Nagsimulang maugnay ang pangalan nina Jai Agpangan at Alec Dungo nang yayain ang dalaga ng kaniyang housemate na makipag-date sa kanilang unang linggo sa Pinoy Big Brother House. Hindi nagtagal ay nagkakilala na nang mabuti sina Jai at Alec kung kaya naging bukas na sila sa nararamdaman kanilang mga nararamdaman. Aminado si Alec Dungo na espesyal ang kaniyang nararamdaman para sa dalagang si Jai Agpangan. Bagamat marami ang nakapansin sa nakakaikilig na samahan ng dalawa ay napansin naman ang pag-iwas ng dalaga sa mga pahaging ng housemate.
Sa isang panayam kay Jai Agpangan ay inamin niya na nagulat siya nang bigyan siya ni Alec Dungo ng tila special treatment kapag sila ay magkasama. Hindi raw sanay si Jai dahil baka close feelings lamang daw ang nararamdaman ni Alec. Aniya, sa labas ng bahay naman talaga dapat abangan ang intensyon ni Alec para sa kaniya at hindi sa loob ng PBB House dahil sila-sila lamang ang nandoon. Hindi itinanggi ni Jai Agpangan na pwede raw talagang madevelop ang nararamdaman ng mga housemates dahil sa tatlong buwan nilang pamamalagi rito.
Habang nasa loob ng bahay ay kitang-kita na tila patay na patay ang binatang si Alec kay Jai. Madalas itong nakikita sa kamera na inaamoy ang buhok ng dalaga at hayagang sinasabi na siya raw ang nagpapasaya sa binata. Ang karanasang umano ito ang nagturo kay Jai Agpangan na maging maingat pagdating sa usaping emosyon kahit pa madalas ang pagpaparamdam ni Alec Dungo sa kaniya. Nakaranas na rin daw siya ng ganitong mga pagbabago at pagdating dito ay nag-iingat na raw ang housemate na si Jai Agpangan. Nagkaroon na rin daw ng mutual understanding noon ang dalaga sa isang lalake ngunit nauwi lamang ito sa wala kung kaya iniiwasan niya nang mangyari pa ulit ito.
Hindi naman daw ibig sabihin nito ay hindi niya na bibigyan ng pagkakataong makilala pa ang binatang housemate ngayong tapos na ang kanilang pagsasama sa loob ng bahay. Naging malapit na rin daw ang dalawa simula nang lumabas sila sa PBB House at hindi raw ito inaasahan ni Jai. Sa loob ng bahay ay madalas umanong ibahin ng dalaga ang topic kapag nagsisimula nang maglambing ang binatang si Alec Dungo sa kaniya. Nilinaw ni Jai Agpangan na bagamat malapit sila sa isa’t-isa ay nananatili pa lang daw silang magkaibigan ng kaniyang housemate.
Hindi na makapaghintay ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kaniyang pagbabalik teleserye kasama si Robin Padilla na napapabalitang magkakaroon ng kissing scene. Sa talk show ni Kris ay nabanggit nito na nakatakda siyang gawin ang isang kissing scene kasama ang dati niyang nobyo na si Robin Padilla. Ang action star ang magsisilbing leading man sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw na ipapalabas sa Kapamilya network. Mukhang tuloy na tuloy na nga ang proyekto ng dalawa na nabanggit noon ni Kris Aquino sa kaniyang mga panayam.
Tinanggihan din ng aktres na kumain ng ground pork dish na inihain ng kaniyang mga guest na sina Roy Roquejo at Alec Dungo bilang paggalang na rin umano ni Kris sa relihiyon ni Robin na Muslim. Ito ay dahil na rin may kissing scene nila ni Robin Padilla at gusto niya namang respetuhin ang mga paniniwala ng isang katulad ng aktor. Kinumpirma rin ni Kris Aquino na sa darating na Oktubre ay maaari nang mapanood ang kanilang serye.
Bago pa lumipad si Derek Ramsay ng London para pumunta sa Olympics ay nagpaunlak ito ng isang panayam patungkol sa kanilang kasalukuyang estado ni Angelica Panganiban. Aminado naman si Derek na hindi naging madali para sa kaniya ang hilumin ang sugat na naiwan sa kanilang anim na taong pagsasama ni Angelica. Noong una ay nahirapan daw talaga si Derek Ramsay at hindi alam kung saan ilalagay ang sarili dahil ang anim na taon na kasama si Angelica Panganiban ay ang pinakamasayang nangyari sa kaniyang buhay. Sa ngayon ay nagiging abala na lamang daw sa trabaho ang binata para hindi na masyadong makapag-isip ng mga bagay-bagay.
Wala namang ibinigay na partikular na requirements ang athlete-actor sa mga kaniyang potensyal na magiging nobya. Para kay Derek hindi naman daw kailangan na katulad ni Angelica ang kaniyang magiging bagong nobya. Mas mahalaga sa kaniya na hindi na gagawin ang mga pagkakamaling ginawa niya noon sa dati niyang relasyon. Wala naman daw nagawang kasalanan sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay sa isa’t-isa ngunit tila hindi raw talaga sila para sa isa’t-isa.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang isyu patungkol sa paghihiwalay umano nina Toni Gonzaga at nobyo nitong si Paul Soriano. Madalas itong itanong kay Toni sa tuwing magkakaroon ng mahalagang kaganapan sa kaniyang career. Marami naman ang nagsasabi na mauuwi rin sa kasalan ang limang taong pagsasama nila ni Direk Paul. Unang kumalat ito sa Twitter kung kaya laking gulat ni Toni Gonzaga nang ang kaniyang mga malalapit na kaibigan ay kinausap siya patungkol umano sa paghihiwalay nila ni Paul Soriano. Ayon sa dalaga, maaaring nagsisimula namang kumalat ang ganitong balita dahil tahimik sila ng nobyong si Paul.
Noong nagsisimula pa lamang daw ang relasyon nina Toni Gonzaga at Paul Soriano ay mas apektado ang binata kapag nakakarinig ito ng balitang hiwalay na sila. Hindi nagtagal ay nasanay na rin ito dahil na rin sa industriyang pinasok ng kaniyang nobya. Naniniwala si Toni na kapag hindi nila pinansin ang mga isyu at hindi nagpaapekto ay hindi na sila masasaktan pa kung kaya ngayon ay tila manhid na raw sila ni Paul sa mga ito.
Dahil sa tinagal ng relasyon nina Chris Tiu at girlfriend nitong si Clarisse Ong ay inaasahan na ng ilan ang kanilang pagpapakasal. Isang investment banker ang dalagang si Clarisse na halos 11 taon nang nobya ni Chris. Nagsimula ang kanilang relasyon noong sila ay nasa third year high school pa lamang ang binatang si Chris Tiu. Nilinaw ng binata na may plano na siya patungkol sa pagpapakasal nila ni Clarisse Ong pero wala pa siyang partikular na timetable para rito. Sa ngayon ay hindi naman daw nagmamadali ang dalawa. Itinanggi ni Chris na naiinip na ang kaniyang nobya na si Clarisse sa kaniyang pag-propose dahil ito rin ay career oriented katulad niya.
Sa 11 na taon ng pagsasama nina Chris at Clarisse ay nagkaroon naman daw ng panahon na nag-cool off silang magkasintahan. Gayunpaman hindi naman daw nawala ang pagiging faithful ng binata sa bank investor. Bawal din daw silang mag live-in katulad ng ibang mga magkasintahan na matagal na ang relasyon. Pareho kasing relihiyoso ang pamiya nina Chris Tiu at Clarisse Ong kaya ang mga values nila ay kanilang pinaninindigan. Kung kaya isa ito sa malaking pinagbabawal ng mga magulang ng magkasintahan.