Nananatiling kritikal ngunit stable ang kondisyon ni Dolphy ayon sa kaniyang doktor na si Eric Nubla. Ang naturang Head ng Patient Relations ng Makati Medical Center na si Eric ay ang naghatid ng balita sa mga press patungkol sa inaabangang kondisyon ni Dolphy.
Naging mas responsive at active na rin daw ngayon si Dolphy kung saan nagagawa na raw ngumiti ng komedyante sa mga taong nasa paligid niya. Dagdag ni Eric Nubla, ang physical senses umano ni Dolphy ay nagiging maganda rin umano ang kondisyon. Nakakaramdam na rin daw ng sakit si Dolphy at nakikita ito sa kaniyang mga facial expression. Ayon kay Doctor Eric, maganda umano itong senyales dahil nagiging aktibo na ang pakiramdam ng komedyante.
Dumating din kasi ang panahon na hindi naging responsive ang katawan ni Dolphy sa sakit o sa mga kiliti kung kaya nang gumanda ang senses nito ay isang magandang improvement na maituturing ito sa katawan ng may sakit. Kinumpirma rin ni Eric Nubla na patuloy pa rin ang pagsasagawa ng blood transfusion sa pasyante. Tumataas na rin ang platelet count ni Dolphy hindi tulad noong mga nakaraang araw. Hanggang ngayon ay hindi pa raw umano naaabot ni Dolphy ng target count ng platelet na inaasahan nina Doc Eric.
Noong Hunyo 27 ay sumailalim muli sa dialysis si Dolphy kahit rest day niya ito. Hindi pa rin umano makukumpirma ni Eric Nubla kung tuloy-tuloy na ang magiging paggaling ng komedyante. Mahirap daw sabihin ito dahil nasa kritikal pa ring kondisyon ang komedyante at one day at a time ang pag-improve ng kondisyon nito. Marami na rin kasing problema sa katawan si Dolphy kung kaya hindi rin makapagbigay ng siguradong sagot si Eric patungkol dito.
Ibinalita rin ni Eric Nubla na naging mas strikto rin ang mga doktor ni Dolphy lalo na sa mga bisita. Ito umano ay dahil sa exposure ng viruses at bacteria na maaaring makaapekto sa malalang kondisyon ni Dolphy. Bukod dito ay sinabi rin ni Doctor Eric na gusto rin maprotektahan ang privacy ng pamily Quizon. Nakiusap din si Eric Nubla sa mga taong gustong bumisita sa pasyete ay kailangang  i-contact muna ang mga kamag-anak nito bago dumeretso sa ICU. Paliwanag ni Eric, limitado umano ang mga taong pinapayagan pumasok sa ICU ng ospital kung kaya kailangang intindihin ng mga bibisita na pamilya lamang ang pwedeng pumasok.
Ayon kay Eric Nubla, marami umanong rason kung bakit nililimitahan ang mga bisita ni Dolphy at isa na umano ang pagpoprotekta sa kalusugan nito. Kinakailangan din daw ng katahimikan ng komedyante para sa kaniyang paggaling. Kinumpirma ng doktor na ang mga miyembro ng pamilya ang nag-screen kung sino ang pwedeng bumisita kay Dolphy. Si Eric Nubla ang humarap sa media dahil hindi umano makakapunta ang anak ni Dolphy na si Eric Quizon sa kasalukuyan.
Full Story @ Tsismoso
Dahil sa tagumpay ng pelikula ni Eugene Domingo ay inaasahan pa umano na masusundan pa ang Kimmy Dora. Nagpapasalamat si Eugene sa naging tagumpay ng kaniyang pelikula sa tulong na rin ng mga tagahanga at kaniyang mga kaibigan. Maganda rin umano ang pakiramdam ni Eugene Domingo dahil kasama niyang tumatawa ang mga audience ng Kimmy Dora sa sinehan. Showing pa rin sa iba’t-ibang mga sinehan ang Kimmy Dora at hindi raw natatakot ang aktres kahit pa sabayan sila ng international movies katulad ng Spiderman.
Kinilala si Eugene Domingo bilang isa sa mga mahuhusay na Filipina sa naganap na Pinay and Proud exhibit. Nagpapasalamat si Eugene dahil bukod sa magandang naging resulta ng kaniyang pelikulang Kimmy Dora ay nakilala rin ang kaniyang natatanging talento. Natatawa namang ikinuwento ni Eugene na ang kinita niya sa pelikula ay ang gagamitin niyang pocket money para sa kaniyang pagbabakasyon sa ibang bansa. Aniya, kinakailangan niya umanong magpahinga dahil sa kaniyang pinagpagurang pelikula. Umaasa si Eugene Domingo na tuloy-tuloy nang tatangkilikin ng mga tao ang pelikulang Pinoy dahil malaki umano itong tulong para sa industriya.

