Sunday 22 July 2012

Coco Martin, may bagong pelikula sa Cinemalaya

Bagamat punong-puno ang schedule ng aktor na si Coco Martin ay nagawa niya pa ring gumawa ng pelikula para sa Cinemalaya. Ang pelikulang Sta. Niña ang Cinemalaya entry ni Coco para sa taong  2012. Nakilala si Coco Martin sa kaniyang mga indie films na pinagbidahan at sa kaniyang mga natanggap na parangal dahil dito. Isiningit lamang daw ng binata ang kaniyang schedule sa indie film dahil namimiss niya na raw gumawa ng ganitong pelikula. Hindi naman nakaramdam ng pagod ang aktor nang ginawa niya ang Sta. Niña dahil nag-eenjoy naman daw siya sa kaniyang ginagawa. Ginawa ni Coco Martin ang pelikulang Sta. Niña nang matapos ang kaniyang pelikula kasama si Angeline Quinto.

Naging co-producer naman si Coco sa Sta. Niña dahil gusto niya raw tulungan ang kaniyang mga kapwa indie actors na mabigyan ng break sa showbiz katulad niya. Naramdaman din daw noon ni Coco Martin ang hirap lalo na kapag walang budget dahil kinakailangan pa nila noon na makiusap sa iba’t-ibang tao para lang matuloy ang pelikula. Ito na raw ang oras ni Coco para ibalik ang tulong lalo na sa mga artista na kasamahan niya sa Sta. Niña. Nang inalok daw kay Coco Martin ang naturang pelikula ay nabanggit niya sa kaniyang direktor na willing siyang magbigay ng pinansyal na suporta rito para lalo itong mapaganda.

Sinasabing si Coco ang naging inspirasyon ng maraming aktor para pumasok sa indie film. Ang Sta. Niña ang huling pelikula na ginawa ni Coco Martin ngayong siya ay unti-unti nang nakikilala sa mainstream. Ayon sa binata, nagbunga na raw ang kanilang pinaghirapan dahil dati-rati ay iilan lamang ang gumagawa ng indie film. Nagpapasalamat naman si Coco dahil umiiba na ang tingin ng mga tao pagdating sa indie film. Proud na proud din umano siya sa pelikulang Sta. Niña dahil alam niyang magiging malaking inspirasyon ito para sa marami.

Ang istorya ng Sta. Niña ay umiikot sa karakter ni Coco Martin na si Pol na nakahukay ng kabaong ng kaniyang anak sampung taon na ang nakakaraan nang ito ay pumanaw ngunit nanatiling buo ang katawan nito. Naniniwala si Pol na isa umanong magandang senyales ito at maaaring makagamot ng may mga sakit. Nagtatrabaho ang karakter ng binatang aktor sa isang quarry na natabunan ng lahar kung saan niya natagpuan ang bangkay ng anak na si Marikit. Mapapanood sa Sta Niña kung paano naapektuhan ang karakter ni Coco Martin sa malaking pagbabago nang iuwi niya ang katawan ng anak.

Full Story @ Tsismoso

Gerald Anderson, umaasang matupad ni Sarah Geronimo ang kalayaan

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nawawala ang paghanga ni Gerald Anderson sa kabaitan ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo kaya umaasa siya na matupad ng dalaga ang kaniyang mga kahilingan. Pinuri naman ni Gerald ang matagumpay na concert ni Sarah sa Araneta Coliseum noong July 7. Nalampasan umano ng dalaga ang mga expectation ng lahat ng tao sa kaniya at natutuwa dito ang aktor. Hindi raw makakalimutan ni Gerald Anderson nang lapitan siya ni Sarah Geronimo sa kaniyang kinauupuan habang ito ay kumakanta ng It Might Be You. Aminado si Gerald na kinilig siya sa ginawa ni Sarah at kasama niya raw ang lahat ng mga nanood na kinilig.

Pumunta raw si Gerald sa Araneta para ipakita ang suporta nito kay Sarah bilang isang kaibigan. Ayaw naman sagutin ni Gerald Anderson na siya ang pinatatamaan ni Sarah Geronimo sa awiting It Might Be You. Nilinaw ng aktor na naroon lamang siya para suportahan ang dalaga at katulad ng mga marami ay nagulat din siya sa ginawa ni Sarah. Natawa na lang si Gerald nang tanungin kung siya na raw ba talaga ang para sa dalaga. Aniya, si Sarah Geronimo raw ang dapat tanungin ng naturang katanungan at hindi siya.

Ang mahalaga raw ngayon para kay Gerald Anderson ay manatili ang kanilang pagkakaibigan ng singer. Hindi niya naman daw iiwan si Sarah kung sakaling magkaroon ito ng problema dahil mananatili siyang kaibigan nito hanggang sa huli. Nabanggit ni Sarah Geronimo sa kaniyang concert na kalayaan ang kaniyang birthday wish. Para sa aktor, maraming ibig sabihin ang kalayaang hinihingi ng singer. Hindi naman ibig sabihin nito ay gusto nang magka-boyfriend ni Sarah kaagad. Umaasa si Gerald na makamit na ng dalaga ang independence at maturity ngayong nadagdaga na naman ang edad nito.

Nananatili naman daw na nasa ligawan stage ang dalawa at mas gugustuhin umano ni Gerald Anderson na magkakilala pa sila ni Sarah Geronimo. Hindi itinanggi ng binata na espesyal talaga sa kaniya si Sarah dahil sa pagiging totoong tao nito. Pinuri rin ni Gerald ang kabaitan ng singer kahit pa mataas na ang naabot nito sa buhay. Sa July 25 na ang ika-24 na kaarawan ni Sarah Geronimo pero umiwas naman si Gerald Anderson na sabihin kung ano ang kaniyang hinandang regalo sa dalaga.

Full Story @ Tsismoso

Popular Posts