Hindi isyu para sa bagong primetime princess at bida ng top-rating Kapamilya fantaseryeng "Aryana" na si Ella Cruz ang kompetisyong ikinakabit sa pagitan nila ng mga kapwa niya ex-"Goin' Bulilit" child stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, na ngayon ay namamayagpag na rin ang career bilang primetime lead stars ng ABS-CBN.
"Okay lang po sa akin na ma-compare sa kanila. Palagay ko po normal 'yun kasi pare-pareho kami ng ginagawa. Bukas po ako sa mga komento ng mga tao lalo na kapag para sa ikabubuti ko bilang artista. Basta ako, masayang-masaya sa success nila," sabi ni Ella.
Aminado si Ella na bagamat natutuwa siya sa mabilis na pagtaas ng ratings ng kanyang show, medyo kinakabahan rin siya dahil ditto kaya naman mas inspirado raw siyang pagbutihan pa kanyang pag-arte. Aniya, "Patuloy po akong magsisikap ii-improve ang talent ko para mas mapasaya pa ang TV viewers na laging nanonood ng 'Aryana."
Samantala, matapos itakwil ni Victor (Tonton Gutierrez) si Aryana bilang isang Mendez, tuluyan na bang mabubura sa puso ng dalagita ang pag-asang mabuo ang kanyang pamilya? Anong pagbabago ang magaganap sa sandaling maisakatuparan na ang sumpa ng pagiging sirena ni Aryana?
Huwag palampasin ang "Aryana," gabi-gabi, sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag-"TV Patrol." Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and @abscbndotcom sa Twitter.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment