Hindi inamin nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang tunay na estado ng kanilang relasyon noon pero nagawa naman nilang aminin na tapos na nga ito. Kinumpirma mismo ito ng mga taong malalapit kay Kylie at Aljur. Hindi na rin daw nagkikita o nag-uusap pa ang dalawa. Binabantayan daw kasi si Kylie Padilla para hindi na ito makipagkita pa kay Aljur Abrenica. Consistent naman si Kylie sa pagsabing magkaibigan lang talaga sila ni Aljur. Hindi na masyadong dinetalye ng dalaga kung paano nila tinapos ng aktor ang relasyon na mayroon sila. Kinumpirma ni Kylie na nakapag-usap sila nang maayos ni Aljur pero hindi na raw nila nagagawang magkita sa ngayon.
Matatandaang ang pakikipagrelasyon umano ni Kylie Padilla sa binatang si Aljur Abrenica ang dahilan kung bakit nagkaroon ng tampo ang ama ng dalaga na si Robin Padilla sa kaniyang pangalawang anak. Istrikto raw si Robin pagdating sa mga manliligaw ng kaniyang mga anak dahil ayaw daw nitong magkaroon muna ng relasyon ang dalaga dahil bata pa ito. Balak naman ni Kylie na bumalik ng Australia para magbakasyon para makasama ang kaniyang ina na si Liezl Sicangco at kaniyang mga kapatid.
Ilang buwan ding namalagi si Kylie Padilla sa Pilipinas para magtrabaho at gumawa ng kaniyang teleserye. Inamin naman ng dalaga na bukas siya sa mga gustong manligaw sa kaniya pero mas gusto niya na munang mag concentrate sa kaniyang trabaho. Bumalik na rin daw ang aktres sa tahanan ng kaniyang ama simula nang umalis daw ito nang pagbawalan siya nitong makipagkita noon kay Aljur Abrenica.
Espesyal naman daw ang naging pagkakaibigan nina Kylie at Aljur kahit pa wala na silang oras para magkasama. Ayaw naman mangako ni Kylie Padilla sa mga bago niyang manliligaw na may pag-asa sila sa kaniya. Sa ngayon ay hindi na raw muna iisipin ni Kylie ang patungkol sa kanilang pakikipag relasyon. Sa mga panayam kay Aljur Abrenica bago pa ang kumpirmasyon na wala na sila ay nabanggit nito na bisita niya ang dalaga sa kaniyang kaarawan pero tila hindi naman nakapunta ang aktres sa kaniyang selebrasyon.
Naging matipid si Aljur sa pagsagot ng mga katanungan patungkol sa kanilang relasyon ni Kylie. Kinumpirma ni Aljur Abrenica na wala na nga sila ni Kylie Padilla pero hindi na nagbigay ng reaksyon sa sinabi ng dalaga na bukas ito sa mga bago niyang manliligaw. Ayaw na rin daw kasi magsalita ni Aljur patungkol dito dahil ayaw niya nang lumaki pa ang isyu sa paghihiwalay nila ni Kylie. Aminado si Aljur Abrenica na kasalukuyan siyang nasa moving-on stage matapos ang hiwalayan nila ng dating nobyang si Kylie Padilla.Â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment