Hindi na kaila sa mga tao ang nararamdamang paghanga ni Kiray Celis sa aktor na si Sam Milby. Iginiit naman ni Kiray na inosenteng paghanga lang naman daw ang nararamdaman niya para kay Sam. Aminado si Kiray Celis na crush na crush niya talaga si Sam Milby at wala raw itong halong malisya. Napapasaya raw kasi ng aktor ang dalagang aktres kapag nakikita niya ito. Hindi lang naman daw dahil gwapo si Sam Milby kundi iba raw kasi ang dating nito sa kaniya bilang isang kuya sa industriya. Masaya rin ngayon si Kiray Celis dahil muli nang nagbalik ang aktor galing US. Ilang buwan ding nawala si Sam sa Pilipinas para makipagsapalaran sa ibang bansa.
Pinadalahan pa raw ni Kiray ng mensahe sa Twitter ang aktor bago pa ito dumating sa bansa noong May 16. Tinanong naman daw siya ni Sam Milby kung ano ang gusto niyang pasalubong. Natatawa namang ikinuwento ni Kiray Celis na sinabi ng kaniyang nanay na LV bag daw ang hingin niya sa aktor bilang pasalubong. Wala naman daw hiniling si Kiray mula kay Sam dahil mas mahalaga umano ang makarating siya sa Pilipinas nang ligtas. Ayon kay Kiray Celis halos buong Pilipinas na raw ang nakakaalam na type niya raw talaga si Sam Milby.
Matagal nang tagahanga ni Sam ang dalagang si Kiray magmula pa nang pumasok ito bilang housemate sa Pinoy Big Brother. Lumuhod pa nga raw siya sa kaibigan ni Sam Milby na si Teacher Racquel Reyes para lang makuha ang numbero ng aktor. Hindi pa rin daw nakakasama ni Kiray Celis ang binata kahit sa mga guesting ssa ABS-CBN pero iba raw kasi ang kanilang closeness sa isa’t-isa. Naniniwala raw si Kiray na kapag nakasama niya ang isang tao ay ito raw ang pagkakataon na mas makikilala niya pa ang totoo nitong pagkatao.
Hindi naman makakalimutan ni Kiray Celis nang pumunta si Sam Milby sa kaniyang kaarawan noong nakraang taon. Imbitado naman daw talaga si Sam pero hindi niya aakalain pupunta talaga ito dahil sa kaniyang busy schedule. Hindi naman din daw kasi ito pinilit ni Kiray na pumunta dahil alam niya naman kung gaano ito kaabala sa mga commitment niya sa showbiz. Natuwa naman ang dalaga dahil nagkaroon ng oras si Sam Milby para puntahan ang pinakamahalagang araw para kay Kiray Celis. Halos kinausap pa umano ng aktor ang lahat ng naging bisita ni Kiray sa araw na iyon kung kaya lalo pa raw humanga ang dalaga dito. Hindi naman daw talaga malapit si Kiray Celis kay Sam Milby pero nagagawa pa rin daw mag share ng aktor ng kaniyang buhay sa batang komedyante.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment