Kamakailan lang ay nagdiwang ang aktres na si Iza Calzado ng kaniyang ika-30 kaarawan kung saan binigyan siya ng surpresa ng kaniyang nobyo sa pamamagitan ng isang flash mob. Ang nobyo ng aktres ay isang British entrepreneur, sportsman at co-founder ng matchmaking website na TrustCircle na nagngangalang Ben Wintle. Binati ni Ben si Iza sa pamamagitan ng isang VTR at nagbigay ng kaniyang mensahe para sa dalaga. Marami naman ang kinilig dahil hiniling ni Ben Wintle sa kaniyang mensahe na huwag na sanang masyadong magpupuyat ang nobya nitong si Iza Calzado pagdating sa trabaho. Ang huling hiling ng binata ay sana magustuhan ng nobya ang inihandang dinner ng nobyo sa kaniya.
Ikinuwento ni Iza ang kakaibang surpresa sa kaniya ni Ben dahil halos lahat ng kaniyang mga mahal sa buhay ay sumayaw at nagsaya para lang supresahin siya. Habang kumakain si Iza Calzado ay hindi niya inaasahan na biglang nag-freeze ang nag-abot sa kaniya ng wine. Matapos nito ay unti-unting tumatayo ang mga inimbitahang tao ni Ben Wintle. Ang flash mob ay ang pagsayaw nang sabay-sabay ng mga tao sa pampbulikong lugar. Hindi inaasahan ng aktres na ito ay mangyayari sa kaniyang kaarawan dahil sinabihan na rin daw niya ang nobyo na gusto niyang masurpresa sa kaniyang kaarawan.
Akala ni Iza Calzado ay nagsasayaw lamang talaga ang lahat pero unti-unti niyang napapansin na pare-pareho ang kanilang mga dance moves. Dito raw naisip ng dalaga na pinaghandaan nga ito ng kaniyang nobyong si Ben Wintle dahil isang malaking preparasyon ang kinakailangan para rito. Ito raw ang unang pagkakataon ni Iza Calzado na makaranas ng ganitong surpresa at nagmula pa sa espesyal na tao. Tumanggi namang sumagot ang dalaga nang tanungin kung ilang buwan na silang magkasintahan ni Ben. Aniya, sa susunod na guesting na lamang daw niya ibabahagi ang kanilang pag-iibigan ni Ben Wintle.Â
Full Story @ Tsismoso
Marami ang nakapansin sa pagiging masayahin ngayon ng singer na si Kris Lawrence at aminado naman ang binata na dahil ito sa kanilang magiging anak ng girlfriend na si Katrina Halili. Kamakailan lang ay lumabas ang balitang pagbasura umano ng korte sa kasong isinampa ng dalaga kay Hayden Kho. Hindi na raw ito masyadong iniintindi pa ni Kris dahil naniniwala siyang nasa bagong kabanata na sila ng kanilang buhay ni Katrina. Ngayong darating na September ay inaasahan nang manganganak si Katrina Halili sa kanilang panganay na anak ni Kris Lawrence. Hindi naman daw nakakalimutan ng R&B singer na paalalahanan ang sexy actress na magpahinga at huwag ma-stress sa mga panahong ito.
Madalas na nasa bahay ngayon si Katrina Halili at inip na inip na rin daw ito dahil walang masyadong ginagawa. Sinusubukan naman daw ni Kris Lawrence na samahan ang girlfriend kapag siya ay may oras dahil naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Inamin din ni Kris na minsan ay nagiging moody rin si Katrina lalo na sa kaniyang kalagayan. Hindi naman daw nauubos ang pasensya ni Kris Lawrence kapag nagkakaroon ng pagkakataon na nagsusungit si Katrina Halili. Madalas din daw kantahan ni Kris ang kaniyang anak sa sinapupunan ni Katrina. Hindi naman masagot ng binata kung kailan nila balak magpakasal ng nobya dahil mas prayoridad umano ang kanilang anak sa ngayon.
Umabot na ng 14 taon ang pagsasama nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kung kaya hindi na raw makapaghintay ang aktor na pakasalan ang kaniyang longtime partner. Noong taong 2002 ay opisyal nang na-annul ang kasal ni Carmina sa dati nitong asawa na si Rustom Padilla na ngayon ay si BB Gandanghari na. Nangyari ito apat na taon matapos mag-file ng petition for annulment si Carmina Villarroel sa korte. Ayon kay Zoren Legaspi, ang plano nilang pagpapakasal ng partner ay natagalan dahil na rin sa mga teknelidad ng dating kasal ng aktres. Kasalukuyang may dalawang anak si Carmina at Zoren kung kaya umaasa rin ang mga ito na maikakasal ang kanilang mga magulang.
Ngayong taon ay ganap na ngang single ang status ni Carmina Villarroel at 100% na umanong annulled mula sa dating kasal nito. Naniniwala si Zoren Legaspi na ang tanging kulang na lang sa kanilang relasyon ng partner ay ang pagpapakasal. Nararamdaman din daw ni Zoren na iyon din talaga ang gustong mangyari ni Carmina simula nang matapos na ang problema nito sa dating relasyon. Umaasa ang dalawa na magaganap ang kanilang kasalan ngayong taon. Aminado rin si Carmina Villarroel na ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila nagpakasal ng partner ay dahil na rin sa kambal. Masyado umanong silang na-overwhelmed ni Zoren Legaspi sa pag-alaga sa mga bata at naging kampante na rin sa kanilang sitwasyon bilang isang pamilya.
Kahit madalas na lumalabas na magkasama sina Rhian Ramos at KC Montero ay hindi pa rin daw matatawag ng dalaga na opisyal ang kanilang relasyon. Ngunit ang estadong exclusively dating ay kinumpirma mismo ni Rhian dahil madalas naman daw talaga sila mag-date ni KC sa loob ng ilang buwan. Hindi naman masabi ni Rhian Ramos kung ilang buwan na ang espesyal na samahan nila ni KC Montero dahil hindi naman sila nagbibilang ng ganito at hindi rin daw siya magaling sa dates. Bago pa nauwi sa isang relasyon ang samahan ng dalawa ay una na silang magkaibigan ng binata.
Hindi rin umano nagmamadali si Rhian Ramos at KC Montero na gawing opisyal ang kanilang pagsasama. Tapat naman daw ang dalawa sa isa’t-isa kung kaya bukas naman sila kung sakaling may problema sa kanilang kasalukuyang estado. Ine-enjoy na lamang daw ngayon nina Rhian at KC kung ano ang mayroon sila. Ayaw naman daw problemahin pa ni Rhian Ramos ang mga pwedeng mangyari sa kanilang relasyon ni KC Montero dahil sa ngayon ay sapat na rin daw sa kanila ang lahat ng nangyayari.
Marami ang nagulat nang lumabas ang balitang na-diagnose ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ng Stage 1 kidney cancer. Nakitaan umano ng bukol sa kaniyang kidney si Zsa Zsa na kasing laki ng isang golf ball. Lumalabas na malignant ang bukol na ito na ikinalungkot ng singer. Ibinahagi ni Kris Aquino ang mahabang usapan nila sa text ng kaibigan sa kaniyang morning program sa ABS-CBN kung saan isinawalat nito na siya ay may kidney cancer. Bago pa kumalat sa publiko ang tunay na karamdaman ni Zsa Zsa Padilla ay alam na ito ng ilan niyang mga malalapit na kaibigan sa industriya.
Nananatiling malakas ang anak ni Zsa Zsa kahit pa isang buwan pa lamang ang nakakalipas nang mamayapa ang ama nitong si Dolphy. Bilib na bilib din si Zsa Zsa Padilla dahil matapang na hinaharap ng kaniyang anak ang pagkadiskubre nila sa kidney cancer ng singer. Â Nagpapasalamat din daw siya dahil sa mga dasal na ibinibigay ng tao sa kaniyang kalagayan Gusto rin ni Zsa Zsa na kapag umuwi siya sa Pilipinas ay masasabi niyang isa na siyang cancer survivor.