Kahit pa kitang-kita ang kakaibang sweetness nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kanilang fans day sa Legazpi, Albay ay itinanggi ng 18-taong-gulang na aktres na nobyo niya na ang aktor. Marami sa mga tagahanga nina Sarah at Richard at kinilig habang sila ay magkasamang kumakanta. Itinuturing ni Sarah Lahbati bilang isang close friend ang 28-taong-gulang na si Richard Gutierrez. Sa ngayon ay ine-enjoy lamang daw nila ang company ng isa’t-isa habang sila ay abala sa kanilang teleserye. Marami rin ang nagtatanong ngayon kung may relasyon nga ba ang dalawa lalo na nang mag-guest ang dalaga sa programa ni Richard na Pinoy Adventures.
Giit ni Sarah, hindi umano siya isang echoserang frog dahil totoo ang kaniyang mga sinabi patungkol sa tunay na estado ng kanilang relayson ng binata. Aminado naman ang Starstruck V winner na bago pa siya mas kilala niya na ngayon si Richard Gutierrez. Kasalukuyang leading man ni Sarah Lahbati ang aktor sa kanilang teleserye at dahil dito ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na mas makilala pa ang partner. Bago pa ang kanilang serye ay hindi naman daw talaga kilala ni Sarah si Richard pero dahil na rin sa iba’t-ibang events na pinupuntahan nila at magdamag na trabaho sa set ng teleserye ay mas nakilala niya na umano ito.
Wala naman daw problema ang mga magulang ng Morrocan-Filipino star sa pagkakaroon nito ng nobyo sa edad na 18-taong-gulang. Ngunit mas gusto umano nila na makilala ang lalakeng magiging karelasyon ng dalaga at naiintindihan naman daw niya ito. Nakita na rin naman daw ng ina ni Sarah Lahbati si Richard Gutierrez. Bukod sa mga dumadating na mga biyaya ay natutuwa raw ang magulang ni Sarah dahil magkapares sila ni Richard sa kaniyang bagong proyekto. Naging maganda rin ang impresyon ng ina ng aktres sa binata dahil sa pagiging mabait nito at propesyonal pagdating sa trabaho.
Sa darating na Setyembre o Oktubre ay inaasahang matatapos ang airing ng teleserye nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na pinamagatang Makapiling Kang Muli. Sa nakaraang panayam sa Starstruck star ay inamin nito na inspirasyon niya si Richard sa kaniyang pagtatrabaho. Natutuwa raw si Sarah dahil matagal na sa industriya ang kaniyang leading man pero hindi ito nakikitaan ng yabang o pagkalaki ng ulo sa kaniyang kasalukuyang estado. Inamin din ni Sarah Lahbati na nakilala niya na ang mga kapatid at magulang ni Richard Gutierrez na nagpakita ng kabutihan sa kaniya.
0 comments:
Post a Comment