Monday, 5 November 2012

“RATED KORINA” NG DZMM, NAMIMIGAY NG HALOS P100,000 NA PAMASKO

Tutukan ang programang "Rated Korina" sa DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, at dzmm.com.ph araw-araw para sa pagkakataong manalo ng maagang pamasko na P3,000 cash o magwagi ng P15,000 cash bago mag-Bagong Taon. 

Mamimigay ang anchor na si Korina Sanchez ng P3,000 araw-araw hanggang Disyembre 28 para sa masuwerteng manonood o tagapakinig sa pa-contest niyang "Libreng Pera sa Paskong Masaya."

Para sumali, pakinggan ang buong programa na nagsisimula ng 10 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes, at sagutin ang "rated question" na kukunin mula sa mga tinalakay sa programa. Hintayin ang cue ni Korina at i- text ang DZMM (space) REACT (space) ang inyong kumpletong pangalan, tirahan, edad, telepono o cellphone number at ang inyong SAGOT at i-send ito sa 2366.

Bago naman salubungin ang taong 2013 ay tutukan ang "Rated Korina" sa Disyembre 31 para sa grand draw ng lahat ng entries kung saan kukuha ng tatlong mapapalad na tagapakinig na magkakamit ng P5,000; P10,000; at P15,000.

Kung cash ang ipinapaulan ni Korina ay Digibox naman ang handog ni Ted Failon sa "Failon Ngayon sa DZMM" sa seeding program na "mahiwagang back pack at mahiwagang black box or Digibox" na lumilibot sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.

Saan man dumayo ang DZMM, patok na patok ang promo para sa mga motorista, taxi driver, at tagapakinig na ganadong pumipila para sa pagkakataong hulaan ang tampok na sound bite upang maiuwi ang premyong Digibox. Parte ito ng test broadcast at pagpapalaganap ng ABS-CBN ng Digital Television (DTV), isang makabagong standard at paraan sa panonood at pagsagap ng channel sa telebisyon. DZMM TeleRadyo ang isa sa mga libreng channel na makukuha kapag pormal nang inilunsad ang DTV.

Subaybayan ang "Failon Ngayon sa DZMM" tuwing 8 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes para sa malalimang talakayan ng pinakamaiinit na isyung maiintidihan ng ordinaryong mamamayan at ang "Rated Korina" tuwing 10 a.m. para sa mahahalaga at praktikal na impormasyong magagamit sa pang-araw araw na buhay at pagsusuri sa mga balitang nakakaapekto sa publiko. Tutukan sila sa DZMM Radyo Patrol 630, sa DZMM TeleRadyo (SkyCable channel 26), at online sa dzmm.com.ph. Para sa updates, i-follow ang @DZMMTeleRadyo sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/dzmmteleradyo.

By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon

Popular Posts