Lumabas ang balitang may hindi pagkakaintindihan ang magkaibigang sina Bubbles Paraiso at Maxene Magalona. Napansin daw ang tila hindi pagpapansinan nina Bubbles at Maxene nang magpang-abot sila sa isang resort sa Boracay. Sa isang panayam ay tinanong ang model-actress na si Bubbles Paraiso kung kamusta na sila ni Maxene Magalona sa kasalukuyan. Hindi itinanggi ng dalaga na hindi raw sila nagikita ng kaibigan ngayon dahil abala raw ito sa kaniyang bagong soap. Kasalukuyang abala si Maxene sa kaniyang bagong teleserye na Unfaithful sa Kapuso network.
Nagkasama naman daw sina Bubbles Paraiso at Maxene Magalona sa Boracay pero sa sandaling panahon lang. Nagawa naman din daw nilang magbonding sa naturang lugar kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Isang beses lang naman nakita ni Bubbles si Maxene sa mga nagawa niyang trips ngayong taon dahil mas madalas niyang kasama ang mga kabarakada niya. Nilinaw naman ni Bubbles Paraiso na walang issue na naganap sa Boracay dahil nandoon lang siya para magsaya. Sinigurado naman ng dalaga na magkaibigan pa rin sila ni Maxene Magalona kahit pa minsan lang sila nagkikita.
Iba na rin daw kasi ang grupo ng mga kaibigan ni Maxene kung kaya maaaring ito raw ang dahilan kung bakit hindi na sila madalas magkita ni Bubbles. Naging malapit umano sila noon ng kaibigan dahil best friend ni Bubbles Paraiso ang dating nobyo ni Maxene Magalona. Ang tinutukoy ni Bubbles na kaniyang best friend ay ang professinal poker player na si Neil Arce. Napabalitang nakipaghiwalay si Maxene sa binata noong buwan ng Marso pa. Si Bubbles Paraiso raw kasi ang nagpakilala sa binata kay Maxene Magalona kuna kaya hindi rin naiwasan na maging close silang dalawa ng dalaga.
Ngayong natapos na ang relasyon ni Maxene kay Neil ay hindi naman itinanggi ni Bubbles na sasama siya sa kaniyang best friend. Kinumpirma rin ni Bubbles Paraiso na wala na ngang relasyon ang kaniyang kaibigan at si Maxene Magalona. Matatandaang sa isang panayam ni Maxene ay nabanggit niya pa kung gaano siya kasuwerte sa kaniyang nobyo. Sa isang blind item ay lumabas ang balitang hiwalay na umano sila ng poker player na binata. Hindi naman nagsalita ang ina ni Maxene Magalona na siya ring manager ng aktres patungkol sa pakikipaghiwalay ng anak niya sa matalik na kaibigan ni Bubbles Paraiso.Â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment