Kapamilya Dramatic Actress Iza Calzado graces the cover of Rogue Magazine’s July 2012 edition. It’s the 5th anniversary issue of the magazine which features the “reconstruction” of their latest cover girl Iza. The cover photo was photographed by Mark Nicdao and I think one of the most stunning cover stints by the lead star of ABS-CBN’s new primetime series “Kapag Puso'y Sinugatan”.
Erika Chryselle Gonzales Gancayco known as Erich Gonzales talks about her diva reputation and working with her latest leading man Mario Maurer in the “BIG DEAL” issue of MEG Magazine (July 2012). For the fans of Erich, don’t miss to grab a copy of this latest magazine cover of your idol. I’ve already saw the BTS photo shoots and I must say Erich graced this cover very well. She’s undeniably very gorgeous young actress!
Young Superstar Angel Locsin is on the cover of Maven Magazine’s June-July 2012 issue. It’s the 1st year anniversary of the ABS-CBN publication for smart, real and sexy women. And what a great to rejoice it’s 1st year by having a fabulous issue with one of today showbiz’ finest on the cover. And Maven did it! Find out why they tagged Angel as their “Ultimate Maven”.
The July 2012 issue of Rogue, MEG and Maven Magazine are now available at all magazine stands and selected bookstores and supermarkets nationwide. Be sure to grab a copy! By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer

Tuloy na tuloy na ang pelikulang pinaghahandaan ng magkaibigang Toni Gonzaga at Vice Ganda. Kinumpirma naman ni Toni na wala pang working title ang proyekto nila ni Vice pero nagkaroon na sila ng pagkakataon para mag-shoot nito. Si Wenn Deramas ang magiging direktor ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema production.
Bukod dito ay parehong abala sina Toni Gonzaga at kaibigang si Vice Ganda sa kani-kanilang mga TV show. Kasalukuyang host si Toni sa The Buzz samantalang si Vice naman ay nagho-host ng noontime show na It’s Showtime at may sariling talk show tuwing Linggo ng gabi. Parehong abala ang dalawa sa kanilang mga trabaho pero hindi pa rin naman daw nila nakakalimutan na magpahinga at magsaya kahit papaano. Matagal nang magkaibigan sina Toni Gonzaga at Vice Ganda kung kaya kapag nagkikita sila ay hindi naman naiiwasan ng dalawa na magkamustahan sa isa’t-isa. Matatandaang nagkasama noon ang dalawa sa concert ng komedyante at naging espesyal daw ito para sa kanila dahil itinuturing nilang kakaiba ang kanilang samahan.
Malakas ang usap-usapan na huminto na ang binatang aktor na si Gerald Anderson sa panliligaw nito kay Sarah Geronimo. Nahuli di umano sina Gerald at Sarah ng Mommy Divine ng singer na may lihim nang relasyon. Itinanggi naman ito agad ni Gerald Anderson dahil hindi naman daw siya kinausap ng ina ni Sarah Geronimo patungkol sa isyu. Mas focus pa rin naman daw ang binata sa kanilang friendship ni Sarah. Kinumpirma rin ni Gerald na hindi niya pa nobya ang pop star.
Sa ngayon ay kuntento na raw si Gerald sa kanilang pagkakaibigan ni Sarah. Proud na proud din niyang sinabi na good influence sa kaniya ang dalaga. Marami na umano itong itinuro sa kaniyang mga bagay-bagay na kailangan niya pa umanong marealize. Dati rati ay sinasabi umano ni Gerald Anderson sa telebisyon na kulang na lang sa kaniya ay isang girlfriend pero sinabi sa kaniya ni Sarah Geronimo na makuntento na lang muna kung ano ang mayroon siya ngayon. Ayon kay Sarah, kailangan muna umanong maging masaya si Gerald para lalo niyang makilala ang sarili niya. Sa panliligaw umano ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo ay marami na siyang natutunan hindi lang sa dalaga kundi pati sa kaniyang sarili.


Aminado ang dalagang si Kathryn Bernardo na kakaiba talaga ang dating sa kaniya ni Daniel Padilla kumpara sa ibang mga binatang kakilala niya. Ikinuwento ni Kathryn kung saan sila unang nagkakilala ni Daniel at kung paano sila naging malapit sa isa’t-isa. Nagkataon na parehong naging guest noon si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa It’s Showtime at sa mga panahong iyon ay hind pa sila magkakilala.
Isa sa mga hindi makakalimutan ni Kathryn ay nang supresahin siya noon ni Daniel sa Gandang Gabi Vice kung saan inalayan pa siya ng awitin ng binata. Dito rin nadiskubre na may magandang boses ang binata na nagbigay sa kaniya ng pagkakataon na magkaroon ng album. Kinilig din daw si Kathryn Bernardo nang bigyan siya ng dalawang aso ni Daniel Padilla bilang regalo. Hindi naman maipaliwanag ng dalagang si Kathryn kung ano ang mayroon kay Daniel dahil malakas daw talaga umano ang dating nito. Kinumpirma naman ni Kathryn Bernardo na may pag-asa si Daniel Padilla sa panliligaw kapag dumating na ang tamang edad nila para rito.
Masayang-masaya ang binatang si Epi Quizon nang makuha niya ang Best Actor trophy kamailan lang at balak niya itong ibigay sa ama na si Dolphy. Kasalukuyang nasa Makati Medical Center si Dolphy noong nang manalo ang anak na si Epi ng kaniyang kauna-unahang Sineng Pambansa sa kaniyang pelikula naĆ Ang Mga Kidnaper Ni Ronnie Lazaro. Pumanaw naman si Dolphy noong July 10 ng gabi. Ang pinakahuling karangalan na natanggap ni Epi Quizon ay noong 2000 nang manalo sila ni Dolphy at kapatid na si Eric Quizon sa Brussels International Film Festival para sa kanilang role sa pelikulang Markova: Comfort Gay. Nabanggit din ni Epi sa isang panayam bago pa pumanaw ang ama ay nawalan na ng boses matapos sumailalim sa tracheostomy.
Mahalaga na rin daw ang pagiging National Treasure ni Dolphy sa bansa kung kaya hindi na nila pinagpipilitan pa ang parangal para sa kanilang ama bilang isang National Artist. Idolo umano ni Epi Quizon ang ama at siya na raw ang nagisisilbing commander-in-chief niya sa kaniyang buhay. Hindi naman umano nagtrabaho ang komedyante para sa mga parangal kundi dahil mahal niya ang kaniyang ginagawa bilang isang artista. Mas mahalaga raw kasi na napapasaya ni Dolphy ang mga tao sa kaniyang paligid. Kahit wala namang naturang award ang ama ay mananatili pa ring Hari ang turing ni Epi Quizon dito.Ć Naniniwala ang batang Quizon na ipinanganak ang ama niya para maging isang entertainer.