Naniniwala si Raymart Santiago na edited ang bagong video na lumabas kaugnay sa naging awayan nila ni Mon Tulfo sa airport. Nakita sa nasabing video ang paghampas sa ulo ni Mon Tulfo ng isang lalake na nakasuot ng kulay pink na T-shirt habang nakikipag-usap ang mamamahayag sa grupo ni Raymart. Hindi naman daw ito ang first part ng video ayon kay Raymart Santiago kung saan siya raw ay sinuntok at sinipa ni Mon Tulfo. Ang bagong video umano na lumabas ay nagpapakita ng dulo ng unang parte ng nangyaring kaguluhan. Inilahad naman ni Raymart na ang pinakaunang parte talaga ng awayan ay nang itinulak siya ni Mon at nagkaroon ng konting suntukan at awatan.
Inamin naman ni Raymart Santiago na ang bagong video ay naglalaman din ng paghahamunan nila ni Mon Tulfo na magsuntukan na lang sa labas. Nilinaw naman ng aktor na hindi naman daw tumama ang kamay ng kaibigan niya kay Mon na sinasabing nanapak sa mamamahayag. Iginiit ng aktor na maaaring inedit na ang video kung kaya nagmukhang tinamaan daw dito si Mon Tulfo. Hindi rin alam ni Raymart Santiago kung saan at kanino nanggaling ang naturang video na sinasabi niyang edited na. Â Paliwanag ni Raymart, ang una-unang video na lumabas ay ang eksena matapos sipain ang asawa niya na si Claudine Barretto samantalang ang bagong labas naman na video ay naglalaman ng paghahamunan pa lang nila ni Mon.
Ang gustong makita ngayon ni Raymart Santiago ay ang kalagitnaang parte ng mga nangyari sa airport. Hindi naman nagustuhan ng aktor na tila may pag-edit na nangyari sa naturang video dahil nagmukhang sila ang unang nanakit kay Mon Tulfo. Ikinabuwisit naman ni Raymart ang tila pinapalabas pa raw ng kampo ni Mon na sila ang nauna sa kaguluhan. Wala na rin daw magagawa pa si Raymart Santiago rito dahil nasa korte na rin ang kanilang kaso. Tanging pakiusap niya na lang ay ilabas na lang daw ang video na nakakuha ng buong pangyayari. Nirereklamo rin ng aktor ang napakaigsing video na lumabas kung saan hindi naman daw talaga nakunan ang lahat ng mga nangyari at tanging ang eksena lang kung saan nagmukhang sila ang nagsimula ng pananakita kay Mon Tulfo.
Ayon naman kay Mon Tulfo, mayroon lang daw nagbigay sa kanilang bagong video ng awayan sa airport. Wala namang hawak na video ang kampo ni Raymart Santiago pero ang nananatili naman daw sa kaniya ay ang bersyon niya ng nangyari at hindi raw ito magbabago.Natutuwa naman si Raymart dahil nakuha na nila mula sa korte ang temporary protection order o TPO laban sa magkakapatid na Tulfo. Nakikiusap na si Raymart Santiago sa taong may hawak ng kumpletong video ng awayan nila ni Mon Tulfo na ilabas na raw ito para sa ikatatahimik na ng kanilang pamilya.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment