Nang awitin ni Regine Velasquez sa Party Pilipinas ang kantang You’ll Never Know na pinasikat ni Frank Sinatra ay hindi ito naiwasang maging emosyonal. Inialay ng Asia’s Songbird ang awiting ito sa kaniyang ama na si Mang Gerry. Paglilinaw ni Regine, madalas naman daw talaga siyang maging emosyonal kapag may kinakanta siyang mahalagang awitin para sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay inawit ni Regine Velasquez ang paboritong awitin ng kaniyang ama. Ang kantang ito ay ang theme song ng ama ng singer na si Gerry at ina nitong si Teresita. Naitanong naman kay Regine ang kalusugan ngayon ng kaniyang ama. Kilala si Mang Gerry bilang mentor ni Regine Velasquez bilang isang mahusay na singer.
Marami ang nagtatanong sa singer kung ano na ang kalagayan ng kaniyang ama dahil nababanggit naman daw niya ito sa kaniyang Twitter account. Okay naman daw ang ama niya ngunit kahit papaano ay umaasa pa rin daw si Regine Velasquez na maging mas mabuti pa ang kalagayan nito. Gusto raw sana makita ni Regine na bumalik na sa dating sigla si Mang Gerry katulad ng dati niyang nakikita. Aminado si Regine Velasquez na nahihirapan siya sa tuwing nakikita niyang nahihirapan ang kaniyang mga magulang partikular na ang amang si Gerry. Medyo matanda na rin ang kaniyang ama na dating madalas makita sa mga show na ginagawa ng singer.
Sanay raw kasi si Regine na nakikita na makulit at masigla itong nakikihalobilo sa kanila. Pagbibiro niya, may ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder ang ama sa sobrang kulit nito. Lahat daw kasi ng mga tao ay kinakakusap ni Mang Gerry dahil sa pagiging madaldal nito. Kahit saan daw magpunta ang ama ay tila malikot na bata at magulo dahil hindi mapakali sa iisang upuan. Bigla na lamang daw nawala kay Gerry ang ganitong pag-uugali na ipinag-alala ni Regine Velasquez.
Nagtaka rin maging ang asawa ni Mang Gerry sa biglaang paghina ng kaniyang asawa na kilala niya bilang isang masigla at masiyahin. Ikinuwento ni Regine na habang kinakanta niya raw ang awitin para sa mga magulang ay sinabi ng kaniyang ama na para sa kaniya ang inawit ng anak. Nagbigay naman ng mensahe si Regine Velasquez sa ama at hiniling na magpalakas pa ito. Aniya, hindi pa naman daw oras para maging mahina ito dahil marami pa silang oras na pagasasamahan.
Natutuwa rin si Regine dahil kahit isang tawag lamang niya sa kaniyang mga magulang ay kinikilig na umano ang mga ito partikular na ang amang si Gerry. Kapag tinatawagan daw ng singer si Mang Gerry ay nararamdaman niya umano ang kasiyahan nito kapag siya ay kausap. Noong nakaraang Hunyo ay napabalita na sumailalim sa isang minor surgery ang ama ni Regine Velasquez ngunit hindi niya na binanggit kung anong klaseng operasyon ang isinagawa rito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment