Kapamilya Dramatic Actress Iza Calzado graces the cover of Rogue Magazine’s July 2012 edition. It’s the 5th anniversary issue of the magazine which features the “reconstruction” of their latest cover girl Iza. The cover photo was photographed by Mark Nicdao and I think one of the most stunning cover stints by the lead star of ABS-CBN’s new primetime series “Kapag Puso'y Sinugatan”.
Erika Chryselle Gonzales Gancayco known as Erich Gonzales talks about her diva reputation and working with her latest leading man Mario Maurer in the “BIG DEAL” issue of MEG Magazine (July 2012). For the fans of Erich, don’t miss to grab a copy of this latest magazine cover of your idol. I’ve already saw the BTS photo shoots and I must say Erich graced this cover very well. She’s undeniably very gorgeous young actress!
Young Superstar Angel Locsin is on the cover of Maven Magazine’s June-July 2012 issue. It’s the 1st year anniversary of the ABS-CBN publication for smart, real and sexy women. And what a great to rejoice it’s 1st year by having a fabulous issue with one of today showbiz’ finest on the cover. And Maven did it! Find out why they tagged Angel as their “Ultimate Maven”.
The July 2012 issue of Rogue, MEG and Maven Magazine are now available at all magazine stands and selected bookstores and supermarkets nationwide. Be sure to grab a copy! By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer

Bagamat punong-puno ang schedule ng aktor na si Coco Martin ay nagawa niya pa ring gumawa ng pelikula para sa Cinemalaya. Ang pelikulang Sta. Niña ang Cinemalaya entry ni Coco para sa taong  2012. Nakilala si Coco Martin sa kaniyang mga indie films na pinagbidahan at sa kaniyang mga natanggap na parangal dahil dito. Isiningit lamang daw ng binata ang kaniyang schedule sa indie film dahil namimiss niya na raw gumawa ng ganitong pelikula. Hindi naman nakaramdam ng pagod ang aktor nang ginawa niya ang Sta. Niña dahil nag-eenjoy naman daw siya sa kaniyang ginagawa. Ginawa ni Coco Martin ang pelikulang Sta. Niña nang matapos ang kaniyang pelikula kasama si Angeline Quinto.
Ang istorya ng Sta. Niña ay umiikot sa karakter ni Coco Martin na si Pol na nakahukay ng kabaong ng kaniyang anak sampung taon na ang nakakaraan nang ito ay pumanaw ngunit nanatiling buo ang katawan nito. Naniniwala si Pol na isa umanong magandang senyales ito at maaaring makagamot ng may mga sakit. Nagtatrabaho ang karakter ng binatang aktor sa isang quarry na natabunan ng lahar kung saan niya natagpuan ang bangkay ng anak na si Marikit. Mapapanood sa Sta Niña kung paano naapektuhan ang karakter ni Coco Martin sa malaking pagbabago nang iuwi niya ang katawan ng anak.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nawawala ang paghanga ni Gerald Anderson sa kabaitan ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo kaya umaasa siya na matupad ng dalaga ang kaniyang mga kahilingan. Pinuri naman ni Gerald ang matagumpay na concert ni Sarah sa Araneta Coliseum noong July 7. Nalampasan umano ng dalaga ang mga expectation ng lahat ng tao sa kaniya at natutuwa dito ang aktor. Hindi raw makakalimutan ni Gerald Anderson nang lapitan siya ni Sarah Geronimo sa kaniyang kinauupuan habang ito ay kumakanta ng It Might Be You. Aminado si Gerald na kinilig siya sa ginawa ni Sarah at kasama niya raw ang lahat ng mga nanood na kinilig.
Ang mahalaga raw ngayon para kay Gerald Anderson ay manatili ang kanilang pagkakaibigan ng singer. Hindi niya naman daw iiwan si Sarah kung sakaling magkaroon ito ng problema dahil mananatili siyang kaibigan nito hanggang sa huli. Nabanggit ni Sarah Geronimo sa kaniyang concert na kalayaan ang kaniyang birthday wish. Para sa aktor, maraming ibig sabihin ang kalayaang hinihingi ng singer. Hindi naman ibig sabihin nito ay gusto nang magka-boyfriend ni Sarah kaagad. Umaasa si Gerald na makamit na ng dalaga ang independence at maturity ngayong nadagdaga na naman ang edad nito.
Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang kasong libelo laban kay Ynna Asistio na isinampa ng kaniyang manager na si Annabelle Rama. Masayang-masaya naman daw si Ynna sa kinalabasan ng kaso ni Annabelle dahil alam niya naman umano na wala talaga siyang ginagawang masama laban sa manager. Alam ni Ynna Asistio na wala siyang sinabing masama laban kay Annabelle Rama kahit pa tingnan nito ang kaniyang mga interview. Inaasahan na rin daw ng Kapuso star na mangyayari ito dahil sigurado siya sa kaniyang mga binitiwang salita sa mga panayam na isinagawa sa kaniya.
Nagbigay naman ng mensahe ang aktres sa pamilya ng kaniyang dating talent manager. Aniya, kung ayaw daw ng mga ito na masaktan, masiraan at mabastos ang kanilang buong pamilya ay huwag na raw nila itong gawin sa iba. Naniniwala ang ina ni Ynna na harassment ang ginagawa ni Annabelle sa kaniyang anak. Hindi rin umanon nila maintindihan kung bakit kailangan pang idamay ni Annabelle Rama si Ynna Asistio sa hindi kapani-paniwalang kaso.
Nagkabati na sina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto matapos ang ilang taong hindi nia pagkikibuan. Nangyari ito sa mismong lamay ng Comedy King matapos na magkaabutan ang dalawa sa naturang lugar. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawang Regal babies noong 2008 nang ipagkalat diumano ni Nadia ang hindi magandang balita patungkol kay Gretchen at sa naugnay sa kaniya na si Dody Puno. Natuldukan na ang halos apat na taong tampuhan nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro noong July 13 matapos magkita at magyakapan.
Noong nagkita raw si Nadia Montenegro at Gretchen Barretto ay wala naman daw siyang naramdamang kahit anong negatibo rito. Hindi lamang daw nagkaroon ng pagkakataon ang magkaibigan na magkita at magkausap sa loob ng apat na taon. Hindi naman daw bibiglain ni Nadia ang kanilang pagsasama muli ni Gretchen dahil mas mahalaga ay nagkita at nagkaayos na sila. Parehong hindi inaasahan nina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto ang kanilang pagkikita. Natutuwa rin ang dating aktres dahil pakiramdam niya ay ang Comedy King pa rin ang gumawa ng paraan para magkaroon ng kapayapaan.
Si Mylene Dizon mismo ang nagkumpirma tuluyan na nga silang naghiwalay ng kaniyang boyfriend na si Ira Cruz. Nagkahiwalay na rin noon sina Mylene at Ira bago pa ang kanilang dalawang taong relasyon. Si Ira Cruz ang dating gitarista ng bandang Bamboo. Matatandaang nang maghiwalay sa unang pagkakataon ang magkasintahan ay nagkaroon ng relasyon si Mylene Dizon sa modelong si Paolo Paraiso na ama ngayon ng kaniyang dalawang anak. Samantalang si Ira naman ay nobyo noon ng TV host na si Phoemela Baranda. Sa huli ay napagdesisyunan umano nina Mylene Dizon at Ira Cruz na muling maghiwalay ng kanilang landas sa pangalawang pagkakataon.
Sa huling panayam kay Mylene Dizon ay nabanggit nito na malaking factor ang pagmamahalan nila ni Ira Cruz  sa kanilang pagbabalikan noon. Matagal na rin naman daw niyang alam na mahal niya talaga ang binata kahit sila ay nagkahiwalay na. Dagdag pa noon ni Mylene  na malaking bagay ang kaniyang tiwala sa sarili at sa magiging takbo ng pangalawang pagkakataon ng kanilang relasyon ni Ira Cruz. Aminado si Mylene Dizon na hindi siya ang marrying type kundi isa siyang loving type dahil gusto niya na nagmamahal ng tao. Wala naman daw problema si Ira dito dahil kuntento naman umano siya sa kanilang relasyon.