Masaya si Raymond Gutierrez dahil bagamat namaalam na ang Showbiz Central noong nakaraang Linggo ay nabigyan naman siya ng panibagong programa na lalabas sa August 5 at ito ay ang H.O.T. TV (Hindi Ordinaryong Tsismis). Hindi raw mawawala ang excitement kay Raymond dahil kakaibang programa ang kanilang ipapakita. Naitanong naman kay Raymond Gutierrez ang patungkol sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng inang si Annabelle Rama. Aniya, sa kung ano mang laban na ginagawa ng inang si Annabelle ay suporta lamang ang kanilang ibinibigay. Moral support umano ang ibinibigay ng buong pamilya ni Raymond Gutierrez at iniiwasan nang sumali pa sa gulo. May kaniya-kaniya na rin umanong buhay at trabaho naman daw ang knaiyang pamilya. Hindi itinatanggi ni Raymond na nakakaramdam din siya ng stress paminsan-minsan lalo na kapag may bagong pinagdadaanan ang kaniyang Mommy Annabelle.
Minsan ay nagugulat na lamang daw si Raymond Gutierrez dahil kapag nakikita niya sa Twitter ang marami na siyang nababasa patungkol sa inang si Annabelle Rama. Minsan ay ginagawa na lamang daw joke nina Raymdond ang mga ginagawa ng ina. Alam naman daw nila na may punto nga ang ipinaglalaban ng kanilang ina at natutunan na nilang mahalin ito sa kaniyang pag-uugali. Iyon daw ang parte ng pagiging anak sa isang katulad ni Annabelle.
Hindi naman daw nag-aalangan si Raymond Gutierrez na pagsabihan si Annabelle Rama lalo na at nakikipag-away ito sa mga walang pangalan at hindi naman mahahalagang tao. Aniya, marami raw ang nasasayang sa kaniyang Mommy Annabelle kapag nasasangkot sa mga kontrobersya at partikular na rito ang kaniyang oras at pera na maaari pang makadagdag sa stress. Binigyan na lamang daw ng advice ni Raymond ang inang si Annabelle patungkol dito. Imbes na makipag-away pa ay mangibang bansa na lamang daw sila ng asawa nito ay magpaganda.
Pakiramdam ni Raymond Gutierrez ay hindi makukumpleto ang taon ng inang si Annabelle Rama kapag hindi niya naipapahayag ang kaniyang damdamin. Habang tumatagal ay natututunan na rin umanong tanggapin ng pamilya ang ugali ng ina. Hindi namand aw bagong konseptong ito sa tahanan nina Raymond at Annabelle. Naintindihan naman daw ni Raymond Gutierrez ang naging reaksyon ni Annabelle Rama sa huling kontrobersiya nitong kinasangkutan at naniniwala silang naging natural lamang ang reaksyon ng ina dahil nabastos ito.
Full Story @ Tsismoso
Sa isang panayam sa dalagang si Karen Reyes na Second Big Placer ng  ng makontrobersyal na PBB Teens ay nabanggit nito na aware siya sa mga sinasabi ng maraming tao patungkol sa kaniya. Hindi naman itinanggi ni Karen na naging agresibo siya noong unang linggo niya sa PBB House. Ipinalabas din sa PBB Teens ang mga ikinilos ni Karen Reyes at aminado ang dalaga na nalalandian din daw talaga siya sa sarili niya noon. Pero habang tumatagal ay nakita na rin umano nito ang pagbabago sa kaniyang sa kaniyang pag-uugali. Bago pa sumali sa PBB Teens ay inamin na rin noon ni Karen na madalas siyang ma-misinterpret ng ibang tao. Paliwanag naman ng dalaga, ang nakita lamang daw ng mga tao sa loob ng bahay ay ang kaniyang mga negatibong ugali kung kaya naisip ni Karen Reyes na magsimulang magbago.
Hindi itinanggi ni Karen na nagsabihan na sila ng ‘I love you’ ng kapawa PBB Teens housemate pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay magkasintahan na sila. Sa ngayon ay magkaibigan na lang daw sila ng binata at willing naman daw ito maghintay ng tamang oras para sa kanilang relasyon. Ang isa raw na natutunan ni Karen Reyes bilang bahagi ng PBB Teens ay ang pagkontrol ng kaniyang nararamdaman at ang hindi pagiging padalos-dalos sa desisyon.
Matapos ikasal nina Kyla at Rich Alvarez noong November 28, 2011 ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuntis ang R&B Princess. Ayon kay Kyla, ayaw na nila masyadong pilitin ng basketball player na si Rich ang ganitong kalagayan at pinapabayaan na lamang nila kung kailan sila mabibiyayaan ng anak. Itinanggi ni Kyla na hindi ibig sabihin nito ay hindi na nila sinusubukan ni Rich Alvarez dahil malaking effort naman umano ang kanilang ibinibigay pagdating dito. Simula nang iplano na ng dalawa ang kanilang kasal ay kasama na ang pagkakaroon ng anak sa kanilang plano.
Matagal na rin daw na hindi nakakapabyahe sina Kyla at Rich na magkasama dahil madalas lamang umalis ang singer kapag siya ay may trabaho. Excited na rin umano siya na makapunta sa iba’t-ibang bansa kasama ang asawang si Rich Alvarez. Extended honeymoon na rin daw umano nila ito at enjoy na enjoy naman daw nila ang kanilang oras na magkasama. Sa nakaraang panayam kay Kyla ay nabanggit nito na tila matagal na siyang handa para maging ina ng kanilang anak ni Rich. Natural na umano sa kaniya ang katangiang ito dahil noon pa lamang ay mahilig na raw talaga siya sa mga bata. Mas gusto rin daw ni Kyla na magkaroon ng kambal na anak kay Rich Alvarez para isahan na lamang sa paglabas nito.
Sa kabila ng mga intrigang nakapalibot sa relasyon ng magkasintahang Rayver Cruz at Cristine Reyes ay nananatili naman umanong maganda ang takbo nito ayon sa binata. Isang simpleng dinner naman kasama ang pamilya at ang nobyang si Cristine ang ginawa ni Rayver para ipagdiwang ang kaniyang ika-23 na kaarawan. Simple lamang daw ang hiling ni Rayver Cruz at ito ay ang matagumpay na career, magandang kalusugan ng kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay partikular na si Cristine Reyes. Hindi pa rin daw nakukuha ng binata ang kaniyang regalo mula sa nobya na kababalik lamang galing London. Aniya, nasa balikbayan box pa umano ito at iginiit na hindi naman daw siya humihiling ng pasalubong sa dalaga.
Maging ang mga isyu ng pagpaparetoke umano ni Cristine ng kaniyang mukha ay pinasinungalingan din ni Rayver. Marami ang nakapansin sa malaking pinagbago ng itsura ng aktres na si Cristine Reyes kumpara sa kaniyang dating mukha. Para kay Rayver Cruz ang importante sa kaniya ngayon ay nananatiling masaya ang kanilang relasyon. Mahigit isang taon na rin ang kanilang relasyon kung kaya gustong sabihin ng binata na mas lalo pa itong tumatatag habang tumatagal.
Matapos ang ilang buwang paghihiwalay ay napapabalita ngayon ang pagbabalikan di umano ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Agad namang itinanggi ni Angel ang mga balitang ito at iginiit na hindi pa sila nagkikita ng binatang si Derek simula nang sila ay magkahiwalay. Naniniwala si Angelica Panganiban na ito ang mas makakabuti sa kanila ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay. Hindi naman itinanggi ng dalaga na magiging maayos din ang lahat. Maging ang komunikasyon ay tinapos na rin ng dalawa matapos ang kanilang anim na taong pagsasama. Ayon kay Angelica, tatanggapin niya umano ang realidad na ito dahil hindi naman daw sila pwedeng maging matalaik na magkaibigan ni Derek matapos ang kanilang paghihiwalay.
Kung si Angelica Panganiban ay magiging abala sa isang teleserye, si Derek Ramsay naman ay magiging host ng Amazing Race Philippines na local franchise ng TV5 ng isang kilalang international reality game show. Bago pa makipaghiwalay kay Angelica Panganiban ay gumawa na si Derek Ramsay ng kaniyang blockbuster movie sa Star Cinema sa pamamagitan ng “Praybeyt Benjamin” at “No Other Woman”. Magkakaroon naman ng reunion project ang aktres at si Piolo Pascual sa small screen matapos nilang magkatrabaho noong 2004 sa soap opera na Mangarap Ka.