Masayang-masaya ang singer na si Aiza Seguerra dahil sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng napapabalitang nobya at protégé na si Krizza Neri. Matatandaang ang dalagang si Krizza ang nanalo sa singing contest na Protégé: The Battle For The Big Break kung saan nagsilbing mentor ang singer na si Aiza. Itinanggi naman ng dalawa ang mga balitang lumalabas na mayroon silang namumuong relasyon.
Ngayon ay maglalabas si Krizza Neri ng kaniyang self-titled album kung saan producer si Aiza Seguerra na nasa ilalim ng kaniyang sariling music label na Blackbird Music. Ayon naman sa dating child star, nagkataon lamang umano ang pagsagot niya sa paggawa ng album kay Krizzy dahil matagal na nilang plano na gumawa ng album bago pa manalo ang dalaga.
Ang orihinal na plano raw talaga kay Krizza Neri ay magkaroon ng indepepndent release pero nang nanalo ito ay napagdesisyunan nina Aiza Seguerra na maglabas ng full blast na album. Nagpapasalamat naman si Aiza sa Media Nation at sa GMA Artist Center sa ibinigay na tulong at suporta sa kanila. Inaasahang ang Universal Records ang magiging distributor ng bagong album ni Krizza. Bukod sa pagiging producer ni Aiza Seguerra ay nag-contribute din umano siya ng dalawang original tracks sa album ni Krizza Neri.
Nagpasalamat din si Aiza sa Star Records dahil pumayag itong gawin ang kaniyang duet kay Krizza na magiging parte ng kaniyang album. Malaki naman ang pasasalamat ng Cagayan de Oro native sa kaniyang mentor dahil tinupad daw nito ang kaniyang matagal ng pangarap. Natutuwa naman si Aiza Seguerra dahil hindi lang sa salita ipinapakita ni Krizza Neri ang kaniyang pasasalamat dahil ipinapakita rin daw ng dalaga ito sa pamamagitan ng kaniyang professionalism sa trabaho. Sapat na raw sa professional singer na ibigay ng kaniyang protégé ang lahat para sa kaniyang album.
Aminado si Aiza na minsan ay mas mahirap pa raw makipagtrabaho sa ibang singer kumpara kay Krizza Neri kahit pa baguhan pa lamang ito sa industriya ng musika. Marami rin umanong improvement sa boses ng dalaga simula nang ito ay manalo lalong-lalo na pagdating sa dynamics kung saan marunong na siya sa pag-control ng kaniyang boses. Ikinumpara rin ni Aiza Seguerra ang boses ng 16-taong-gulang na si Krizza Neri sa kaniyang mga kapwa singers na sina Nina at Juris.
Bukod sa propesyal na tulong ay sinusuportahan din umano ni Aiza Seguerra ang dalaga maging sa kaniyang personal na buhay. Madalas din daw kasing bigyan ni Aiza ng mga advice si Krizza lalo na at marami na siyang pinagdaanan sa industriya. Isa sa mga binigay na pangaral ni Aiza Seguerra ay huwag umanong ipilit ng dalaga na mahalin at magustuhan siya ng mga tao dahil mas mahalaga ang gawin niya nang maayos ang kaniyang trabaho. Nilinaw din ng singer na hindi siya ang tumatayong manager ng  Protégé winner na si Krizza Neri.Â
f
Full Story @ Tsismoso
Hindi itinanggi ni Jessy Mendiola na kabado siya sa kaniyang bagong teleserye na pinamagatang Against All Odds. Pagbibidahan ito ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos at gaganap naman ng isang title role ang dalagang si Jessy. Ayon kay Jessy Mendiola, magsisilbing reunion ang kaniyang bagong teleserye dahil makakasama niyang muli rito sina Tirso Cruz III at Mylene Dizon na nakatrabaho niya noon sa teleserye na Budoy. Malaki ang pasasalamat ng dalagang aktres dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mga bigating artista sa iisang teleserye dahil sigurado umano siya marami siyang matututunan sa mga ito.
Ang bagong teleserye ay isa na umanong malaking karangalan para sa kaniya at itinuturing ang sarili bilang isa sa mga pinakamaswerteng aktres sa industriya. Mga bigating pangalan ang makakasama ngayon ng dalaga kung kaya dumagdag din ito sa kaniyang kaba. Leading man ngayon ni Jessy Mendiola si Joseph Marco na nakasama niya noon sa teleseryeng Sabel. Hindi naman nababahala ang dalaga sa iba’t-ibang leading man niya sa kaniyang mga naging teleserye dahil hindi naman siya nagkaroon ng permanenteng love team. Maganda rin umanong pagsubok ito para kay Jessy dahil makikita ng tao na kaya niyang gamapanan ang kaniyang mga karakter sa serye.
Kinuha ng anim na buwang buntis na si Katrina Halili ang aktres na si Marian Rivera bilang ninang ng kaniyang magiging anak. Ilang buwan na ang nakakalipas nang masangkot sa isyung awayan sina Marian at Katrina dahil umano ito sa hindi pagkakasundo ng dalawa sa set ng kanilang teleserye. Limang taon na ang nakakaraan nang magkaroon din ng isyu sa pagitan nina Marian Rivera at Katrina Halili at ito ay nangyari sa kuana-unahang teleserye na pinagsamahan nila. Kinumpirma mismo ni Katrina na kinuha niya bilang ninang si Marian sa binyag ng bata.
Bago pa natapos ang taping ng huling teleserye ni Katrina Halili ay nakipagbati na raw siya kay Marian Rivera. Nagyakapan at nag-iyakan din umano ang dalawa. May komunikasyon na rin ngayon sina Marian at Katrina dahil nagagawa na nilang magtext at magtawagan sa isa’t-isa. Maging sa baby shower ni Katrina ay iimbitahin niya rin umano ang kaniyang kaibigang aktres. Kinalimutan na rin nina Marian Rivera at Katrina Halili ang hidwaang nangyari sa kanilang dalawa dahil mas mahalaga raw ngayon ay ang kanilang pagkakaibgan.
Masaya ang aktres na si Kim Chiu sa naging resulta ng kaniyang bagong pelikula kasama si Vilma Santos. Bukod sa pagganap ng karakter na doppelganger o dual role ay masaya ang 21-taong-gulang na si Kim dahil nakasama at nakatrabaho niya ang Batangas Governor na si Vilma. Aniya, isang magandang karanasan ang makasama ang isa sa pinakamahusay na aktres sa industriya. Marami rin umanong natutunan si Kim Chiu kay Vilma Santos bilang isang aktres at bilang isang tao. Maging ang direktor nina Kim at Vilma ay nagsilbi rin umanong malaking tulong para sa kanila. Aminado si Kim Chiu na tila lumalim na ang kaniyang pag-arte at maging sa kaniyang trabaho ay nag-iba na rin ang kaniyang pananaw.