Halos dalawang milyon na ang followers ni Angel Locsin sa microblogging site na Twitter. Matatandaang sa Twitter din nagsimulang magkakilala ang aktres at ang kasalukuyan nitong nobyo na si Phil Younghusband. Aktibo noon si Angel Locsin sa pag-update ng Twitter accoount ngunit hindi nagtagal ay marami na ang nakakapansin na hindi na hito masyadong aktibo rito. Aminado naman si Angel na hindi na masyadong nakakapag-tweet sa kaniyang mga tagahanga. Binubuksan pa naman daw niya ang kaniyang Twitter account ngunit hindi na ito kadalas tulad ng dati.
Naikuwento naman ni Angel Locsin ang tunay na dahilan ng kaniyang madalang na pag-tweet habang siya ay nasa taping ng kaniyang sitcom na Toda Max. Aniya, mayroonumano siyang poser sa Twitter na hindi na nagiging maganda ang pinagsasabi. Ang inakala noon ni Angel ay isa lamang walang magawang tao ang gumagaya ng kaniyang Twitter handle. Halos magkapareho ang ginagamit nilang user name. Kilala si Angel Locsin sa Twitter account nito na 143RedAngel samantalang ang naturang poser ay pinalitan ng letrang L ang 1 sa kaniyang handle.
Nalulungkot si Angel dahil maging ang ibang artista ay nagrereply pa sa poser na hindi alam ang totoo. Dumating na rin daw sa punto na hindi na magaganda ang pinagsasabi ng naturang poser sa Twitter at ilang fans club na rin ng dalaga ang nagagalit dito. Aminado ang aktres na napapagod na siyang magpaliwanag sa ibang mga tao na hindi siya ang gumagamit ng pekeng account na ito. Sinabihan na rin daw ni Angel Locsin ang kaniyang Twitter poser pero hindi pa rin ito tumitigil.
Wala na rin daw magagawa si Angel kung hindi na makikinig sa kaniya dahil hindi naman umano sila magkakilala nang personal. Nilalawakan na lang daw niya ang kaniyang isipin dahil hindi ito mapigilan sa kaniyang opinyon. Naniniwala si Angel Locsin na marami pa rin ang naniniwala sa kaniyang Twitter poser. Noong pumanaw daw ang Comedy King ay gusto sana mag-tweet ni Angel Locsin patungkol dito pero naisip niyang maaari namang magkagulo sa Twitter at baka ano na naman ang gawin ng kaniyang poser.
Bagamat nag-e-enjoy sa Twitter dahil sa mga mababait nitong fans ay marami sa milyong followers na sumusubaybay ng kaniyang tweet. Kapag nalulungkot daw si Angel Locsin ay tumitingin lang siya sa Twitter at napapalitan na ng saya ang kaniyang nararamdaman dahil sa kaniyang mga tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kaniya. Mababait din umano ang followers ni Angel sa Twitter kung kaya namimiss niya rin ang mga ito. Napapagod lamang daw si Angel Locsin na sagutin pa ang mga walang sawang intriga patungkol dito.
Sa pagbabati nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro ay napatunayan ng dalawa na namukudtangi pa rin ang kanilang pagmamahalan bilang magkaibigan. Noong July 13 ay nasaksihan ng marami ang pagbabati nina Gretchen at Nadia sa mismong burol ng Comedy King sa Heritage Memorial Park. Paliwanag ni Gretchen Barretto, ang mas mahalaga sa kanila ngayon ay ang kapayapaan dahil alam niyang nakapag-move on na sila pareho ni Nadia Montenegro. Aniya, masyado nang matagal ang naging iringan nila noon ng kaibigan kung kaya hindi na siya nabigla nang mangyari ito sa kanila ng kaibigan. Nagamot na rin daw ang mga sugat noon ni Gretchen mula sa kanilang hindi pagkakaintindihan ni Nadia kung kaya gusto niya na itong kalimutan.
Noong 1984 ay ipinakilala sa publiko sina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro sa pamamagitan ng pelikulang 14 Going Steady ng Regal Films. Sa ngayon ay hindi na aktibo si Nadia sa mga pelikula ngunit sinundan naman ng kaniyang mga anak ang kaniyang yapak sa showbiz. Partner ng dating aktres ang dating pulitiko na si Boy Asistio at isang full-time mother sa kaniyang walaong anak na sina Alyssa, Alynna (Ina), Alyana, Anykka, Alexander, Sam, Arysha, and Sophia. Samantalang si Gretchen Barretto naman ay nagbabalik showbiz sa isang teleserye star at bilang isang endorser.
Kakaumpisa pa lamang nina Angel Locsin at Dingdong Dantes sa kanilang pelikula pero naging maganda na raw ang takbo ng kanilang shooting. Makakasama ng dalawa sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Ruel Bayani na pinamagatang One More Try. Lahat ng cast ng pelikula ay nakaeksena na rin daw ni Angel kasama na rito sa Dingdong. Bagamat kakasimula pa lamang nila ay mabilis na rin daw ang tinatakbo ng shooting nina Angel Locsin at Dingdong Dantes. Ito ang unang pagkakataon na magtatambal ang dalawa sa isang pelikula.
Ayaw pa rin naman daw alamin ni Angel Locsin kung ano ang balak sa kanilang dalawa ni Dingdong Dnates ng kanilang direktor dahil kakasimula pa lamang nila sa paggawa nito. Wala namang naging problema sa network ni Dingdong ang kaniyang paggawa ng pelikula sa production company ng ABS-CBN dahil nagpaalam naman daw ang binata dito. Kahit pa karamihan ay Kapamilya stars ang makakasama ni Dingdong Dantes sa pelikula ay hindi ito nakaramdam ng ilang dahil mababait naman daw ang mga ito. Si Angel Locsin naman ay pumirma mulit ng kontrata bilagn isang Kapamilya. Aminado rin ang aktres na bago ang paggawa ng pelikula ay gusto raw niya munang lumabas muli sa teleserye.
Kinumpirma mismo ni Toni Gonzaga na aabangan ng marami ang kanilang magiging kissing scene ng kaniyang kaibigang si Vice Ganda sa kanilang bagong pelikula. Si Toni ang magiging leading leady ni Vice sa bagong proyekto na kanilang bagong tambalan. Sa ngayon ay naghahanda na ang dalagang aktres sa kaniyang magiging role sa pamamagitan ng pagpapapayat katuld ng yoga at pag-attend ng dancing class. Pagbibiro pa ni Toni Gonzaga, kailangan niya raw maghanda dahil baka maging mas maganda pa sa kaniya si Vice Ganda sa pelikula.
Bago para sa marami ang tambalan nina Toni at Vice na hindi madalas makita ng mga tao sa mga pelikula. Aminado si Toni Gonzaga na nararamdaman niya rin ang pagiging lalake ni Vice at nagugustuhan niya naman daw ito. Masarap raw kausap at makasama si Vice Ganda kung kaya ito ang kaniyang nagusuthan sa kaibigan. Minsan iniisip na lang ni Toni Gonzaga na hindi pala tunay nalalake si Vice Ganda dahil kahit papaano ay kilos babae pa rin ito.