Wednesday 12 December 2012

Piolo Pascual Explains the Story Behind the Picture with Maja Salvador

Nilinaw ni Piolo Pascual ang kwento sa likod ng lumabas na litrato nila ni Maja Salvador na akmang naghahalikan sa loob ng kotse ng actor. “I was coming out of a run sa Sunlife last week tapos nag-Star Magic gives back concert kami. I was driving out of McKinley, nakita ko siya, nagpaalam ako. Then she suddenly rode in my car tapos yun, may pumicture na we were going to kiss tapos yun na.”

Kaya naman sa paglilinaw na ito ni Piolo, pinaklaro na rin sa kanya ang mga usapang may namamagitan sa kanila ni Maja. “I am friends with Matteo (Guidicelli) as well, and Maja is a nice girl as well, busy sa trabaho ayun.” Maaring ang pareho nilang pagiging single ang dahilan ng patuloy na panunukso sa kanila. “Oo, siguro, pero lokohan lang iyon wala yun.”

At sa nalalapit na Pasko, ibinahagi din ni Piolo kung paano niya ipagdiriwang ang okasyong ito. “I am going to the States this Christmas, I am going to spend it with my son and family so I am leaving before Christmas.” Babalik din siya agad pagkatapos ng Bagong Taon dahil sa mga trabahong nakalinya sa kanya, isa na rin dito ang On The Job’na pelikula kasama si Gerald Anderson at marami pang iba. By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy

Piolo Pascual Talks About Role in New Teleserye

Nagkwento si Piolo Pascual tungkol sa kanyang pinakabagong proyekto sa telebisyon, ang Apoy Sa Dagat kung saan kasama niya si Angelica Panganiban. “Nakakaoverwhelm. Its something new, something different. My role is Ruben, isa akong mangingisda dito na naampon natin si Angelica, si Rina. Tapos yun magkasama na kami hanggang sa tumanda kami tapos pagtanda kailangan magtrabaho e medyo hindi ako matalino dito. Gusto ko maging seaman hindi nangyari kaya siya (karakter niAngelica) na lang ang gumawa ng paraan para mabuhay. Dun pumasok ang conflict sa love storynamin, kinailangan niyang magtrabaho para sa amin, yung pagpasok niya sa siyudad dun kami nagkaroon ng problema at kung paano ko babawiin yung mahal ko.”


Sa dinami-rami na rin na ginampanan ni Piolo sa telebisyon, ano pa nga ba ang kakaibang makikita sa kanya sa seryeng ito? “That is why I am excited, I am happy how Star Cinema was able to come up with a different character and malayo naman from being a priest sa Dahil sa Pag-ibig. So iba yung dynamics niya as a character so malalaro, mabibigyan natin ng magandang interpretation kasi marami siyang mapupuntahan at pwedeng gawin.” By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy

Popular Posts