Maging responsableng voter at alamin ang mga dapat mong malaman sa parating na halalan gamit lang ang inyong mobile phones sa paglulunsad ng ABS-CBN ng COMELEC Halalan 2013 application na mada-download na sa lahat ng Android devices via Google Play.
Sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN sa Commission on Elections (COMELEC), ang naturang app ay magbibigay kapangyarihan sa publiko para makakuha ng impormasyon at serbisyo kaugnay sa halalan ano mang oras at kahit saan.
Alamin kung rehistrado ka na para bumoto sa COMELEC sa pamamagitan ng "Voter Status Checker" at hanapin ang presintong dapat mong puntahan para bumoto sa "Precinct Finder."
Kung first-time voter ka naman, tiyak malaking tulong sayo ang "Halalan 101" feature ng application dahil ibibigay nito sa iyo ang dapat mong malaman tungkol sa eleksyon tulad ng mga dapat mong dalhin kapag magreregister.
Bukod pa riyan, ang COMELEC Halalan 2013 ay magbibigay din ng mga balita kaugnay sa Halalan mula sa abs-cbnNEWS.com at mga sariwang update mula sawww.mycomelec.tv. Buhay na buhay din ang diwa ng citizen journalism dahil makakapagpadala ka rin ng iyong ulat, larawan, o video sa mas mabilis na paraan sa pamamagitan ng Boto Mo, iPatrol Mo (BMPM) feature ng app.
Patuloy na pinapaganda ng ABS-CBN ang mga serbisyong hatid ng app kaya naman maglalabas pa ito ng mga update sa darating na buwan para sa iba pang features na dapat abangan tulad ng listahan ng mga kakandidato sa national at local na gobyerno kabilang na ang mga party list; at ang "Election Results" na siyang magbibigay ng pinakahuling talaan ng boto mula sa mga awtorisadong sources ng COMELEC.
Para i-download ang COMELEC Halalan 2013 app buksan lang ang Google Play sa inyong Android devices at i-type ang COMELEC sa search box. I-install ang COMELEC app na nilikha ng ABS-CBN Interactive.
Kasalukuyang ginagawa ang IOS version ng application at nakatakda itong ilabas ng ABS-CBN para sa mga IOS user malapit na.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon