Aminado si Jodi Santamaria na natatakot siya na kapag naabot na nila ng mga kasamahan sa teleserye ang pinakamataas na rating ay hindi na nila alam kung saan sila lulugar. Patuloy ang pagtaas ng ratings ng Be Careful With My Heart ayon sa parehong survey na ginawa ng Kantar Media at AGB Nielsen. Kasama ng aktres dito ang baguhang aktor na si Richard Yap na agad tinangkilik ng mga tao simula nang sumabak ito sa pag-arte. Hindi naman daw inaasahan ni Jodi na ang pang-umagang teleserye ang tatangkilikin ng mga tao.
Kamakailan ay naganap ang thanksgiving party ng teleserye nina Jodi Santamaria at dito na sinamantala ng aktres ang pagkakataon para pasalamatan ang pagkakaroon ng consistent high ratings ang pinagbibidahang show. Nagpapasalamat si Jodi dahil napapalitan ng saya ang kanilang mga pinagpaguran. Ang lahat ng puyat sa gabi-gabing taping ay hindi na nila naramdaman dahil sa pinapakitang suporta ng mga manonood sa teleserye. Inanyayahan pa ni Jodi Santamaria ang mga ito na patuloy pang manood dahil marami pang exciting at masasayang eksena na mapapanood.
Hindi itinanggi ni Jodi na nakakaramdam din siya ng pressure sa pagtaas ng ratings ng teleserye. Kahit pa nakakaramdam ng pressure at takot sa pataas nang pataas na ratings ay pinapaalala na lamang daw nila sa kanilang mga sarili na nagtatrabaho lamang sila at nagpapasaya sa mga tao kung kaya ito na lamang daw ang ginagawa ng kaniyang mga kasama sa teleserye. Hanggat maaari ay ayaw nang magpaapekto pa ni Jodi Santamaria sa mga pressure na maaaring maramdaman nila sa teleserye.
Naniniwala si Jodi na ang kakaibang karakter nila ni Richard ang nagbibigay kagandahan sa kanilang tambalan. Gumaganap si Jodi Santamaria na isang kengkoy na katulong samantalang ang aktor naman ay isang masungit na amo ng karakter ng dalaga. Palagay niya ay naaaliw ang mga manonood ng kanilang teleserye dahil sa kakaibang set-up at istorya. Naaaliw din daw si Jodi sa ideya na nasisiyahan ang mga tao simula pa lamang ng kanilang umaga.
Mahigit isang dekada nang bahagi si Jodi Santamaria ng Kapamilya network ngunit ngayon lamang daw siya nabigyan ng sarili niyang teleserye pero nagpapasalamat siya dito dahil tinanggap agad ito ng mga tao. Hindi raw talaga nawalan ng pag-asawa ang aktres dahil kahit inabot pa siya ng halos 14 na taon ay hindi nawala sa kaniya ang pag-asa na mabibigyan din siya ng isang magandang break at ito na nga ang kaniyang bagong teleserye.
Matapos ang hiwalayan noon ni Diether Ocampo sa modelong girlfriend noong 2010 ay wala na itong napabalitang naging kasintahan. Pero kamakailan lang ay may bago raw inspirasyon si Diet na isang non-showbiz girl at madalas niya itong kasa-kasama sa mga showbiz gatherings na kaniyang dinadaluhan. Noong nakraang Linggo, July 22 ay naging guest si Diether sa programa dahil sa kaniyang birthday celebration at isinama niya umano ang napapabalita niyang girlfriend. Hindi naman diretsahang inamin ng aktor ang patungkol sa kaniyang bagong girlfriend. Masaya na raw si Diether Ocampo ngayon at sana ay pagbigayan na lamang daw siya ng mga tao dahil siya ay nasa proseso ng pagdiskubre ng mga bagong bagay.
Ang sinasabi ng aktor ay ang pagpapakasal niya noon sa dating girlfriend na si Kristine Hermosa na mayroon na ring sariling pamilya ngayon. Bukod sa balitang may bagong girlfriend si Diether Ocampo ay kinumpirma rin nito na magiging bahagi siya ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Apoy Sa Dagat kung saan makakasama niya ang kaibigang si Piolo Pascual at dalagang aktres na si Angelica Panganiban. Aniya, naantala raw ang kanilang taping dahil sa kakaibang timpla ng panahon. Matagal na ring hindi nakakagawa ng teleserye si Diether Ocampo kung kaya excited na raw ito simulan ang proyekto. Kahit pa tikom ang bibig ni Diet sa napapabalitang girlfriend ay halatang-halata naman sa binata na masaya siya sa kasalukuyan niyang estado.

