...broke barriers last Saturday (June 30) as it ranked no. 1 in the top overall TV weekend programs with its 40% national TV rating.
Based on the data of Kantar Media, the SPG-rated MMK episode garnered the highest national TV rating among all other shows last Saturday and Sunday (July 1). Its rival show in GMA, Kapuso Movie Festival, only got 15.2%.
Aside from its ratings success, Jane and Angel’s MMK masterpiece reigned even on the popular microblogging site Twitter, where Jane’s name became a worldwide trending topic for two nights. Twitter users mainly talked about Jane’s sterling portrayal as Nene, the teenager who was allowed by her own mother (played by Angel) to be repeatedly raped by her live-in partner.
The ex-Goin’ Bulilit child had nothing but utmost gratitude to all who have supported and commended her first starring role on TV. She said, “Thank you so much for all the positive feedback. I also want to thank ABS-CBN, Direk Nuel Naval, and to MMK for giving me the chance to show my talent.”
But more than ‘liking’ the episode, Jane stressed that hopefully through their episode, TV viewers got to learn important lessons. “We hope that Nene’s story served as an eye-opener for all of us–that drugs will not result to anything good and that despite all the hardships, we should not lose hope and our faith in God,” she said.
Together with Jane and Angel in the MMK episode were Carlos Morales, RS Francisco, Vangie Labalan, Ana Abad Santos, Archie Alemania, Gerald Madrid, Jacko Benin, Kyline Alcantara, Liz Alindogan, Jesette Prospero, Minco Fabregas, and Elaine Quemuel. It was researched by Mae Rose Balanay, written by Benson Logronio, and directed by Nuel Naval.
Meanwhile, this Saturday (July 7), discover another empowering life story in MMK this time, topbilled by Drama Prince Gerald Anderson and PBB Teen Edition 4 ex-housemate Kit Thompson.
Don’t miss the longest running drama anthology in Asia, Maalaala Mo Kaya (MMK), every Saturday night, after Wansapanataym on ABS-CBN.
text and photos courtesy of ABS-CBN By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer

Sa isang panayam ni Ara Mina matapos niyang mapabalitaan ang naging public apology ni Cristine Reyes ay nabanggit niyang hindi siya kumbinsido sa ginawa ng kapatid. Matatandaang kasalukuyang nasa korte ang isinampang kasong libel at grave coercion ni Ara laban sa dalagang aktres na si Cristine. Para kay Ara Mina, hindi niya naramdaman na seryoso si Cristine Reyes sa kaniyang paghingi ng tawad sa telebisyon. Ikinuwento naman ng dating sexy actress kung kailan nagsimula ang alitan sa pagitan nila ng kaniyang kapatid.
Madalas umanong dinedepensahan ni Ara ang kapatid na si Cristine noon kahit hindi niya pa alam ang istorya. Hindi na raw kinaya ni Ara Mina nang malaman niyang nakatanggap din ng parehong hindi magandang mensahe ang iba niyang kakilala. Para sa dating aktres, ang pinakamasakit umano para sa kaniya ay ang husgahan siya ng sarili niya pa umanong kapatid. Hindi niya raw masikmura ang mga pinagsasabi sa kaniya ng kapatid na si Cristine Reyes dahil hindi raw kailangang sabihin sa kaniya iyon. Kilalang-kilala naman daw ni Ara Mina ang kaniyang kapatid kung kaya alam niya kung sincere ang kapatid o hindi. Bagamat nasaktan ay handa pa rin daw siyang makipag-ayos sa kapatid pero ang nais niya ay maramdaman ang totoong paghingi ng tawad ng kaniya.
Nagpasalamat si Kim Chiu nang malaman na handpicked siya mismo ni Batangas Governor Vilma Santos para makasama sa pelikula na The Healing. Ngayong darating na July 25 ay inaasahang lalabas sa sinehan ang bagong proyektong pinagsamahan nina Kim at Vilma. Isang karangalan umano para sa dalagang aktres ang makasama ang isang beteranang aktres sa isang pelikula. Kuwento ni Kim Chiu, madali silang napalapit sa isa’t-isa ni Vilma Santos dahil na raw sa pagiging mabait ng Star For All Seasons. Naging madali umano ang pakikipagtrabaho ng dalaga sa Gobernador dahil sa pagiging approachable at down to earth nito. Pakiramdam umano ni Kim ay kahit sino pwedeng kumausap kay Vilma. Aniya, sa sobrang pagiging pleasant ng kaniyang idolo ay parang hindi nito kayang gumawa ng kasalanan.
Malaki rin ang naging pasasalamat ni Kim Chiu kay Vilma Santos dahil sa pagtulong nito sa dalaga sa pag-motivate tuwing magkakaroon sila ng mahirap na eksena. Ikinuwento ni Kim na nagkaroon siya ng eksena kung saan kinakailangan niyang hawakan si Vilma kung kaya nakaramdam siya ng takot at hiya. Ayon naman kay Vilma Santos, huwag daw sayangin ni Kim Chiu ang mga binibigay na eksena sa kaniya dahil minsan lamang daw ito mangyari. Ito raw ang ginagawa ng beteranang aktres para lalo pang ibigay ni Kim ang kaniyang makakaya. Aminado si Kim Chiu na kahit ayaw niyang isipin na isang Vilma Santos ang kaniyang kaeksena ay hindi niya pa rin maiwasang isipin na isang bigating artista ang kasama niya.
Inamin na pareho nina Rhian Ramos at KC Montero na nasa estado ng pagiging exclusively dating ang kanilang relasyon ngayon. Marami na ang nakakapansin sa espesyal na samahan ng dalawa dahil hindi naman nila itinatanggi sa publiko ang kanilang madalas na paglabas at pag-usap sa Twitter. Sa isang panayam kay Rhian ay inamin niya na si KC lamang ang lalakeng dinidate niya sa kasalukuyan.
Ngayon ay napapansin ng marami na bukas na rin si Rhian Ramos patungkol sa kaniyang buhay pag-ibig. Para sa dalaga, wala rin naman daw dahilan para magtago. Sa ngayon ay ine-enjoy na lang ng dalawa ng oras na magkasama sila. Ang isa pang ikinatutuwa ni Rhian ay ang masayang pagtanggap ng dating asawa ni KC sa kanilang sitwasyon. Si Geneva Cruz pa raw mismo ang nagsabing gusto nitong maging masaya ang dating karelasyon sa piling ng dalagang aktres. Hangad naman ni Rhian Ramos na magtuloy-tuloy na ang kasiyahang nararamdaman nila ni KC Montero.