Sa halos isang taon at dalawang buwan na pagsasama ni Zanjoe Marudo at Bea Alonzo ay naitanong sa kanila kung handa na ba silang lumagay sa tahimik. Aminado naman si Zanjoe na si Bea na ang babaeng gusto niyang makasama panghabang buhay pero sa ngayon ay mas uunahin daw muna nila ang kanilang mga career. Masayang-masaya si Zanjoe Marudo dahil nakita niya na ang taong hinahanap niya na masasabi niyang perpekto para sa kaniya sa katauhan ng dalagang si Bea Alonzo. Inamin ng aktor na matagal niya nang ipinagdadasal ang magkaroon ng babaeng makakasama niya ng pang matagalan.
Wala na rin daw si Zanjoe Marudo sa edad kung saan kailangan niya pang maglaro at magkagusto pa sa mga magagandang babae. Alam ng binata na ang pinasok niyang industriya ay  hindi mawawalan ng mga magagandang babae na pwede niyang makatrabaho. Kuntento na rin daw siya kay Bea Alonzo na kinakitaan niya ng kakaibang ugali na hinahanap niya sa isang babae. Parehong matured na raw sina Zanjoe at Bea pagdating sa relasyon kung kaya mas lalo na silang nagkakaintindihan. Bukod sa magandang pundasyon ng pakikipagrelasyon ay mas focus din daw si Zanjoe Marudo sa kaniyang career dahil hindi na rin naman daw siya bumabata. Sa darating na July 23 ay magdiriwang ang aktor ng kaniyang ika-30 kaarawan.
Tinuturing ni Zanjoe na isang magandang biyaya si Bea dahil sa pagmamahal nitong ipinapakita sa kaniya. Maalaga raw kasi si Bea Alonzo kaya ramdam na ramdam ng binatang si Zanjoe Marudo ang pagmamahal sa kaniya ng nobya. Swerte umano siya dahil natagpuan niya ang isang katulad ni Bea. Pinaparamdam ng dalaga ang kaniyang pagmamahal sa aktor na talaga namang kuntento sa ibinibigay sa kaniya ng dalaga. Hindi itinanggi ni Zanjoe Marudo na kinikilig siya kapag hinahanap siya parati ng nobyang si Bea Alonzo sa tuwing wala itong trabaho.
Pinagtatawanan nalang ng aktor ang mga lumalabas na balitang hiwalay na sila ng kaniyang nobya dahil wala naman daw silang pagkakataon na nagkaroon ng malaking away ng dalaga. Para kay Zanjoe, tiwala ang nagpapatakbo sa isang relasyon bukod sa pagmamahal at ito ay pareho nilang ibinibigay ni Bea sa isa’t-isa. Nag-iipon na rin daw si Zanjoe Marudo para sa kanilang kinabukasan ni Bea Alonzo dahil limang taon pa ang paghahandaan nila para tuluyan nang lumagay sa tahimik.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment