Hindi na muna pumasok si Chiz Escudero sa kaniyang live show na Kris TV sa ABS-CBN dahil sumakabilang buhay ang kaniyang ama na si Rep. Salvador Escudero III na kilalang congressman ng lungsod ng Sorsogon. Kinumpirma ni Chiz na noong 3:30 a.m. ng August 13 ay pumanaw na ang kaniyang ama na si Rep. Salvador. Colon cancer ang dahilan ng pagkamatay ng ama ng senador sa edad na 70-taong-gulang. Binawian ito ng buhay habang natutulog sa tahanan nito sa Quezon City. Kilala rin bilang chairman of the House Committee on Basic Education and Culture si Salvador Escudero III. Ang ama ni Chiz Escudero ang dating Agriculture Secretary noong panahon ng pamumuno ng dating pangulong Fidel V. Ramos.
Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni Rep. Salvador sa Mt. Carmel Church sa New Manila, Quezon City. Lalong nakilala ang congressman dahil sa kaniyang pag-sponsor sa mga amendments sa Local Government Code kung saan itinulak niya ang automatic promotion para sa mga government officals at mga empleyado habang papalapit ang retirement sa kanilang serbisyo sa gobyerno. Ang ama rin ni Chiz Escudero ang isa sa mga nagtulak para ilagay sa edad na 18-taong-gulang ang criminal liability ng isang taong nagkasala. Sa mga taong 1987 hanggang 1988 at 1984 hanggang 1986 nagsilbing congressman ang ama ni Chiz na si Rep. Salvador.
Agad namang iniutos na gawing  half-mast ang mga bandila sa Batasan Pambansa bilang respeto sa pagpanaw ni Congressman Salvador Escudero III. Ayon sa Majority Leader Neptali Gonzaless II, isang malaking kawalan sa lower House ang ama ni Chiz Escudero dahil isa umano ito sa mga masisipag na opisyal ng gobyerno. Kitang-kita umano ang kasipagan sa congressman dahil kahit nakaupo na ito sa wheelchair ay ipinagpapatuloy pa rin nito ang kaniyang mga responsebilidad bilang isang kongresista.
Hindi lamang daw isang role model ang namayapang congressman sa anak nitong si Chiz Escudero kukndi pati na rin sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho. Hindi maitatanggi ang malawak na karanasan ni Rep. Salvador pagdating sa lehikatura. Kahit may sakit ay aktibo pa rin nagagampanan ng ama ni Chiz ang plenary session kahit pa nakasakay na ito sa wheelchair. Kahit pa sa pagkawala ni Rep. Salvador Escudero III ay magpapatuloy pa rin umano sa pagpasok ang anak nitong senador sa Judicial and Bar Council (JBC) meeting.
0 comments:
Post a Comment