Masaya si Angeline Quinto dahil hindi nakalimutan ni Sarah Geronimo na panoorin ang kaniyang kuna-unahang pelikula. Naramdaman daw ni Angeline ang suporta ng isang tunay na kaibigan sa ginawa ni Sarah. Pinuri naman ni Sarah Geronimo ang pag-arte ni Angeline Quinto na agad namang ikinatuwa ng baguhang aktres. Isang karangalan umano ito para kay Angeline dahil isang papuri ang nanggaling sa kaniyang iniidolong singer at artista na si Sarah. Balewala naman daw sa dalaga na ikumpara sila sa kanilang mga ginagawang pelikula at sa pagkanta dahil maagkaibigan naman daw silang dalawa.
Proud na proud naman si Sarah Geronimo sa naabot ng kaniyang kaibigang si Angeline Quinto. Tila raw hindi ito ang unang pagkakataon na umarte ang dalaga dahil sa ipinakita nitong galing. Hindi naman inaasahan ni Angeline ang pagdating ng kaniyang kaibigan sa premiere night ng kaniyang pelikula kung saan leading man niya ang aktor na si Coco Martin. Sa araw na iyon ay may taping ang Princess of Pop pero pinilit pa rin umano nitong pumunta para suportahan ang kaniyang kaibigang si Angeline. Kasama ni Sarah Geronimo ang kaniyang ama kung kaya lubos din ditong nagpapasalamat si Angeline Quinto dahil sa oras na ibinigay sa kaniya kahit na alam niyang abala ang mga ito.
Napayakap naman si Angeline kay Sarah nang makita niya ito sa labas ng sinehan na naghihintay sa kaniya. Matagal nang magkaibigan ang dalawa simula pa nang sumasali pa lang sila sa mga singing content. Hindi na rin naman daw pinapansin ni Angeline Quinto ang mga isyung binabato sa kanila na siya na raw ang susunod na Sarah Geronimo. Aniya, walang makakapantay sa galing ni Sarah dahil nakagawa na raw ito ng pangalan sa industriya. Aminado si Angeline na nangangapa pa siya sa takbo ng showbiz pero sinigurado naman niya na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para magtagumpay katulad ng kaniyang kaibigan. Bukod sa tagumpay na tinatamasa niya ay masayang-masaya si Angeline Quinto dahil hanggang ngayon ay napanatili pa rin nila ang pagkakaibigan nila ni Sarah Geronimo.Â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment