Wednesday 22 August 2012

Melai Cantiveros, Jason Francisco magkakabalikan na nga ba?

Naitanong sa dalagang komendyante na si Melai Cantiveros kung totoo bang nagkabalikan na sila ng dati nitong nobyo na si Jason Francisco. Ayon kay Melai, masaya siya ngayon sa kaniyang buhay kahit wala siyang love life. Sa isang panayam ni Jason sa Kris TV ay nabanggit nito na may plano siyang makipagbalikan kay Melai. Ayaw namang maniwala ni Melai Cantiveros sa mga sinabi sa kaniya patungkol sa plano umanong pakikipagbalikan ni Jason Francisco. Kahit pa tuluyan nang natapos ang relasyon ng dalawa ay pilit naman daw nilang isinasalba ang pagkakaibigang mayroon sila. Naniniwala si Melai na ito raw muna ang pagtuunan nila ng pansin.

Nagbiro naman si Melai Cantiveros na maaaring next time na lamang o next decade na sila magbalikan ng binatang si Jason Francisco. Inamin ng dalaga na kahit pa nababanggit ng dating nobyo na gusto nitong makipagbalikan ay hindi umano niya nararamdaman ito. Mahiya na lamang daw si Jason dahil naghiwalay na sila at hindi naman daw maganda kung magkbalikan muli sila. Naniniwala si Melai Cantiveros na maaaring inakala ni Jason Francisco na kailangan na nilang magbalikan dahil sa nararamdaman nito sa kaniya lalo na kapag kasama nila ang kanilang mga fans. Pinagsabihan naman ng dalaga ang dating nobyo na huwag masyadong magtiwala sa kaniyang mga nararamdaman.

Full Story @ Tsismoso

Angelica Panganiban, tikom pa rin ang bibig sa estado nila ni John Lloyd Cruz

Sa isang panayam kay Angelica Panganiban ay nabanggit nito na kung ano ang nakikita ng mga tao sa panlabas na katauhan ng dalaga ay ganun din sa kaniyang panloob. Hindi na raw kailangang magpaliwanag pa ng dalaga patungkol sa kaniyang nararamdaman kay John Lloyd Cruz. Naging maingay ang ugnayang Angelica at John Lloyd dahil na rin sa lumabas na litrato kung saan magkasama ang dalawa sa tila naganap na isang picnic. Sinasabing nagkakamabutihan na raw ang mga ito na nagsimulang maging malapit nang gawin nila ang kanilang pelikula sa ibang bansa. Kasabay nito ay ang pakikipaghiwalay ni Angelica Panganiban sa kaniyang anim na taong nobyo na si Derek Ramsay. Kasunod nito ay ang pagkukumpirma ni Shaina Magdayao na hiwalay na nga sila ng binatang si John Lloyd Cruz.

Mapapansin noon kay Angelica na matipid ito sa pagbibigay ng impormasyon patungkol sa kasalukuyan nilang estado ni Lloydie. Hindi nagtagal ay nagsalita na rin si Angelica Panganiban at nakiusap na rin sa mga tao na hayaan na muna siyang maging masaya sa kaniyang personal na buhay. Aniya, ang paganda nang pagandang nararamdaman niya ay hindi niya obligasyong hingin sa ibang tao. Hindi itinanggi ni Angelica na nahanap niya na ang gusto niyang makuha sa buhay at ito ay ang maalagaan ang kaniyang sarili. Marami naman ang natuwa nang sabihin ni Angelica Panganiban na tila natupad na nga niya ang kaniyang pinapangarap.

Karapatan naman daw ngayon ng dalaga na huwag na munang magsalita at manahimik na lamang muna sa kaniyang pribadong buhay. Sa mga nangungulit patungkol sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz ay gusto ng dalaga na magsalita na lamang sa tamang panahon dahil sigurado naman daw siya na darating ang araw na iyon. Sa ngayon ay mas gusto raw muna mag-enjoy ni Angelica Panganiban sa kung anumang mayroon ang kaniyang kasalukuyang buhay. Proud na proud din umano si Angelica sa kaniyang ginawa ngunit hindi na nagpaliwanag pa kung patungkol saan ito. Mas mabuti na rin daw na hayaan na muna siyang maging masaya sa kaniyang buhay.

Hindi na nagsalita pa si Angelica patungkol kay John Lloyd kahit pa marami talaga ang gustong makaalam at makarinig ng kumpirmasyon galing sa dalaga. Ayon sa mensaheng binitiwan ni Angelica Panganiban ay mas masaya umano kung mahalin na lamang muna ang sarili bago mo pa hayaang mahalin ng ibang tao. Sa pamamagitan umano nito ay matututunan ng isang tao kung ano talaga ang tunay na magpapasaya at hindi pwedeng maibigay.

Full Story @ Tsismoso

John Prats, naging dahilan ng pagbabago ni Bianca Manalo

Nagulat si John Prats dahil sinasabing siya ang naging dahilan ng nakakagulat na pagpapagupit ni Bianca Manalo. Mula sa pagkakaroon ng mahabang buhok ay pinaiklian ito ni Bianca at pinakulayan ng blonde. Itinanggi naman ni John na siya ang naging dahilan kung bakit nagdesisyon ang dating nobya na mag-iba ng anyo. Ipinaliwanag naman ni Bianca Manalo ang kaniyang biglang pagpapagupit at sinabing ang bago niyang proyekto ang naging dahilan nito. Hindi lamang daw ito gagawin ni Bianca sa bansa kundi pati na rin sa Thailand bilang parte ng kaniyang endorsement.

Ayon kay John Prats, matagal na umanong gusto ni Bianca Manalo na magpagupit ng kaniyang buhok ngunit hindi naman daw niya ito magawa dahil na rin sa endorsement niya na kinakailangang mahaba ang buhok. Hindi naman iniisip ng binata na ang paghihiwalay raw nila ang naging dahilan ng dating nobya na gawin ito. Pinasinungalingan din ni Bianca ang lumalabas na balitang ito at iginiit na walang kinalaman si John sa kaniyang desisyon. Aniya, mas gusto raw niyang mag-explore ng mga bagong look at dahil na rin gusto niyang magkaroon ng bagong Bianca Manalo.

Inamin ni John Prats sa isang panayam na nakakaramdam din siya ng lungkot sa sinapit ng kanilang relasyon ng dalaga. Ngunit ang isa umano sa mga natutunanan ni John sa hindi naging magandang resulta ng relasyon nila ni Bianca ay ang huwag mawalan ng pag-asa pagdating sa buhay pag-ibig. Nananalig si John Prats na darating ang panahon na makikilala niya ang babeng nararapat sa kaniya. Sa dinami-rami raw kasing relasyon na pinagdaanan ni John ay tila hindi siya nabibigyan ng swerte sa babae. Ang huling naging relasyon ng binata kay Bianca ay nauwi rin sa paghihiwalay matapos ng ilang buwang pagsasama.

Kahit papaano ay masaya na rin naman daw si John Prats sa kaniyang kasalukuyang estado lalo na at may oras na siya sa kaniyang pamilya at mga kaibigan. Aminado ang binata na na-e-enjoy niya raw talaga ang kaniyang pagiging single ngayon. Masaya na rin naman daw sa dating nobya na si Bianca Manalo. Sapat na raw sa kaniya na nakikita niya itong masaya ngayon pati na sa trabaho nito. Maging si John ay kuntento na rin umano sa tinatakbo ng kaniyang career. Maraming magandang reaksyon ang natatanggap si John Prats sa kaniyang pagganap sa seryeng Angelito: Ang Bagong Yugto.

Full Story @ Tsismoso

Lovi Poe, masaya sa karangalan natanggap ng amang si FPJlo

Masayang-masaya ang aktres na si Lovi Poe dahil sa iginawad na National Artist award para sa kaniyang namayapang ama na si Fernando Poe Jr. Noong nakaraang Agosto 16 ay pormal na tinaggap ng maybahay ni FPJ na asi Susan Roces at Mary Grace Poe-Llamanzares ang naturang parangal mula sa Malacañang Palace. Ipinagmamalaki ni Lovi ang natamong karangalan ng kaniyang ama dahil na rin sa naging kontribusyon nito sa industriya ng sining. Alam ni Lovi Poe na kung nabubuhay lamang si Fernando Poe Jr. ay sasabihin nito na hindi na ito kinakailangan. Pero ito lamang daw ang isang patunay para kay Lovi na malaking parte ang ama ng industriya.

Alam niyang sapat na umano para kay FPJ na minahal siya ng maraming tao at ang pagbigay ng pagkilala na ito ay para raw talaga sa Hari ng Pelikula. Hindi raw alam ni Lovi Poe ang naturang okasyon kung kaya hindi ito nakadalo dito. Nilinaw nito na wala naman daw silang issue sa pamilya ni Fernando Poe Jr. at sinabing maayos naman ang relasyon nila ni Da King. Matatandaang noong taong 2004 kung kailan tumakbo sa pagiging pangulo si FPJ ay inamin ng aktor na mayroon pa siyang ibang anak bukod sa kanilang adopted daughter ni Susan.

Wala naman daw magiging problema kay Lovi Poe na makatrabaho ang asawa ng namayapang ama dahil isa umano itong malaking karangalan para sa kaniya. Maganda rin umano ang pakikitungo ng pamilya ni Fernando Poe Jr. sa kaniya at kapag sila ay nagkikita ay binabati naman daw sila nito. Sa nakaraang kaarawan ng ama nito ay pinuntahan lamang ni Lovi ang ama sa libingan nito at nagsimba. Kahit walang okasyon ay ginagawan naman ng paraan ni Lovi Poe na bumisita sa puntod ng kaniyang ama bilang pagbigay na rin ng respeto.

Ang ama na si FPJ ang itinuturing ni Lovi na inspirasyon niya sa kaniyang pagpasok sa showbiz career. Tingin ni Lovi Poe, kung nabubuhay lamang daw si Fernando Poe Jr. ay magiging supportive ito pagdating sa kaniyang pinasok na career. Sa anumang tagumpay na mararating ng dalaga ay hindi umano niya kakalimutan na pasalamatan ang yumaong ama na kaniyang naging inspirasyon sa kaniyang pagtatrabaho. Sa lahat ng karakter na ginagampanan ng dalaga at maging sa iba pang bagay na ginagawa niya sa kaniyang career ay laging nasa isip ni Lovi ang ama. Malaki ang paniniwala ni Lovi Poe na sa lahat ng kaniyang ginagawa ay binabantayan siya nito.

Full Story @ Tsismoso

Renz Fernandez, sasabak na sa isang teleserye

Magkakaroon na ng kauna-unahang teleserye si Renz Fernandez na bunsong anak nina Lorna Tolentino at namayapang si Rudy Fernandez. Ang unang teleserye ni Renz ay pinamagatang Little Champ na ipapalabas sa TV5. Kapansin-pansin naman ang pagiging kiritiko ni Renz Fernandez sa kaniyang performance sa naturang teleserye. Aniya, makikita umano ang kaniyang mga sablay na pag-arte ngunit marami naman daw siyang nagawang tama. Natuto rin umano ang binata sa kaniyang bagong teleserye at pakiramdam niya ay may improvement naman siyang nagawa. Inimbitahan naman ni Renz ang mga tao na manood ng kaniyang teleserye dahil sigurado umanong mapapatawa at mapapangiti ang mga tao rito.

Gagampanan ni Renz Fernandez ang isang truck driver sa teleserye na magkakaroon ng koneksiyon sa batang bida. Makakasama rin ng aktor sa teleserye ang aktres na si Coleen Garcia at si Senator Lito Lapid. Bago pa magsimula ang teleserye ay nag-workshop na si Renz para sa mga paghahanda niya. Naniniwala ang binatang si Renz Fernandez na ang kailangan sa pag-aartista ay binubuhay nito ang sarili nitong buhay. Kung malungkot umano ang kinakailangan sa teleserye ay kailangang maging totoo siya sa kaniyang nararamdaman. Napansin din nito ang mga mali niya sa ilang eksena sa teleserye katulad ng madalas nitong paggalaw ng ulo.

Umaasa rin si Renz na mapatawa niya ang mga manonood sa kaniyang mga gagawin sa teleserye. Ipinagdarasal din ni Renz Fernandez na mag-enjoy ang lahat ng mga tao kahit pa kabado siya na gawin ang teleserye. Umaasa rin ang binatang aktor na maiintindihan din siya ng mga tao dahil bago lamang siya sa industriya. Ayaw namang magpaapekto ni Renz sa pressure dahil maaaring ikabagsak niya rin ito.

Maging ang ina ni Renz Fernandez na si LT ay nagbigay rin ng ilang pointers sa kaniyang anak bago pa ito magsimula sa kaniyang teleserye.  Hindi na rin daw makapaghintay ang ina ni Renz na mapanood ang anak sa telebisyon. Kung sakaling maayos na ang lahat na kinakailangan sa teleserye ay inaasahang ilalabas na ito sa darating na September para sa pilot episode nito. Ayaw namang magpaapekto ni Renz Fernandez sa mga pressure na ibinibigay sa kaniya sa teleserye dahil siya ay anak ng dalawang batikang artista. Kapag ginawa naman daw ng binata itong problema ay maaaring makasira lamang daw ito sa kaniyang trabaho sa teleserye.

Abala si Renz sa kaniyang teleserye at hindi naman daw niya masyadong problema ang love life kahit pa wala siyang kasalukuyang nobya ngayon. Aniya, naiinggit din daw siya sa kaniyang kuya Raf na kasalukuyang may anak at asawa na pero mas kailangan pa umanong magtrabaho ni Renz Fernandez para sa kaniyang kinabukasan. Mas pinagtutuunan naman ng pansin ngayon ng baguhang aktor ang kaniyang teleserye dahil gusto niyang ipakita na may kaya siyang ibuga kahit papaano.

Full Story @ Tsismoso

Epi Quizon, ipinagdarasal ang karamdaman ni Zsa Zsa Padilla

Matagal nang alam ni Epi Quizon ang patungkol sa cyst ni Zsa Zsa Padilla ngunit noong isang gabi niya lamang na Stage 1 na ito ng kidney cancer. Naging parte na ang Divine Diva ng pamilya nina Epi dahil na rin nakasama ito ng ama niyang si Dolphy sa mahabang panahon. Nagulat din daw ang buong pamilya nina Epi Quizon sa balitang dumating kahit pa alam nilang sa funeral service pa lamang ay mayroon nang cyst ang singer. Hindi naman daw mawawala ang suporta ng mga anak ng Comedy King sa mga pinagdadaanan ngayong ni Zsa Zsa. Nag-alay naman ng dasal ang aktor para sa mabilis na paggaling ni Zsa Zsa Padilla.

Ang buong pamilya ng Quizon ay nakakaramdam ng pag-aalala sa buong pamilya dahil sa nadiskubreng karamdaman ni Zsa Zsa. Ayon kay Epi, isang malaking bahagi ng pamilya ang singer-actress dahil nakasama nila ito sa mga masasayang oras at maging sa mga pagsubok sa kanilang buhay. Ipinaalala ni Epi Quizon kung paano inalagaan ni Zsa Zsa Padilla ang namayapang Hari ng Komedya. Ngayon ay gusto naman daw nila na makasama ang singer sa oras ng kaniyang pagsubok. Naniniwala rin si Epi na malalampasan ni Zsa Zsa ang pagsubok na ito dahil kilala nila kung gaano siya katatag sa oras ng mga pagsubok.

Nagkaroon din ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa sa pamamagitan ng text message. Dito ay ipinaabot ni Epi Quizon na hindi nila iiwan ang singer sa oras ng pagsubok nito sa buhay at hindi magsasawa ang kanilang pamilya na ipagdasal ang kaniyang mabilis na paggaling. Nagpasalamat naman daw si Zsa Zsa Padilla sa ipinapakitang pagmamahal sa kaniya ng pamilya ng kaniyang namayapang partner. Nakiusap din si Epi na kung ano raw ang ibinigay na dasal ng mga tao sa kaniyang ama noong may sakit pa ito ay sana raw ay ganun din ang ibigay kay Zsa Zsa.

Bilang bahagi ng pamilya ay isa umano si Zsa Zsa Padilla sa mga naging haligi ng malaking pamilya nina Epi Quizon at isa rin sa nagbigay ng dahilan para magsamasama ang buong mag-anak. Umaasa si Epi na pananatilihin ni Zsa Zsa ang kaniyang pananalig na siya ay gagaling nang tuluyan. Nananalig si Epi Quizon na tuluyan nang matatanggal at gagaling na ang Divine Diva sa kaniyang karamdaman. Sa balita patungkol sa kidney cancer ni Zsa Zsa Padilla ay nabanggit nito na ooperahan siya ng kaniyang doktor sa Los Angeles para tuluyan nang tanggalin ang bukol niya sa kidney.

Full Story @ Tsismoso

Popular Posts