Hindi inakala ni JM de Guzman na magiging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa kaniyang unang proyekto sa ABS-CBN na Angelito: Batang Ama dahil ngayon ay nasa ikalawang yugto na ito. Dalawang serye na ang pinagbidahan ni JM sa ABS-CBN at minsan ay nakikita rin siya sa variety show na ASAP. Itinanggi ni JM de Guzman na aalis na siya sa ABS-CBN dahil ito umano ang nagbigay sa kaniya ng pagkakataon na makamit ang pangarap niyang bumida sa sariling programa.
Hindi pa rin daw makapaniwala ang binata dahil sa tiwalang ipinagkatiwala sa kaniya ng ABS-CBN para bumida sa mga serye. Nagpapasalamat din si JM sa mga sumuporta sa kaniya lalong-lalo na ang pagpasok niya sa mainstream mula sa independent films.
Naging sunod-sunod na ang naging proyekto ni JM de Guzman mapa telebisyon man o pelikula. Abala rin siya ngayon sa  pagiging singer. Nagpeperform din si JM at kaniyang mga kasama sa grupong BRB o Boys R Boys sa variety show ng ABS-CBN na ASAP tuwing Linggo. Dahil sa tiwalang ibinigay ng ABS-CBN ay unti-unti na raw nakukuha ng aktor ang kaniyang mga pinapangarap sa buhay. Kung dati ay support roles lang ang ginagampanan ni JM de Guzman ay ngayon ay mayroon na siyang mga regular soap. Bumida na si JM sa dalawang serye ng ABS-CBN na Mula Sa Puso kung saan nakasama niya si Lauren Young at sa Angelito kung saan naging partner niya naman si Charee Pineda.
Ikinuwento ni JM na noong una ay kuntento na raw siya na mapabilang sa Star Magic na kilalang talent center ng ABS-CBN. Pinangarap din noon ni JM de Guzman na mabigyan ng supporting roles sa mga programa ng ABS-CBN pero ikinabigla niya nang kunin na siyang bida sa mga teleserye. Hindi magawang magreklamo ng aktor dahil sa mga sunod-sunod na trabaho na ibinibigay at ipinagkakatiwala sa kaniya ng ABS-CBN. Inamin naman ni JM de Guzman na noong una ay parang gusto raw niya magreklamo dahil madalas na raw siyang makaramdam ng matinding stress na idinudulot sa kaniya ng pagpupuyat.
Natutunan naman ng binata na magpasalamat sa mga biyaya na ibinigay sa kaniya bilang isang aktor. Ngayong nasa ikalawang kabanata na ang Angelito ay sinigurado ni JM na gagawin niya ang kaniyang makakaya para patunayan sa ABS-CBN na karapat-dapat siya sa nasabing role. Alam naman daw ni JM de Guzman na hindi basta-basta namimili ang ABS-CBN ng mga taong gaganap sa kanilang mga programa kung kaya gagawin niya raw ang kaniyang makakaya para sa kaniyang mga tagahanga. Kahit na madalas nang makita sa telebisyon at pelikula ang aktor ay hindi niya iniisip na in demand siya ngayon bilang aktor. Itinaggi rin ng Kapamilya actor na siya raw ang prinsipe ng panghapong teleserye ng ABS-CBN na Kapamilya Gold.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment