Nagbabalik sa primetime si Maja Salvador sa pinakabago niyang teleserye, ang Ina, Kapatid, Anak kung saan makakasama niya si Xian Lim, Enchong Dee at Kim Chui pagkatapos ng tagumpay ng "Lumayo Ka Man Sa Akin."
Hindi madali ang role ni Maja sa bagong teleserye. Ayon sa kanya challenging ito at dapat abangan ng mga manonood ang pasiklaban nila dito ni Kim Chiu. "Agresibo po kami dito parehas dahil sa matinding pagmamahal," ayon pa kay Maja.
Hindi lamang sa teleserye may matinding pagmamahal si Maja dahil ipinagmamalaki ng dalaga na kahit busy sila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli sa kanya-kanyang trabaho ay mas lalong tumatatag ang kanilang relasyon. "Wala nga kaming oras manood ng sine pero nagwo-workout kami madalas. Sumasama ako sa training niya," pag-amin ni Maja na masaya sa bagong sport ni Matteo na triathlon mula sa kart racing.
Nang tanungin tungkol sa pagsali sa triathlon, "Wala po akong plano na sumali sa totoong triathlon kasi po matindi ang training doon."
Samantala, guest si Maja sa "TODA Max" ngayong Sabado kung saan makakasama niya sina Bentong at Al Tantay. Gagampanan niya si Darling, ang half-sister ni Isabel (Angel Locsin). Mabibigla si Isabel sa nalaman ngunit matatanggap din niya ito at iimbitahan ang kapatid sa kasal. Ngunit, sasabihin ni Darling na hindi dapat ituloy ang kasal kasi sukob sila dahil kakakasal lang niya.
Matuloy pa kaya ang pinaka-iintay na kasalan nina Isabel at Justin Bibbo (Vhong Navarro)? Alamin sa "TODA Max" ngayong linggo na pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment