Thursday 23 August 2012

Christian Bautista, lilipat na ng network?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang balitang aalis na si Christian Bautista sa kaniyang mother network na ABS-CBN at tuluyan nang lilipat sa ibang istasyon. Napapanood ngayon si Christian sa musical-variety show na ASAP 2012 ng ABS-CBN. Nagbiro naman si Christian Bautista na ipapalabas sa Channels 4 at 9 ang kaniyang concert at hindi sa ABS-CBN o GMA-7. Wala pa naman daw ginagawang desisyon ang kaniyang manager patungkol sa bagay na ito. Nagpapasalamat ang binata dahil sa ibinigay na oportunidad ng ABS-CBN sa kaniyang TV concert. Ang tinutukoy ni Christian ay ang 10th anniversary special na ipinalabas ng ABS-CBN network noong nakaraang July 8.

Hindi rin daw masasagot ng singer ang katanungan patungkol sa paglipat ngunit inamin naman na bukas siya sa mga bagay-bagay patungkol dito. Aniya, gusto niya raw makilala at gumawa ng marka sa industriya dahil ayaw niya naman daw makalimutan ng mga tao. Magtatapos sa huling linggo ng Agosto ang kontrata ni Christian Bautista sa ABS-CBN at wala pa siyang ideya kung ano ang magiging desisyon ng kaniyang manager na si Carlo Orosa at ang Kapamilya network. Hindi rin sinagot ni Christian kung gusto niya pa mag-renew ang kontrata sa ABS-CBN dahil nirereview pa lamang nila ang mga bagay-bagay patungkol dito.

Full Story @ Tsismoso

Maja Salvador, Matteo Guidicelli may posibilidad na magkabalikan?

Si Maja Salvador mismo ang nagkumpirma noon sa morning show na Kris TV na tuluyan na nga silang naghiwalay ng kaniyang nobyo na si Matteo Guidicelli. Nabanggit noon ni Maja na mayroon silang kaniya-kaniyang prayoridad sa buhay ni Matteo kung kaya ito raw muna ang kanilang pagtutuunan ng pansin. Tinanong naman si Maja Salvador kung mayroon pang ibang dahilan kung bakit sila nagdesisyong maghiwalay ng nobyo. Aniya, mas mabuti umanong tanungin na lamang daw si Matteo Guidicelli patungkol dito. Okay naman daw ang relasyon ngayon ng dalawa ilang linggo matapos ang kumpirmasyon ng kanilang paghihiwalay.

Inamin din ni Maja na hindi siya nililigawang muli ni Matteo dahil wala naman daw siyang nakikitang effort na pinapakita nito. Hindi na rin daw masyadong nakakapag-usap pa sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli simula nang maghiwalay. Huling nakitang magkasama ang dalawa noong June 28 para sa victory party ni Maja para sa kaniyang pagkapanalo bilang Best Actress sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Noong mga panahong ding iyon ay kaaayos lamang din daw ng relasyon nila ni Matteo. Ilang buwan matapos nito ay lumabas na ang balitang tinuldukan na nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli ang kanilang relayson.

Tumanggi na si Maja na magasalita pa dahil baka umano mapagalitan pa siya ng head ng Star Magic na talent management artm ng ABS-CBN kung saan kabilang ang dalaga at si Matteo. Nilinaw ni Maja Salvador na malaking dahilan ang oras nila ni Matteo Guidicelli para maghiwalay. Wala na rin naman daw ibang isyu pa dahil pareho silang abala sa kani-kanilang mga trabaho. Dalawang buwan na lamang ay magdiriwang na ang dalaga ng kaniyang ika-24 na kaarawan. Hindi naman daw siya nalulungkot na single siya sa darating na espesyal na araw dahil mas mahalaga umano ang mga biyayang natatanggap niya.

Pinangako naman daw ni Maja sa kaniyang sarili na magtitiwala na siya sa kaniyang abilidad pagdating sa pag-arte. Ang mga parangal umanong natanggap niya ay isa lamang paalala na mabuti ang kaniyang ginagawa bilang isang aktres. Nang tanggapin ni Maja Salvador ang kaniyang parangal sa Urian ay marami ang nagtaka kung bakit hindi nasama ang pangalan ni Matteo Guidicelli sa kaniyang mga pinasalamatan. Agad namang nilinaw ng binata na maaaring nabigla lamang ang dalaga dahil hindi nito inaasahan ang naturang parangal kung kaya hindi na nabanggit pa ang mga pasasalamatan. Sa ngayon mas gusto umanong mag-focus ni Maja Salvador sa kaniyang trabaho dahil may gusto pa siyang patunayan sa kaniyang sarili bilang aktres.

Full Story @ Tsismoso

Robin Padilla, nagbago ang buhay dahil kay Mariel Rodriguez

Simula nang magpakasal si Robin Padilla sa talk show host na si Mariel Rodriguez ay unti-unti na umanong nagbago ang buhay ng dalaga. Nakasanayan na rin umano ni Mariel ang mga taong walang sawang nagbibigay ng opinyon patungkol sa kanilang relasyoin ni Robin bilang mag-asawa. Hanggang ngayon ay may mga tao pa rin umano na hindi naniniwala sa kanilang kasal at maging ang mga taong hindi naniniwalang magtatagal ang kanilang pagsasama. Unti-unti na rin daw nasasanay si Mariel Rodriguez sa mga sinasabi ng maraming tao patungkol sa kanila ni Robin Padilla.

Naniniwala si Mariel a ang mga taong may duda pa rin sa kanilang pagpapakasal ni Robin Padilla ay may mga rason kung bakit ito pinaniniwalaan. Maaari umanong ang mga taong ito ay hindi masaya sa kani-kanilang mga buhay at ayaw nang nakakakita ng ibang tao na masaya katulad ng nararanasan ngayon nina Mariel at Robin. Pinili umano ni Mariel Rodriguez na magpakasal kay Robin Padilla dahil pagmamahal naman umano ang kaniyang nararamdaman dito. Sa panahong mas gugustuhin ng iba na magkaroon ng estadong exclusively dating o mag live in ay mas pinili ni Mariel ang permanenteng pagsasama sa pamamagitan ng pagpapakasal nito kay Robin.

Kitang-kita naman daw sa host ang kaniyang kasiyahan sa piniling desisyon. Bukas si Mariel Rodriguez sa pagpapahayag ng kaniyang pagmamahal sa asawa. Lagi umano siyang pinapasaya ni Robin Padilla at ito ang nagbigay ng kahulugan sa kaniyang buhay. Nagpasalamat din si Mariel sa Panginoon dahil isa umanong biyaya ang pagkakilala niya kay Robin. Kahit pa mahaba pa umano ang tatahakin nila bilang mag-asawa ay hindi umano siya takot dito dahil alam niyang nasa tabi niya ang asawa. Kahit pa iniisip lamang ni Mariel Rodriguez si Robin Padilla ay napapangiti na raw ito. Sa ngayon ay masasabi ni Mariel na nasa tahimik na ang kaniyang buhay dahil kasama na niya ang kaniyang pinakamamahal sa buhay.

Maaaring ang pagiging bukas lamang daw sa publiko ang magiging paraan para malaman ng marami kung ano nga ba ang totoo sa kanilang relasyon ni Robin. Parehong public figure ang mag-asawa kung kaya nagdesisyon si Mariel Rodriguez na magkaroon ng isang web show patungkol sa buhay nila ni Robin Padilla bilang mag-asawa. Naging inspirasyon ng programa ang real life reality shows na ipinapalabas sa telebisyon. Magsisilbi rin itong sequel sa 2011 documentary special na Iisan Landas kung saan ipinakita noon ang naging kasal nina Mariel at Robin sa India. Tinawag nila itong Love On-Line kung saan mapapanood ng mga tao ang buhay nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla habang pinagdadaanan nila ang buhay ng isang normal na mag-asawa.

Full Story @ Tsismoso

Bea Binene, Jake Vargas hindi na mapaghiwlay sa isa’t-isa

Kitang-kita raw ng marami na tila mas malapit na sa isa’t-isa ang on-screen partners na sina Bea Binene at Jake Vargas. Maging sa variety show na Party Pilipinas ay lagi umanong magkadikit si Bea at Jake kahit magkahiwalay pa ang kanilang mga production numbers. Hindi naiwasan ng marami na maghinala na maaaring may namumuo na ngang espesyal na pagtitinginan sa dalawang Kapuso tween stars. Agad namang nilinaw ni Bea Binene na magkaibigan lamang sila ni Jake Vargas. Aniya, kahit naman nagkakasama sia sa taping o hindi ay mabuting magkaibigan pa rin naman daw sila.

Ang  huling naging proyekto nina Bea at Jake kung saan sila ay magkatambal ay ang teleseryeng Alice Bungisngis And Her Wonder Walis. Matapos nito ay pareho nang naging abala sina Bea Binene at Jake Vargas sa kani-kanilang mga schedule kung saan hindi na sila ang magkatambal. Aminado naman ang dalaga na namimiss niya ang dating leading man dahil matagal din silang nagsama nito sa iba’t-ibang proyekto. Hindi naman daw mawawala kay Bea na hindi mamiss si Jake bilang isang kaibigan. Dalawang taon ang itinagal ng love team nina Bea Binene at Jake Vargas at ito ang unang pagkakataon na sila ay nagkahiwalay.

Sa bagong serye ni Bea na Luna Blanca ay hindi si Jake ang kaniyang kapareha kundi ang binatang si Kristoffer Martin. Ikinuwento ng aktres na maraming twists ang istorya ng kanilang teleserye na dapat abangan ng mga tao. Noong una ay nanibago umano si Bea Binene dahil mas nasanay siya na si Jake Vargas ang kaniyang laging kaeksena. Hindi nagtagal ay unti-unti na rin daw nasanay ang dalaga dahil alam niya na kinakailangan din umano ng kanilang tambalan ang sandaling paghihiwalay.

Itinanggi rin ni Bea na may kumpetisyon sila ng kaniyang mga bagong kasama sa proyekto. Aniya, naging mas malapit pa raw ang mga casts ng teleserye dahil na rin sa kanilang madalas na pagtatrabaho at pagkikita sa set. May magandang balita naman si Bea Binene sa lahat ng mga tagahanga nila ni Jake Vargas. Bukod sa pag-arte ay pinasok na rin ng dalaga ang pagkanta at natutuwa naman daw siya dahil sa magandang naging resulta ng unang album niya na Hey It’s Me, Bea. May duet sila ng binatang si Jake sa naturang album kung saan kinanta nila ang “Mahal Kita, Walang Iba”. Sa ngayon ay hinihintay rin daw nina Bea Binene at Jake Vargas na mabigyan ng proyekto kung saan muli silang magkakasama.

 

Full Story @ Tsismoso

Claudine Barretto, hindi na mapapanood sa GMA-7?

Kinumpirma na mismo ni Atty. Felipe Gozon na hindi na nila ni-renew ang kontrata ng aktres na si Claudine Barretto sa GMA-7 network. Expired na ang naging kontrata ni Claudine sa GMA-7 matapos ang dalawang taon nitong pamamalagi sa network bilang isang artista. Matatandaang nakilala si Claudine Barretto bilang talent ng ABS-CBN ngunit lumipat sa GMA-7 network ilang taon matapos gumawa ng ilang proyekto noong November 2009. Noong November 2011 pa natapos ang kontrata ni Claudine Barretto sa GMA-7.

Nang tanungin naman ang CEO kung ang dahilan ng hindi nila pag renew ng kontrata ni Claudine ay ang gulo nitong kinasangkutan sa NAIA ay ang tanging sinagot lamang nito ay ito umano ang napagkasunduan ng marami. Matatandaang gumawa ng ingay ang aktres kasama ang asawa nito na si Raymart Santiago na isa ring GMA-7 talent sa Ninoy Aquino International Airport. Kasama rin sa kaguluhan ang journalist na si Mon Tulfo kung saan nagkagulo dahil umano sa nawawalang bagahe ni Claudine Barretto sa airport. Kinunan umano ng video ni Mon ang aktres habang ito ay nagrereklamo sa ground crew na pinagsimulan ng kaguluhan.

Maging ang TV5 network ay wala din umanong plano patungkol sa career ni Claudine. Isang episode lamang daw ang ginawa ni Claudine Barretto sa Kapatid network at ito ay para sa Untold Stories. Bago pa ang dalawang taong pamamalagi ng aktres sa GMA-7 network ay halos 17 siyang naging talent ng Star Magic na talent-arm ng ABS-CBN. Nang maging Kapuso si Claudine ay bukod sa kontratang babayaran siya kahit hindi siya nagtatatrabaho sa anong programa sa network ay tinaasan din ng GMA-7 ang talent fee nito ng P100,000 na mas mataas sa ibinibigay ng dating network.

Ilang programa rin ang ibinigay ng GMA-7 kay Claudine Barretto at kabilang na rito ang Jillian: Namamasko Po, as well as Spooky Nights Presents: Nuno sa Feng Shui. Isang drama anthology rin ang pinagbidahan niya sa kaniyang paglipat. Ginawan din ng GMA-7 network ng pelikula ang aktres kung saan nakasama niya rito si Richard Gutierrez at Anne Curtis. Ang huling regular show ng aktres bilang Kapuso ay ang telefantsya na Iglot na tumagal ng halos tatlong buwan noong 2011. Ang huling naging appearance ni Claudine sa mga programa ng GMA-7 ay ang guest appearance nito sa Biritera.

Sinasabing hanggang ngayon ay may alitan pa raw si Claudine Barretto at Johnny Manahan na kilala bilang chairman emiritus ng Star Magic. Hindi ang paglipat ng aktres sa GMA-7 network ang dahilan nito kundi ang isang insidente umanong pag-akusa ni Claudine sa kapwa Star Magic talent ng paninira sa kaniya. Nang magkaroon ng selebrasyon ang Star Magic para sa kanilang ika-25 na anibersaryo ay nagbigay ng mensahe si Claudine Barretto rito at nagpasalamat sa lahat ng nagawa sa kaniya ng naturang talent arm. Kahit pa umano lumipat siya ng GMA-7 network ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang natutunan niya rito bilang isang artista.

Full Story @ Tsismoso

Vina Morales, ipinagmamalaki ang kapatid na si Shaina Magdayao

Napabilib si Vina Morales sa kaniyang bunsong kapatid na si Shaina Magdayao dahil sa hindi birong pagsubok na nalampasan nito sa kaniyang buhay. Ipinagmamalaki ni Vina ang tapang na ipinakita ni Shaina lalo na sa kaniyang pinagdaanan pagadting sa buhay pag-ibig. Matatandaang naging maingay ang pakikipaghiwalay ng dalagang aktres sa kaniyang nobyo noon na si John Lloyd Cruz. Matapos ang kumpirmasyon galing kay Shaina Magdayao ay hindi na ito nagsalita pa patungkol sa kaniyang relasyon. Ayon kay Vina Morales, nagiging magaling na ang kapatid nito sa paghawak ng kaniyang personal na buhay kahit pa siya ay isang artista.

Hindi naman daw nawawala ang suporta ni Vina simula nong ito ay unang pumasok sa mundo ng showbiz sa batang edad. Lalo pa umanong naging matindi ang pagsuporta niya kay Shaina nang dumating sa buhay ng kapatid ang iba’t-ibang kontrobersiya at intriga na hinarap nito. Kabilang na rito ang mga lalakeng naging bahagi ng buhay ni Shaina Magdayao sa showbiz. Sa mga panayan kay Vina Morales noon ay nababanggit nito na wala siyang nagiging problema sa nagiging karelasyon ng kaniyang kapatid sa showbiz. Mas mahalaga naman daw sa kaniya na nakikita niyang masaya ang kapatid at inaalagaan siya ng nobyo.

Noong Enero 2010 ay matatandaang naging makontrobersiyal ang pagtatapos ng relasyon ng dalagang aktres sa nobyo niya noon na si John Prats. Nang dumating ang Hunyo 2010 ay inamin ni John Lloyd Cruz sa publiko na nobya niya na nga si Shaina Magdayao. Inamin din noon ni Vina na dinadala nga ng kapatid na si Shaina ang nobyo sa kanilang tahanan kapag sila ay may okasyon. Nakilala na rin daw ng ibang kapatid ni Vina Morales ang binata at iginiit na isa itong mabait na nobyo sa kaniyang kapatid.

Katulad ng kaniyang mga naunang relasyon ay mas pinili pa rin ni Shaina Magdayao na manahimik patungkol sa tunay na dahilan ng kaniyang pakikipaghiwalay sa huling nobyo. Patuloy naman ang pagdating ng pagsubok kay Shaina lalo na at lumabas ang balitang mayroon nang bagong nobya si John Lloyd ngunit nananatili pa ring tikom ang bibig ng dalaga sa mga nangyayari ngayon.

Alam naman ni Vina Morales ang mga dumadating na pagsubok na ito sa kaniyang kapatid at alam niya na marami rin ang nagsasalita ngunit hindi sigurado kung ito ay totoo o hindi. Natutunan na raw ni Shaina Magdayao na tanggapin ang mga pangyayari at huwag nang magsalita pa tungkol dito. Ipinagmamalaki ni Vina ang mga natutunan ni Shaina habang ito ay tumatanda at nagiging mature sa buhay. Sigurado naman daw si Vina Morales na marami pang pagdadaanan ang kapatid na si Shaina Magdayao dahil siya ay bata pa pero sa lahat ng mga pinagdaanan ng kapatid ay natutuwa siya dahil hindi ito naging bitter sa buhay.

 

Full Story @ Tsismoso

Popular Posts