
Isang 'regal' na selebrasyon ang bubukas sa 2013 ng StarStudio sa pagbibigay-pugay nito kay Mother Lily Monteverde at sa Regal Films sa pagsapit ng ika-50 taong anibersaryo nito.
Umaapaw ang StarStudio January isyu sa mga litrato at istorya ng Regal Empire kung saan magbabalik-tanaw ang Regal Babies ng 80's hanggang sa kasalukuyan na sina Richard Gomez, Snooky Serna, Maricel Soriano, Dina Bonnevie, Paulo Avelino, Marian Rivera, Carla Abellana, Dennis Trillo, Solenn Heussaff, Lovi Poe at Richard Gutierrez. Magbibigay din ng saloobin ang ilang direktor at malalapit na kaibigan sa industriya ni Mother Lily tungkol sa kanilang mga pinagsamahan sa Regal Films.
Buo nilang isasaad ang kanilang mga karanasan sa ilalim ng paggabay ni Mother Lily tulad ng mangilan-ngilang tampuhan, hagisan ng telepono at bangayan. Ayon nga sa isang talent, "Napapagalitan din ako ni Mother. Natalakan na rin ako pero bilang nanay sa isang anak, ['yon ay] para itama ako. Kaya nga 'Mother', di ba?"
Upang mas maging maganda ang pagbubukas ng taon, isasama rin ng StarStudio ang Carmina-Zoren surprise wedding na nagpakilig sa sambayanan, ang child dedication ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie at ilang hula tungkol sa mga paborito ninyong artista ngayong 2013 na ibibigay ni Marites Allen, isang top Feng Shui expert.
Huwag palampasin ang celebration isyu ng StarStudio Magazine. Available na ito sa lahat ng bookstores, convenience stores at newsstands nationwide. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang kanilang Facebook fan page sa http://www.facebook.com/StarStudio.Magazine at sundan sila sa Twitter sahttp://twitter.com/starstudiomag
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
.png)
.png)
Parehong excited ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa kanilang nalalapit na concert na pinamagatang Silver na magaganap sa Mall of Asia Arena ngayong November 16. Ayon sa mister ng Asia’s Songbird na si Ogie, hindi umano niya nakikitaan ng stress ang asawang si Regine sa naturang concert. Sa dinami-raming concert na ginawa ng asawa ay ito na umano ang natatanging concert na nahalata niyang relaxed na relaxed ang asawa. Naniniwala si Ogie Alcasid na maaaring ang pagiging ina ni Regine Velasquez ang naging dahilan kung bakit mas naging confident na ito sa kaniyang sarili.
Matapos ang concert ng mag-asawa ay didiretso ang mga ito sa kanilang bakasyon. Plano umano nila na pumuntang Amanpulo at magiging bahagi na rin umano ito ng silver anniversary ng Asia’s Songbird sa showbiz. Hindi naman daw alam nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez kung doon na nila masusundan ang kanilang Baby Nate. Kung sakaling matuloy naman daw ang pangalawang pagbubuntis ni Regine ay umaasa si Ogie na hindi magiging mahirap para sa asawa ang pagbubuntis nito.
Isang pelikula ang pagbibidahan ng magkasintahang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo bilang bahagi ng pelikulang 24/7 In Love na inihahandog ng Star Cinema. Bading ang magiging role ni Zanjoe sa naturang pelikula at totoong nailang umano siya sa karakter na kaniyang ginampanan. Hindi umano siya nakapaghanda agad dahil biglaaan ang shooting ng pelikula nila ni Bea. Kinabahan naman daw ang dalaga nang unang malaman ang magiging proyekto nila ng kaniyang nobyo. Aminado si Bea Alonzo na natakot siyang makaramdam ng kaba sa pakikipagtrabaho kay Zanjoe Marudo.
Napabilib naman si Zanjoe Marudo kay Bea Alonzo dahil lumalabas umano ang pagiging propesyonal nito sa industriya. Tila alam na alam na umano ng aktres ang gagawin nito sa bawat eksena. Sa tuwing kakailanganin na raw ng emosyon ay agad na nakukuha ito ni Bea kumpara sa baguhang katulad ni Zanjoe. Maging si Bea Alonzo naman ay napabilib din kay Zanjoe Marudo dahil na rin sa isang challenging nitong role bilang bading. Hindi itinatanggi ng dalawa na masayang-masaya nga sila sa kanilang kasalukuyang relasyon at umaasa sila na sila na nga hanggang sa huli.