Maaaring masundan pa ang proyekto nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo dahil kamakailan lang ay nagpatawag ang Star Cinema ng story conference para sa ikatlong pelikula ng dalawa. Makakasama nina Gerald at Sarah ang box office director na si Cathy Garcia-Molina na kilala bilang isang magaling na direktor pagdating sa romantic comedy movies. Mas inspirado naman daw ngayon si Gerald Anderson na gumawa ng pelikula kasama si Sarah Geronimo dahil mas nagkakamabutihan na rin silang dalawa sa totoong buhay.
Mas makakatulong din daw ito sa working relationship nina Gerald at Sarah ngayong mas nakilala na nila ang isa’t-isa.
Hindi na rin daw mangagapa sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo sa kanilang bagong proyekto dahil mas magiging madali na raw ito sa pagiging kumportable nila sa bawat isa. Aminado naman ang dalaga na hindi talaga sila masyadong nag-uusap noon ni Gerald lalong-lalo na nang gawin nila ang kanilang unang pelikula. Masasabi ni Sarah na maganda na ang kanilang naging samahan ng aktor kung kay ine-enjoy na lang nila ang kanilang oras sa pagtatrabaho. Sigurado naman daw sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo na nasa magandang kamay sila kay Direk Cathy.
Malaki ang paghanga ni Gerald kay Sarah lalong-lalo na pagating sa trabaho. Kung kaya iba raw talaga ang respeto at paghanga niya sa dalaga. Malaki rin umano ang natutunan ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo dahil bukod sa pagiging professional nito ay determinado rin daw ito maging matagumpay sa kaniyang pag-arte. Hindi rin makapaniwala ang binata sa tinataglay na talento ng singer dahil ibang-iba raw kasi ito sa personal at kapag pinapapanood na itong magperform.
Sa sobrang sarap raw kasama si Sarah ay minsan nawawala na si Gerald sa focus. Nakakahawa raw kasi ang tawa ng dalaga na kilala bilang isang bungisngis na dalaga. Inamin ni Gerald Anderson na minsan daw ay nakakalimutan niya ang kaniyang mga dapat gawin kapag kaeksena na si Sarah Geronimo. Bilib na bilib naman ang Pop Princess sa aktor dahil sa pagiging propesyonal nito pagdating sa trabaho.
Ikinuwento ni Sarah na bago pa sila magsimula ng eksenang mabigat ay nangungulit pa umano sa kaniya si Gerald habang siya ay abala sa pag internalize ng kaniyagn karakter. Nagugulat na lang daw si Sarah Geronimo dahil pagdating ng iyakang eksena ay nakakaya ni Gerald Anderson na ibigay ang hinahanap na emosyon kahit na hindi niya ito pinaghahandaan.
Hindi na rin masyadong nagkikita ang dalawa dahil pareho na raw silang abala sa kani-kanilang mga proyekto. Masasabi na ni Gerald Anderson na malayo na ang napuntahan ng pagkakaibigan nila ni Sarah Geronimo at ipinagmalaki na nakakapag share na sila ng kanilang mga sikreto sa isa’t-isa. Tumanggi na rin ang binata na magkuwento pa patungkol sa relasyon nila ng singer dahil mahalaga raw na magkakasama muli sila sa trabaho.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment