Sunday 12 February 2012

Mga Krimen Dahil sa Pag-ibig, Hihimayin ni Pinky Webb

Parating na naman ang Araw ng mga Puso at magdiriwang na naman ang mga nag-iibigan. Pero hindi sa lahat ng oras pagmamahalan ang nangingibabaw sa magkasintahan dahil minsan ito pa ang dahilan ng krimen.

Hihimayin ni Pinky Webb ang mga kasong may kaugnayan sa pag-ibig ngayong Lunes (Feb 13) sa Valentine's Day episode ng "XXX."

Hindi na iba sa publiko ang mga kuwento kung saan nakapatay ang isang tao dala ng matinding selos o nakaranas ng pananakot mula sa dating nakarelasyon. Paano nga ba makakaiwas sa mga ganitong sitwasyon at ano ang dapat gawin sakaling maging isang biktima nito?

Kung ang iba'y nakakagawa ng kasamaan dahil sa pag-ibig, ang iba naman ay patuloy na naghahanap ng maiibigan sa pamamagitan ng social networking sites. Sa paglaganap ng Valentine's promos sa porn sites, bubusisiin naman ni Anthony Taberna ang isang reklamo laban sa isang guro na aktibo raw sa isang porn site at sa loob ng eskwelehan nakikipagkita.

Ang pagbebenta naman ng sex toys sa bangketa sa Avenila, Maynila ang sisiyasatin ni Julius Babao at anong kapahamakan ang maaaring maidulot ng paggamit nito.

Ang “XXX” ay hinirang din na Best Public Service Program ng Golden Dove Awards at Oustanding Crime/Investigative Program ng Golden Screen TV Awards noong nakaraang taon.

Pakatutukan ang “XXX” ngayong Lunes (Feb 13) pagkatapos ng Bandila¨sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable ch 26) sa parehong araw sa ganap na 9:15 PM.

By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
, ,

Madlang People, Bidang Bida sa 'It's Showtime'

Simula na ng pagbuhos ng pag-asa, walang patid na sigla at tuwa, at limpak-limpak na papremyo sa pinakabagong noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” na naging pinakamainit na paksang pinag-usapan sa micro-blogging site na Twitter sa pilot episode nito noong Lunes (Feb 6).

Na-excite ang Pinoy netizens sa kantahan, sayawan, at kulitan sa programa kaya’t nag-numero ang hashtag na ‘#ItsShowtime’ sa listahan ng trending topics sa Twitter. Nag-trend din ang term na ‘Baliwag U’ na pinauso ng host na si Anne Curtis, at ang ‘Sine Mo ‘To’ na isa sa bagong segments ng noontime program.

Talagang patok ang ‘Sine Mo ‘To’ sa mga manonood dahil aktibong kalahok ang iilang miyembro ng studio audience na napipiling umarte kasama ang hosts na sina Anne, ‘Kuya’ Kim Atienza, Karylle, Vice Ganda, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, at Eric ‘Eruption’ Tai.

Matapos mapag-usapan sa Twitter, inaabangan na araw-araw ang pagsasadula at pag-usad ng kwentong isinasalaysay nina Vhong Navarro at Billy Crawford. Bukod pa sa pambihirang pagkakataong makasalo ang entablado kasama ang hosts, waging wagi rin ang madlang people participants sa mapapanalunang cash prize para sa kanilang pagganap sa ‘Akting Mo, Premyo Mo.’

Tinututukan din tuwing tanghali ang “Arte Mo!” contest kung saan ang natitirang contestant ang siyang tutungo sa nakakakabang “Rock Clock” round ni Kuya Kim na may jackpot prize na P500,000. Patuloy ding tinutupad ng klasikong talent search portion ng noontime show ang pangarap ng pinakamagagaling na performing groups sa buong bansa na makilala, magpasiklab sa telebisyon, at aliwin ang mga manonood.

Samantala, hindi naman dapat mag-alala ang mga sintunado sa ‘Singing V’ kasama si Vice dahil susubukin nito ang kanilang kaalaman sa lyrics ng iba’t ibang kanta.

Mag-party party araw-araw kasama ang unkabogable na barkadaha ng “It’s Showtime,” 11:30 a.m. sa ABS-CBN. Tumutok din sa Studio 23 sa susunod na linggo, mula February 13 hanggang 17, para mapanood ang simulcast ng “It’s Showtime” sa parehong oras.

By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
,

Maria, Maaalala na ang Lahat

Todo kilig ang fans nina Erich Gonzales at Enchong Dee sa muling pagkakamabutihan nina Maria at Luis sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na "Maria la del Barrio." At sa gitna ng pagkakalapit ng dating magkarelasyon, isang hindi inaasahang tagpo ang mistulang bubuo na ng nawasak nilang pangarap--magbabalik na ang alaala ni Maria! Matuklasan na kaya nila na ang inaakalang patay nilang sanggol ay kasama lang nila sa mansyon ng mga Dela Vega? Tuluyan na kayang sumuko sa laban sina Sabrina (Jewel Mische) at Vlad (Aaron Villaflor)? Huwag palampasin ang mas mga umiinit na tagpo sa “Maria la del Barrio,” bago mag-TV Patrol, sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
,

Did Vicki and Hayden break up?

Did celebrity doctor Vicki Belo and boyfriend Hayden Kho Jr. break up?

In her Twitter account , Vicki posted earlier today, February 10: “nancycastilogne you can now openly date @haydenjr . You have my blessings. Hope you'll both be happy.”

Meanwhile, Hayden tweeted: “Before things go out of hand: Vicki and I are just having a misunderstanding. Don't make conclusions. There's infidelity issue here.”

Thirty minutes later, Hayden corrected himself by twitting: “I meant NO infidelity issue.”

In a text message to Yahoo! Philippines OMG! Vicki’s mysterious reaction was: “No comment. Just ask Hayden na lang.”

Did Vicki and Hayden break up

In an earlier interview with the press at the Talent Agents’ Organization’s (TAO) Party “Skin: The TAO Models’ Party” last Tuesday, February 7, the two said they’re planning to get married this year.
“Basta 2012, pero secret na yung date,” Vicki said.

“Wala, wala kaming mare-reveal about the wedding,” Hayden said.

A reliable source said that Vicki and Hayden will go to the United States together soon.

By Chuck Smith | Yahoo! Southeast Asia Newsroom

Popular Posts