga plano sa kaniya.
Tinawag na mature at cute ni Kris Bernal ang kanilang bagong proyekto ng leading man dahil ngayon ay hindi na sila magpapaiyak kundi magpapatawa na sa kanilang mga manonood. Ang Coffee Prince ang magsisilbing reunion project ng dalawa matapos nilang magkahiwalay sa kanilang mga ginagawang trabaho at itambal sa iba’t-ibang artista. Pareho rin daw namiss nina Kris at Aljur ang isa’t-isa lalo na ang sabay na pagtatrabaho. Malaki naman ang tiwala ni Kris Bernal na magagampanan nila pareho ng leading man ang kanilang mga karakter sa Coffee Prince. Pakiramdam naman ng aktres ay tatanggapin muli sila ng kanilang mga tagahanga sa kanilang pinakabagong proyekto sa telebisyon.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment