Sunday 11 November 2012

Vhong Navarro Says Robin Padilla Gave Him His Showbiz Break

Vhong Navarro had nothing but good words for Toda Max co-star Robin Padilla for remaining the same way he was when they first worked together on a sitcom many years ago.

At the press conference for Toda Max’s first anniversary, Vhong, who referred to Robin as Idol expressed his delight for the chance to be working with the action superstar because he said that it was Robin who gave him his big showbiz break.

“Si Idol kasi na-miss ko siyang katrabaho eh, dahil magkatrabaho kami sa Pwedeng Pwede,” shared Vhong, referring to the 1999 ABS-CBN sitcom. “Tapos siya ang nagbigay sa akin ngbreak na maging sidekick. So ‘yung tiwala niya sa akin Pwedeng Pwede pa lang, iba na kaya sobrang na-miss ko siyang makatrabaho. And this time na magkatrabaho na kami, aba, walang pagbabago dahil binibigyan niya ako ng moment.”

He revealed that Robin sometimes makes suggestions when they tape for Toda Max to make his scenes more effective. “Kumbaga idol [ko siya] kasi Robin Padilla na nakilala ko, na iniidolo na kahit di pa ko artista, ganun pa rin siya at marami siyang naitulong sa akin. Mas tumaas ang respeto ko sa kanya, mas iniidolo ko siya.”

It was also pointed out to Vhong that Toda Max is paving the way for the comeback of sitcoms, which were more popular in previous decades. “Siguro may mga times na namatay nga ang sitcom kasi nga marami ang na-hook sa drama, sa mga mexicanovela, koreanovela,” Vhong explained. “Kumbaga isa yon sa mga part na nawalan kami (comedians) ng trabaho dahil mas tinangkilik nila ang koreanovela, mexicanovela kaya dun muna nag-concentrate. Kaya nga ang sarap ng pakiramdam na isa kami sa naging tauhan para gawin uli ang sitcom at dito nga pinapatunayan namin ang pagbabalik-sitcom ay hindi sa amin magtatapos. Kami ang magsisimula, paparamihin pa namin kasi alam naman natin kung saan nagsimula ang sitcom, kay Tito Dolphy. Alam natin si Tito Dolphy nawala pero meron siyang iniwan sa atin at ito ang sitcom. Ang magpasaya ng tao, ang magpaligaya ng tao at itutuloy namin kung ano ang sinimulan niya,” said Vhong.

The month-long anniversary celebration of serves also as a tribute to the late Comedy King who had several memorable sitcoms like John en Marsha and Home Along Da Riles.

Vhong also took pride is saying that their sitcom reflects realities in life disguised in comedy and it teaches moral values as well. Vhong stated, “Ang Toda Max sa akin feeling ko soap opera din na dinaan mo lang sa pagpapatawa, sa comedy. Kumbaga pinagaan mo lang ‘yung mga charactersnamin dito [na] sumasalamin sa totoong buhay.”

Toda Max airs every Saturday right after Maalaala Mo Kaya. By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy

Robin Padilla Wants to be Vhong Navarro's Sidekick in a Movie

Noong November 6, Martes, ay nagkaroon ng isang press conference para sa first anniversary ngToda Max na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Angel Locsin, Pokwang at Vhong Navarro. Season four na ng nasabing sitcom na mapapanood tuwing Sabado sa ABS-CBN.

Sa nasabing press conference, naitanong kay Binoe kung ano ang pwedeng gawin ni BB Gandanghari (formerly known as Rustom Padilla) para buong-buo niyang matanggap ang kanyang kapatid. Although nabalita na wala nang tampuhan ang magkapatid ay common knowledge ang pagkakaroon nila ng magkasalungat na paniniwala pagdating sa sekswalidad ni BB.

“Ako naman eh si utol (BB) naman eh masaya naman siya, masaya na rin kami. Marami ring masaya para sa kanya pero siguro kung ige-guest namin siya [sa Toda Max], siya si Rustom (siya) hindi siya si BB,” makahulugang sagot ni Robin. “Meron nang Vice Ganda ang ABS-CBN, huwag na natin pang dagdagan ng isa pa.Okay na siya don sa Channel 5. Pag andito siya, siya si Rustom para wala rin kaming problema…”

Nang isagot kay Robin ang statement ni BB na patay na si Rustom, mabilis na sagot ng action star, “He’s alive in my heart.”

Ibinahagi rin ni Robin na sinabi niya sa kanyang co-star na si Vhong na gumawa sila ng pelikula at si Robin ang magiging sidekick at si Vhong ang pangunahing bida. “Ang sinabi ko kay Vhong, ‘Pare ko, alam mo ba si Johnny Depp, gagawa ng [movie], sidekick lang siya. Pare gusto ko magside-kicksa ‘yo.’ ‘Yun ang sabi ko sa kanya.

“Siguro akala niya binobola ko lang siya. Siguro nung mga last taping lang sabi ko, ‘Pare, ito na ang konsepto. Gawin natin, gawa tayong pelikula. Ako na ‘yung sidekick mo.”

Ipinaliwanag ni Robin na willing siyang gawin ito dahil naniniwala siya sa kakayahan ni Vhong bilang aktor at komedyante. Papuri ni Robin kay Vhong, “Napakagaling ho ng taong ito eh. Hindi ko naman gagawin ‘yon kung sino lang na… baka batukan ko pa. Pero dahil siya si Vhong Navarroat nakikita ko na napakagaling niya ho, talaga eh ibababa ko ang sarili ko.” Pagkatapos nito ay muling hinarap ni Robin si Vhong at sinabing handa siyang mag-sidekick sa kanya.

“Para sa ‘yo tol gagawin ko. Dahil naniniwala ako sa ‘yo na isang magandang proyekto ang gagamitin,” aniya pa. By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy

"INA KAPATID ANAK" PASOK AGAD SA TOP TV SHOWS SA BUONG BANSA!

Sa tindi ng suporta ng TV viewers sa bagong Kapamilya family drama series na "Ina Kapatid Anak," namayagpag agad ito bilang ikaanim na pinakatinutukang TV program sa buong Pilipinas noong buwan ng Oktubre. Base sa datos ng Kantar Media, no. 6 sa listahan ng top 15 most-watched shows ang teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Salvador taglay ang average national TV rating na 27.8%. Ang primetime series na nagsimulang umere noong Oktubre 8 ay nagtatampok rin kina Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Jayson Gainza, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Guiterrez. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin. Patuloy na tutukan ang mas mga umiigting na tagpo sa kuwento ng pakikipaglaban para sa karapatan sa "Ina Kapatid Anak," gabi-gabi, pagkatapos ng "Princess and I" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sawww.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.

By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon

Popular Posts