Maituturing na ito na ang pinaka-successful “Primetime Block” ng Kapamilya Network ngayong taon. Halos kalahati kasi ang lamang ng bawat programa nang ABS-CBN sa katapat nitong mga shows mula sa GMA-7. Patuloy ang paggawa ng kasaysayan nang current at undefeated no. 1 primetime series na “Walang Hanggan” dahil noong nakaraang Huwebes lamang (June 21) ay nagtala ito ng 43.4%, ang pinakamataas na TV Rating na nakuha ng nasabing drama series.
Pagdating naman sa daytime, bagamat patuloy pa rin ang pangunguna ng mga shows ng Kapuso Network… mapapansin na humahabol na sa kompetisyon ang kalaban nitong mga programa mula sa Kapamilya. Patunay rito ang consistent na high rating ng “Kung Ako’y Iiwan Mo”. Matagumpay na napantayan nito noong nakaraang Biyernes (June 24) ang “Hari ng Daytime” ang “Eat Bulaga”.
Here are the Top 10 daytime and primetime programs June 19 to 25, 2012 among Total Philippines (Urban & Rural) households:
June 19, Tuesday
Daytime:
1. Eat Bulaga! (GMA-7) – 16.4%
2. Kung Ako’y Iiwan Mo (ABS-CBN) – 13.7%
3. Chef Boy Logro: Kusina Master (GMA-7) – 12.3%
4. Hiram Na Puso (GMA-7) – 11.3%
5. Kasalanan Bang Ibigin Ka? (GMA-7) – 11.1%
6. Mundo Man Ay Magunaw (ABS-CBN) – 10.9%
7. Kapamilya Blockbusters: Ang Tanging Ina Mo! Last Na ‘To! (ABS-CBN) / It’s Showtime (ABS-CBN) / Faithfully (GMA-7) – 10.3%
8. One Piece (GMA-7) / Kapuso Movie Festival: Dragons Forever (GMA-7) – 10.2%
9. Hiyas (ABS-CBN) – 9.7%
10. Slam Dunk (GMA-7) – 9.5%
Primetime:
1. Walang Hanggan (ABS-CBN) – 41.5%
2. Princess And I (ABS-CBN) – 38.5%
3. TV Patrol (ABS-CBN) – 29.8%
4. Dahil Sa Pag-ibig (ABS-CBN) – 25.5%
5. Aryana (ABS-CBN) – 21.3%
6. 24 Oras (GMA-7) – 17.8%
7. Luna Blanca (GMA-7) – 14.3%
8. Makapiling Kang Muli (GMA-7) / Pinoy Big Brother Teen Edition 4 (ABS-CBN) – 14.2%
9. One True Love (GMA-7) – 10.6%
10. My Daddy Dearest (GMA-7) – 9.8%
June 20, Wednesday
Daytime:
1. 2012 NBA Finals (ABS-CBN) – 18.8%
2. Eat Bulaga! (GMA-7) – 15.7%
3. Kung Ako’y Iiwan Mo (ABS-CBN) – 14.5%
4. Hiram Na Puso (GMA-7) – 12.1%
5. Kasalanan Bang Ibigin Ka? (GMA-7) – 11.9%
6. It’s Showtime (ABS-CBN) / Mundo Man Ay Magunaw (ABS-CBN) / Faithfully (GMA-7) – 11.2%
7. Chef Boy Logro: Kusina Master (GMA-7) – 10.6%
8. PBB Teen Edition 4 Uber 2012(ABS-CBN) / Hiyas (ABS-CBN) – 10.3%
9. It Started With A Kiss 2 (GMA-7) – 8.9%
10. Kapuso Movie Festival: The Iron Fisted Monk (GMA-7) – 8.5%
Primetime:
1. Walang Hanggan (ABS-CBN) – 42.5%
2. Princess And I (ABS-CBN) – 39.1%
3. TV Patrol (ABS-CBN) – 31.2%
4. Dahil Sa Pag-ibig (ABS-CBN) – 25.3%
5. Aryana (ABS-CBN) – 21.2%
6. 24 Oras (GMA-7) – 17%
7. Luna Blanca (GMA-7) – 15.7%
8. Pinoy Big Brother Teen Edition 4 (ABS-CBN) – 13.4%
9. Makapiling Kang Muli (GMA-7) – 13.1%
10. One True Love (GMA-7) – 10.6%
June 21, Thursday
Daytime:
1. Eat Bulaga! (GMA-7) – 15.7%
2. Kung Ako’y Iiwan Mo (ABS-CBN) – 14.4%
3. Chef Boy Logro: Kusina Master (GMA-7) – 12.8%
4. Kasalanan Bang Ibigin Ka? (GMA-7) – 12%
5. Hiram Na Puso (GMA-7) – 11.9%
6. Mundo Man Ay Magunaw (ABS-CBN) – 11.8%
7. Faithfully (GMA-7) – 11.3%
8. It’s Showtime (ABS-CBN) – 10.9%
9. Hiyas (ABS-CBN) – 10.5%
10. PBB Teen Edition 4 Uber 2012 (ABS-CBN) – 10.3%
Primetime:
1. Walang Hanggan (ABS-CBN) – 43.4%
2. Princess And I (ABS-CBN) – 39.8%
3. TV Patrol (ABS-CBN) – 33.5%
4. Dahil Sa Pag-ibig (ABS-CBN) – 26.8%
5. Aryana (ABS-CBN) – 22.5%
6. 24 Oras (GMA-7) – 17%
7. Luna Blanca (GMA-7) – 14.3%
8. Makapiling Kang Muli (GMA-7) – 13.9%
9. Pinoy Big Brother Teen Edition 4 (ABS-CBN) – 12%
10. One True Love (GMA-7) – 11.6%
June 22, Friday
Daytime:
1. Eat Bulaga! (GMA-7) / Kung Ako’y Iiwan Mo (ABS-CBN) – 15.3%
2. Hiram Na Puso (GMA-7) – 12.3%
3. It’s Showtime (ABS-CBN) – 11.6%
4. Kasalanan Bang Ibigin Ka? (GMA-7) – 11.3%
5. Faithfully (GMA-7) – 11.2%
6. Mundo Man Ay Magunaw (ABS-CBN) – 10.9%
7. Hiyas (ABS-CBN) – 10.6%
8. PBB Teen Edition 4 Uber 2012 (ABS-CBN) – 10.2%
9. Chef Boy Logro (GMA-7) / It Started With A Kiss 2 (GMA-7) – 8.8%
10. Kapuso Movie Festival: Fantastic Man (GMA-7) – 8%
Primetime:
1. Walang Hanggan (ABS-CBN) – 43.2%
2. Princess And I (ABS-CBN) – 39.4%
3. TV Patrol (ABS-CBN) – 30.7%
4. Dahil Sa Pag-ibig (ABS-CBN) – 28.8%
5. Aryana (ABS-CBN) – 21.3%
6. 24 Oras (GMA-7) – 15.4%
7. Pinoy Big Brother Teen Edition 4 (ABS-CBN) – 15%
8. Luna Blanca (GMA-7) – 14.8%
9. Makapiling Kang Muli (GMA-7) – 14.1%
10. One True Love (GMA-7) – 12.9%
Source: Kantar Media/TNS via pep By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer
Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang dalagang aktres na si Cristine Reyes patungkol sa kinasangkutan nilang gulo ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Ara Mina. Sa isang interview kay Cristine ay nabanggit nito kung gaano kahalaga ang kaniyang pamilya kung kaya ito raw ang naging dahilan nang pagpasok niya ng showbiz. Matatandaang nagsampa ng kaso si Ara laban sa kapatid na agad na gumawa ng ingay sa industriya. Dahil umano ito sa mga hindi magandang nasabi ni Cristine Reyes laban sa kaniyang ate Ara Mina.
Pinipilit din umano ni Cristine Reyes na huwag maiyak dahil iniiwasan niya raw ilabas ang kaniyang emosyon sa telebisyon. Mas gusto raw maging positibo ng dalaga sa kanilang kasalukuyang sitwasyon ni Ara Mina. Aminado rin daw siya na marami siyang natutunan sa mga nangyari at nagsilbi itong hamon para sa kaniya. Narealize ni Cristine na sa lahat ng pagsubok sa buhay ay mas pipiliin niyang huwag sumuko dahil mayroon siyang natututunan dito. Ang problema nila ni Ara ay nagbigay na sa kaniya ng magandang leksyon sa buhay. Boring naman daw ang buhay kung walang problema kung kaya lalo raw tumitibay si Cristine Reyes sa mga pinagdadaanan niyang mga pagsbuok partikular na ang kanilang awayan ng kapatid na si Ara Mina.Â
Bukod sa dialysis ay sumailalim din si Dolphy sa isang procedure na tinatawag na tracheostomy. Ayon kay Eric Quizon kinailangang gawin sa kaniya ang naturang procedure para makatulong ito sa maayos na paghinga. Hindi naman nabigo sina Eric dahil malaki raw ang naitulong nito sa kaniyang amang si Dolphy. Sa mga nagdaang araw ay nanatiling stable ang kalagayan ni Dolphy ngunit hindi pa rin inaalis ng mga doktor ang kalagayan nito sa kritikal na estado.
Tiningnan naman ni Eric ang positibong epekto ng dami ng kanilang pamilya sa pinagdadaanan ng kaniyang amang si Dolphy dahil kitang-kita umano sa mga magkakapatid ang suporta sa isa’t-isa. Naniniwala si Eric Quizon na maaaring nakakatulong kay Dolphy kapag nakikita niya ang mga anak niya na nagtutulungan. Maging ang longtime partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla ay hindi nawawala sa paningin ng kaniyang ama kung kaya malaking tulong din daw ito sa King of Comedy. Nakakahinga din umano ngayon sina Eric dahil sa mga positibong senyales na ipinapakita ni Dolphy. Aminado si Eric Quizon na malaki ang deperensya ng mga balitang natatanggap nila noon sa mga doktor ni Dolphy kumpara sa mga dumaraming positibong balita ngayon.



Sa isang live interview sa anak ni Dolphy na si Eric Quizon ay kinumpirma niya na pumirma na ng waiver ang kanilang pamilya kaugnay sa kritikal na kondisyon ng kanilang ama. Ilang linggo na ang nakakaraan ay isinugod si Dolphy sa ospital dahil sa mga komplikasyon sa katawan nito dulot ng kaniyang sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease o kilala bilang COPD.
Tinanggal din ang blood transfusion kay Dolphy dahil sa kaniyang dialysis na umabot na ng pitong oras. Sinabi ng mga doktor sa pamilya ni Eric na mayroong internal bleeding sa katawan ng kanilang ama kung kaya ito ang nagiging dahilan kung bakit bumababa at tumataas ang hemoglobin count at maging ang platelets nito. Hindi rin daw pwedeng operahan si Dolphy sa kaniyang kasalukuyang kondisyon ayon kay Eric Quizon. Naging responsive na rin si Dolphy hindi tulad noong mga nakaraang araw. Ang maaaring naging dahilan daw nito ay dahil baka naexcite ang ama ni Eric dahil nagsidatingan na rin ang iba niyang mga kapatid galing Amerika. Naniniwala si Eric Quizon na nakakaapekto kay Dolphy kapag naririnig nito ang mga boses ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Matapos ang birthday presentation ni Ruffa Gutierrez sa kaniyang programang Paparazzi sa TV5 ay nasundan ito ng mga galit na post sa kaniyang Twitter account. Ang unang-unang naging post ni Ruffa ay ang salitang “KALURX!!!” at nasundan pa ng pag-amin na hindi siya natuwa sa ibinigay na presentation ng Paparazzi sa kaniya dahil hindi umano siya binigyan ng respeto. Ang ikinagalit pa daw ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi ay binastos siya ng mga ito sa harap ng kaniyang mga anak na nanonood sa studio. Maging ang head ng PROGRESS Gold Milk ng Wyeth ay nasa studio rin umano ng Paparazzi kung kaya nasaksihan din ang pambabastos umano kay Ruffa. Dagdag pa ng host, hindi raw magagawa sa kaniya iyon ng dati niyang showbiz-oriented talk show ng Kapamilya network na The Buzz.
Matapos ng naging reaksyon ni Ruffa sa ginawa ng Paparazzi ay agad na dinaan ng kaniyang ina ang galit nito sa sariling Twitter account. Ayon kay Annabelle Rama, kinakailangan na daw tanggalin ang mga writers ng Paparazzi dahil hindi umano nakakatawa ang kabastusan nilang ginawa kay Ruffa Gutierrez. Dagdag niya pa ay dapat daw ilagay sa 2am slot ang mga writers ng Paparazzi at hindi sa tanghali. Tulad ng kaniyang anak na babae ay nadismaya rin ang talent manager dahil nanonood ang kaniyang mga apo nang maganap ang hindi kanais-nais na pangyayari sa sariling birthday celebration ni Ruffa Gutierrez.
Aminado si Mr. Fu na nagulat siya sa mga binitiwang pahayag ng kaniyang co-host na si Ruffa Gutierrez sa Paparazzi matapos ang birthday presentation nito. Matatandaang inanunsiyo mismo ni Ruffa ang kaniyang pag-alis sa programang Paparazzi sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account. Isa kasi si Mr. Fu sa mga host na nagtanong kay Ruffa Gutierrez patungkol sa mga lalakeng naugnay sa kaniya na hindi naman sinagot ng beauty queen dahil tila nabastos daw ito.
Wala ring ideya si Mr. Fu na hindi pala talaga nagustuhan ni Ruffa Gutierrez ang naging segment nila dahil tila okay naman daw ito nang matapos ito at nagpaalam pa sa kanila. Nagawa pa raw nga siyang imbitahan ng dating beauty queen sa kaniyang birthday party sa darating na June 30. Nilinaw naman umano ni Mr. Fu sa co-host na huwag nitong seseryosohin ang tanong niya rito kung kaya inakala niya ay hindi apektado ang dalaga sa katanungan. Nang mabasa ng binatang DJ ang mga tweet ni Ruffa Gutierrez ay agad siyang nagpadala ng text dito pero hindi siya nakatanggap ng reply. Naiintindihan naman ng DJ ang naging reaksyon ni Ruffa sa mga pangyayari at hindi na lang daw niya tatapatan ito. Umaasa na lamang daw si Mr. Fu na kung aalis nga si Ruffa Gutierrez sa naturang programa ay sana raw ay maging maayos ang kanilang samahan.