Nagsalita na ang singer na si Rachelle Ann Go patungkol sa pagkakaugnay nito sa hunk actor na si Aljur Abrenica. Matatandaang inamin noon ni Aljur na mas gusto niya pang kilalanin si Rachelle Ann simula nang sila ay magkasama sa tour sa Amerika. Nakitaan umano ng binata ng kakaibang ugali ang singer kung kaya naging interisado umano ito sa kaniya. Natawa lamang si Rachelle nang malaman ang balitang ito. Hanggang hi at hello na lang namand daw sina Rachelle Ann Go at Aljur Abrenica sa Party Pilipinas kung kaya ayaw niya na raw mag-comment sa balitang balak siyang ligawan ng aktor.
Nilinaw din ng dalaga na matapos ang naturang concert na dinaluhan nila ni Aljur ay wala na silang naging komunikasyon pa nito. Matatandaang dahil sa GMA Pinoy TV New York ay nabigyan ng pagkakataon si Rachelle Ann na makasama ang ibang Kapuso star para mag-perform sa ibang bansa. Alam ni Rachelle Ann Go na maraming litratong lumabas na magkasama sila ni Aljur Abrenica sa ibang bansa kung kaya marahil ito umano ang dahilan kung bakit nabigyan ng kulay ang kanilang pagsasama. Hindi naman alam ng singer kung bakit kailangan bigyan ng kulay ng mga tao ang relasyon nila ni Aljur. Aniya, hindi naman daw sila nakikita ng mga tao na malapit sa isa’t-isa kung kaya malabo raw na higit pa sa magkaibigan ang kanilang turingan.
Nabanggit din noon ni Aljur Abrenica na naging interisado siya sa relihiyon ng dalaga na kilala bilang isang Born Again Christian. Pinasinungalingan din ni Rachelle Ann Go na tinatago lamang nila ng aktor ang relasyon nila. Pinaninindigan din ng Kapuso singer na wala silang relasyon ng binata kahit pa sinasabi pa ng binata na gusto niya pang magkaroon ng pagkakataon para makasama muli ang dalaga. Ayon sa dalaga, kung mayroon daw silang relasyon ni Aljur Abrenica ay hindi naman magtatagal ay mabubunyag ito kung kaya pinaninindigan niya na walang namamagitan sa pagitan nila
Ipinagmamalaki ng aktor na si Joross Gamboa ang kaniyang entry para sa Cinemalaya na pinamagatang Intoy Syokoy ng Kalye Marino. Ikinuwento ni Joross na naging kakaiba ang kaniyang karanasan sa shooting ng pelikula. Ang karakter ni Joross Gamboa bilang Bertong Baka ang dahilan kung bakit hindi siya nagpatawa sa kaniyang mga eksena hindi katulad ng kaniyang mga nakasanayang proyekto. Hindi rin daw makapag-punchline ang binata sa mga eksena sa Intoy Syokoy dahil hindi ito kinakailangan. Hindi rin daw ngumingiti si Joross sa kaniyang mga eksena kung kaya pinanindigan niya na ito.
Mataas ang respeto ni Joross sa kaniyang pelikula dahil pagod at puyat ang kaniyang naging puhunan dito. Nagpapasalamat din siya sa pelikulang ito dahil nabuo ang kanilang pagkakaibigan ng kaniyang mga kasamang cast. Mas nagiging natural din daw ang pag-arte nina Joross Gamboa dahil madalas silang magkasama ng kaniyang mga cast at nagtatagal sa naturang lugar. Kinokonsidera naman ng binata na nagbigay raw ng swerte ang kaniyang mahabang buhok sa pelikulang Intoy Syokoy at iba niya pang mga proyekto ngayong taon.
Muli na namang gumawa ng ingay sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo sa social networking site na Twitter dahil sa episode ng Sarah G. Live noong Linggo. Naging special co-host ni Sarah si Gerald para sa kaniyang special episode na bahagi ng kaniyang month-long birthday celebration. Nagkaroon ng dance number ang dalawa para sa kanilang opening kung kaya napuno na naman ng hiyawan ang buong studio dahil sa sobrang kilig. Isang interview naman ang naganap sa pagitan nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo bago matapos ang programa. Kitang-kita ang pagkukulitan ng dalawa habang nasa kalagitnaan ng interview kung kaya lalo pang kinilig ang mga audience.
Binigyan din ni Gerald ng magandang bulaklak si Sarah at nasundan pa ng isang kahon. Nang buksan ni Sarah Geronimo ang ibinigay na regalo ni Gerald Anderson na naglalaman ng T-shirt na may nakalagay na “Babe” ay natawa ito dahil tawagan ito ng dalawa sa isa’t-isa. Ang pangalawang regalo ng aktor sa dalaga ay isang orasan. Ayon kay Gerald, ang orasan umano ay nagsisimbolo para sa oras sa studies at career ni Sarah. Gusto rin umano ni Gerald Anderson na mabigyan si Sarah Geronimo ng oras para gawin ang kaniyang mga gustong gawin at maranasan.
Magsasama sa kakuna-unahang pagkakataon ang magkaibigang Kris Aquino at Vice Ganda sa isang pelikula. Ang kanalang entry sa Metro Manila Film Festival ay sa ilalim ng Star Cinema na pinamagatang Sisteraka. Ito ang kauna-unahang film fest ni Vice kung kaya masaya siya dahil matagal na umano niyang gustong makasakay sa float. Ilang beses na ring sumasali si Kris sa festival pero madalas itong lumalabas sa mga horror movie pero ngayon ay lalabas na siya sa isang comedy film. Naniniwala si Vice Ganda na magiging effective ang kanilang tambalan ni Kris Aquino lalo na at malapit sila sa isa’t-isa. Asawa na rin daw ang turingan nina Vice at Kris sa isa’t-isa kung kaya hindi na sila nahihiya sa isa’t-isa.
Nagpapasalamat din si Vice dahil nakilala niya ang kaniyang kaibigang si Kris. Isang magandang pagkakaibigan ang nabuo sa pagitan nina Vice Ganda at Kris Quino kung kaya itinuturing ito ng komedyante bilang isang malaking biyaya galing sa Panginoon. Kaya raw pinahahalagahan ni Vice ang mga dumadating sa kanilang biyaya ni Kris kesa magreklamo sa pagod ng katawan. Hindi na rin makapaghintay ang magkaibigang Kris Aquino at Vice Ganda na ipakita sa mga tao ang kanilang proyektong talaga umanong magpapasaya sa mga tao.
Masaya sina Jodi Santamaria at Richard Yap dahil sa magandang pagtanggap ng mga tao sa kanilang teleserye na Be Careful With My Heart. Higit pa umano sa inaasahan ni Jodi ang naturang balita dahil sa magandang ratings na nakuha ng kanilang serye ni Richard. Aniya, gusto talaga nila na magbigay ng kakaibang programa sa kanilang audience pagdating sa umaga. Hindi rin daw inaasahan nina Jodi Santamaria at Richard Yap na sobrang taas ang kanilang magiging ratings kahit pa ilang linggo lamang ang nakakaraan nang sila ay magsimula.
Malaking hamon naman para kay Jodi ang kaniyang ginagampanang karakter ngayon. Mas kilala si Jodi Santamaria sa kaniyang pagiging dramatic actress kung kaya malaking adjustment umano ang kaniyang ginawa para sa bago nitong role. Dinadaan na lamang daw ng aktres sa timing ang lahat at nakikinig sa mga ka-eksena katulad ni Richard Yap para maibigay niya ang tamang reaksyon. Saludo naman si Richard kay Jodi dahil ang dalaga umano ang nagdadala ng kanilang programa. Aniya, support lamang daw siya kay Jodi Santamaria pagdating sa kanilang serye. Itinanggi naman ito ng aktres at iginiit na team effort ang ginagawa nila ni Richard Yap para sa kanialang matagumpay na programa.
Nasa pitong buwan na ng pagbubuntis si Angelica Jones nang magpaunlak siya ng isang interview sa Startalk noong July 21. Isang doktor naman umano ang ama ng dinadala ng dating aktres at komedyante na pinangalanan niya sa interview. Si Gerlad Alday na konsehal sa San Jose, Batangas ang kasalukuyang nobyo ni Angelica. Biniro naman ni Joey de Leon si Angelica patungkol sa kaniyang pagbubuntis at nobyong si Gerald. Hindi gumawa ng ingay ang relasyon ni Angelica Jones kay Gerald Alday hindi tulad ng dati niyang mga naging karelasyon. Nagkakilala ang magkasintahan dahil sa kanilang kaibigan na si Vice Governor Mark Leviste. Regional president si Angelica ng National Movement of Young Legislators ng Calabarzon at dito sila ng kakilala ni Gerald.
Kinakailangan daw noon operahan ang dalaga para tanggalin ang kaniyang matres at sa mga panahong iyon ay inamin nito na nalungkot siya nang sobra at maging ang kaniyang nobyo. Pumunta rin daw si Angelica Jones kay Bro. Mike Velarde ng El Shaddai at dito sinabi sa kaniya na ang magpapagaling sa kaniya ay ang pananampalataya sa Diyos. Pinag-pray over daw siya at pinakain ng dragon fruit at matapos ang dalawang linggo ay dalawang myoma na lang daw ang natira kay Angelica kung kaya tuwang-tuwa sila ni Gerald sa naging resulta. Sinamantala na rin daw nina Angelica Jones at Gerald Alday ang pagkakataong ito para magbuntis na ang dalaga.