Hiwalay na ang komedyanteng si Ariel Villasanta at asawang negosyante na si Cristina Castillo. Wala pang dalawang taon ang pagsasama nina Ariel at Cristine bilang mag-asawa. Sa naganap na ribbon-cutting ng dalawang negosyo ni Cristina Castillo ay ikinuwento niya na hindi na sila nakatira sa iisang bahay ng asawang si Ariel Villasanta na kasalukuyang nakatira sa Marikina. Lumabas na noon sa mga pahayagan ang patungkol sa hiwalayan ng celebrity couple at base sa maraming clues ay tinutukoy nga nito ay sina Cristina at Ariel.
Dalawang taon na rin umanong hindi nagkikita ang mag-asawa at base sa mga pahayag ng businesswoman hindi niya inaasahan na lalaki ang kanilang problema ni Ariel Villasanta. Aminado naman siya na marami silang hindi napapagkasunduan ng asawang komedyante dahil normal lamang daw ito para sa kanilang mag-asawa. Nagkakaroon daw ng debate noon sina Cristina Castillo at ang asawa ngunit sa huli ay nagkasundo naman daw sila. Pero sa pagkakataong ito ay pareho silang naging mahina ng asawa pagdating sa pag-aayos. Bagamat ayaw umabot nina Ariel at Cristina sa ganitong sitwasyon ay tila wala na raw silang magagawa pa.
Isang text message umano ang natanggap ni Cristina galing sa asawang si Ariel na inakala niya ay pagkakataon na para magkaayos. Nagulat na lamang daw siya nang basahin ang mensaheng gusto nang makipaghiway sa kaniya ng asawa. Ayon kay Cristina Castillo, siya na raw ang nagpakumbaba kay Ariel Villasanta at nakiusap na huwag nang paabutin sa hiwalayan ang nangyayari. Pinuntahan pa raw ito ni Cristina sa kanilang tahanan pero lang makapag-usap at makipag-ayos kay Ariel ngunit ang sinabi lamang daw sa kaniya nito ay pag-iisipan pa nito ang kanilang problema.
Ginawa na rin daw ni Cristina Castillo ang lahat para ipakita lamang sa asawang si Ariel Villasanta na handa na siyang sumunod sa mga gusto nito. Kahit alam niya pang mahihirapan siya ay susundin niya pa rin daw ang kaniyang asawa dahil mahal niya ito. Maaaring hindi na siya kayang harapin ni Ariel kung kaya dinaan na lamang daw nito sa text. Pati ang mga anak ni Cristina ay nalungkot sa mga pangyayari dahil naging malapit din daw ang mga ito sa kaniyang asawa. Ayon kay Ariel Villasanta, wala naman daw kasalanan ang asawang si Cristina Castillo dahil gusto lamang daw gamutin ng komedyante ang sarili na tila may kinikimkim na problema.
Pinasinungalingan naman ng businesswoman na binago niya ang personalidad ng asawa kung kaya ito ang naging sanhi ng malalim na problema nito sa sarili. Ang tanging hinangad lamang daw ni Cristina sa asawang si Ariel ay ang maging maayos at presentable ito na alam niyang hindi naman naging problema sa aktor. Kaya nga raw pinakasalan ni Cristina Castillo si Ariel Villasanta ay dahil sa maganda nitong personalidad na nagbibigay inspirasyon sa kaniya.
Muling nagbabalik ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa kaniyang dating trabaho sa showbiz matapos nitong manganak sa kanilang panganay ng asawang si Ogie Alcasid. Noong Linggo ay nagbalik na sa musical variety show na Party Pilipinas si Regine na ikinatuwa ng kaniyang mga tagahanga. Ikinatuwa naman ni Ogie ang pagbabalik telebisyon ng asawa dahil matagal na rin daw nitong hinihintay ang pagkakataong ito. Mapapanood din si Regine Velasquez sa magazine talk show na H.O.T. TV o (Hindi Ordinaryong Tsismis) na ipapalita sa timeslot ng Showbiz Central.
Kung magkakaroon naman daw sila ng isyu patungkol sa kanila ni Ogie Alcasid ay depende pa rin daw ito sa sitwasyon na kinalalagyan namin. Naniniwala si Regine Velasquez na igagalang naman daw ng kaniyang programa kung sakaling naisin niyang huwag munang pag-usapan. Kung ano man daw ang problemang harapin nina Regine at Ogie ay mas gusto nilang solohin na lamang ito dahil hindi na raw ito kailangang isali pa sa isyu ng buong mundo. Ang asawang si Ogie Alcasid umano ang nagkumbinsi kay Regine Velasquez na pumasok sa isang talk show dahil tiwala naman daw ito sa kaniyang misis na may limitasyon pa rin ito pagdating sa pagbibigay ng komento.
Unang pagkakataon na gumawa ni Anne Curtis ng isang indie film at ito ay ang Blood Ransom na ginawa niya pa sa California. Isang buwan na ang nakakaraan nang umalis ng bansa si Anne para gawin ang pelikula at hindi pa rin umano siya makapaniwala na nabigyan siya ng pagkakataon na makagawa ng isang indie film sa isang internatinal scene. Marami rin umanong natutunan si Anne Curtis nang gawin nito ang proyektong Blood Ransom. Aniya, natutunan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa pagdating sa kaniyang pag-arte. Nagustuhan niya raw na hinayaan lamang sila ng direktor nila na gawin kung ano ang gusto nila pagdating sa kanilang pagpapahayag ng emosyon. Kinailangan umanong alamin nina Anne kasama ang ibang aktor ang kanilang mga eksena at nais ng direktor ng Blood Ransom.
Umaasa si Anne na makasama ang Blood Ransom sa mga international film festivals para mas makakuha ng malawak na audience. Excited na rin si Anne Curtis sa magiging resulta ng kaniyang pinaghirapang pelikula sa ibang bansa. Ibang mundo rin daw ito para sa dalagang aktres dahil nakasama niya ang kakaibang team na sobrang saya. Kinikilig umano si Anne sa karanasang ibinigay sa kaniya. Hindi tulad sa Pilipinas ay medyo matatagalan pa ang pagpapalabas ng proyekto ni Anne Curtis pero wala naman daw problema ang dalaga rito dahil naroon ang elemento ng surpresa sa mga taong nag-aabang dito.
Malakas ang usap-usapan ngayon sa lumabas na blind item sa Twitter na patungkol umano kay Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Ayon sa balita, itinigil na raw ni Gerald ang panliligaw nito kay Sarah dahil sa ina ng Popstar Princess na si Mommy Divine. Ang sumulat ng naturang blind item ay ang entertainment columnist na si Ogie Diaz. Halata naman umano na si Gerald Anderson at Sarah Geronimo ang tinutukoy nito sa kaniyang tweet dahil tinago niya lamang ang mga pangalan ng dalawa sa pamamagitan ng mga initials ng kanilang pangalan. Ayon sa mga detalyeng inilagay ng kolumnista, sinabihan daw ang aktor ng ama ni Sarah na umakyat ng ligaw sa tahanan nila ngunit kapag nandoon na raw si Gerald Anderson ay iniirapan umano ito ng ina ni Sarah.
Maging ang paghawak diumano ng cellphone ay limitado na rin kay Sarah. Kinakailangan pa umanong magtago ni Sarah Geronimo pag nakikipag-usap lalo na kay Gerald Anderson. Minsan daw ay may suitor si Sarah na nagpadala ng pagkain sa dalaga pero hindi ito nakita at nakarating sa kaniya dahill hinarang na umano ito ng kaniyang mommy at ipinakain na lamang sa maid. Ilan lamang daw ito sa mga nakaraitng na impormasyon kay Ogie at hindi niya naman daw sinasabi na naniniwala siya rito. Marami rin ang nagsasabi na maaaring magrebelde si Sarah Geronimo dahil tila pinagkakait sa kaniya ang kabataang nararapat sa kaniya. Sa mensahe ni Gerald Anderson sa dalaga noong naging guest ito sa kaniyang programa ay nabanggit nito na sana magkaroon ng oras ang dalaga na gawin at sabihin ang mga matagal na nitong gusto sa buhay .