Tuesday 31 July 2012

Matteo Guidicelli, itinanggi ang pakikipaghiwalay kay Maja Salvador

Full Story @ Tsismoso

Eric Quizon, sinusubukang mag-move on sa pagpanaw ni Dolphy

Sinusubukan na umano ng pamilya ni Eric Quizon na mag-move on matapos ilibing ang kaniyang namayapang ama na si Dolphy. Pumuntang Amerika si Eric para dalawin ang kaniyang ina na si Baby Smith na naging kasintahan noon ni Dolphy. Ang ina ni Eric Quizon ay kilala noon bilang si Pamela Ponti noong ito ay nasa showbiz pa. Namimiss na raw ng actor-director ang kaniyang ina dahil sa telepono lamang sila nakakapag-usap simula nang ma-confine si Dolphy hanggang bawian na ito ng buhay noong July 10.  Bago ang paglipad ni Eric sa Amerika ay nanggaling na ito sa isang cruise trip at kababalik lamang noong kaarawan ni Dolphy.

Noong isang taon pa umano binayaran ng binata ang naturang trip na dapat sana ay 13 araw na magsisimula noong July 11 ngunit isang araw bago nito ay pumanaw na si Dolphy kung kaya kinailangang ikansela ito ni Eric Quizon. Hindi raw kasi ito pwedeng i-refund o i-transfer kung kaya ayaw naman nitong masayang ang kaniyang ibinayad kung kaya itinuloy niya na ito. Kalahati ng cruise na lang ang nagamit ni Eric dahil matapos ang libing ni Dolphy ay dito na ito dumeretso.

Nagbalik na rin ng trabaho ang binata sa kaniyang eco-serye sa TV5 na Enchanted Garden. Walong linggong tumigil sa trabaho si Eric Quizon para punan ang kaniyang reponsibilidad bilang isang anak kay Dolphy noong ito ay nabubuhay pa at na-confine sa ospital. Nagsilbing spokesperson ng pamilya Quizon ang direktor na walang sawang nagbibigay ng updates patungkol sa kalagayan noon ng ama. Wala namand aw magagawa si Eric kundi bumalik ng trabaho dahil isa umano itong commitment na dapat tuparin.

Gusto rin naman daw magtrabaho ni Eric Quizon para malibang na rin daw at huwag na masyadong isipin ang pagkawala ni Dolphy. Dumadating pa rin naman daw ang mga panahon na namimiss pa rin ni Eric ang amang si Dolphy ngunit ang kailangan umano nilang gawin bilang isang pamilya ay mag move on na sa pangyayari dahil alam nilang nasa mabuting lugar na ang namayapang ama. Pinag-iisipan din ng pamilya ni Eric Quizon na buksan sa publiko ang libingan ng ama pero kinakailangan pa umano nila makipag-usap sa Heritage Park.

Full Story @ Tsismoso

Vilma Santos, suportado ang pagtakbo sa pulitika ni Luis Manzano

Sa kabila ng tagumpay ng pelikula ni Vilma Santos ay iginiit nito na kuntento na siya sa kalagayan ng kaniyang career at pamilya. Napapabalita naman na walang problema sa Governor ang napapabalitang pagtakbo umano ni Luis Manzano sa pulitika sa susunod na taon. Ilang taon na ring bahagi ng pulitika ng Batangas si Ate Vi at kahit papaano ay alam niya na rin umano ang pasikot-sikot dito pero nilinaw na hindi niya naman pinangungunahan ang desisyon ng anak na si Lucky. Aniya, hindi niya naman hinihikayat si Luis Manzano na tumakbo nga sa pagiging Mayor. Naniniwala is Vilma Santos na kapag handa na ang kaniyang anak ay alam nito na gagawa na rinito ng desisyon. Hindi naman daw tatanggihan ni Vilma kung sakaling mapag-isipan ni Lucky na magsilbi sa kaniyang mga kababayan sa Batangas.

Napabalita na noon ang pagtakbo umano ni Luis Manzano ngayong darating na eleksyon ngunit sa isang panayam sa binata ay sinabi nito na hindi pa siya nagdedesisyon patungkol dito. Paglilinaw ni Vilma Santos hindi naman daw nakasalalay sa kanila ang desisyon ng anak kahit pa matagal na sila sa pulitika. Ipinagmamalaki naman ng The Healing star ang mga naabot ng kaniyang panganay na anak. Kitang-kita niya raw kung paano pinaghirapan ni Lucky ang kaniyang mga narating ngayon. Masaya si Ate Vi dahil independent na ang kaniyang anak at hindi ginamit ang pangalan ng kaniyang mga magulang para makamit ang kaniyang kasalukuyang status.

Alam naman daw ng marami kung saan nagsimula si Luis Manzano sa pagpasok sa showbiz kung kaya marami raw itong natutunan sa buhay. Ipinapagdasal ni Governor Vilma Santos na bantayan umano ang binatang anak lalo na alam niyang marami na rin itong pagsubok na nararanasan. Maging ang buhay pag-ibig ni Lucky ay suportado rin ng batikang aktres. Kasalukuyang nobya ngayon ni Luis Manzano ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado na napapabalitang handa nang lumagay sa tahimik. Mas mahalaga pa rin daw ngayon kay Ate Vi ay maging masaya si Lucky. Noon pa ay naging prayoridad na ni Vilma Santos ang kapakanan at kasiyahan ni Luis Manzano kung kaya masaya siya dahil nakikita niyang maligaya ang anak.

Full Story @ Tsismoso

Gerald Anderson, tikom ang bibig sa panliligaw kay Sarah Geronimo

Ayaw nang magsalita ni Gerald Anderson patungkol sa napapabalitang paghinto nito sa panliligaw kay Sarah Geronimo. Naging malaking dahilan din daw ang pagtutol ng ina ni Sarah sa tila umuusbong na espesyal na turingan nila ni Gerald. Sa naganap na Star Magic Games ay inamin ni Gerald Anderson na ayaw  niya munang pag-usapan at isipin pa ang nangyari sa pagitan nila ni Sarah Geronimo. Matatandaang sa naganap na birthday celebration ng Pop Star Princess ay nabanggit ng kaniyang Mommy Divine na sa tingin niya ay hindi pa nakikilala ng anak nito ang lalakeng para sa kaniya.

Parehong abala ngayon si Sarah at Gerald kung kaya nagdesisyon ang binata na magbakasyon muna. Lilipad papuntang Egypt si Gerald Anderson kasama ang kaniyang kapatid para bisitahin ang kanilang ama na nakabase rito. Perfect timing din daw ito dahil napagbigyan siya sa kaniyang hiling na bakasyoin. Sasamantalahin din daw ni Gerald Anderson ang bakanteng oras na ito para makapag-isip sa mga nangyari sa kanila ni Sarah Geronimo.

Sa mga huling panayam noon kay Gerald ay nabanggit nito na lumalalim na ang kanilang samahan ni Sarah bilang magkaibigan. Kinumpirma rin niya ang pag-akyat niya ng ligaw sa mismong tahanan ng dalaga at nagpasalamat pa sa mga magulang ni Sarah Geronimo sa ibinigay na pagkakataon. Sa ngayon ay tanggap naman daw ni Gerald Anderson ang mga nangyayari sa kaniyang pagsubok dahil parte naman ito ng buhay ng isang tao.

Tulad ni Sarah ay mahalaga rin daw kay Gerald ang kaniyang pamilya kaya oras na raw para bigyan niya ng oras ang mga ito. Binansagan si Sarah Geronimo bilang isa sa mga masunuring anak sa kaniyang mga magulang. Si Gerald Anderson naman ay hinahangaan ng kaniyang pamilya dahil hindi ito madamot sa biyayang ipinagkakaloob sa kaniya. Marami ang nag-akala na mauuwi na sa isang relasyon ang pagiging malapit sa isa’t-isa ng dalawa ngunit tila naudlot nga ito.

Nagdulot naman ng kaguluhan sa mundo ng Twitter nang madulas si Sarah na muntik na umano niyang sagutin si Gerald. Ayon sa mga tagahanga ng dalaga, oras na raw para ito na ang magdesisyon sa kaniyang buhay bilang 24-taong-gulang at kumakayod na ng sariling pera. Dinepensahan naman noon ni Gerald Anderson ang ina ni Sarah Geronimo at iginiit na normal lamang daw na maging protective ang mga ito dahil tinuturing daw nilang baby ang dalagang anak. Sa ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano na ang kahihinatnan ng pagtigil ni Gerald sa panliligaw nito kay Sarah.

Full Story @ Tsismoso

Kim Chiu, napapalapit na kay Xian Lim

Aminado ang dalagang si Kim Chiu na masaya siya dahil sa pagiging consistent ni Xian Lim pagdating sa panunuyo nito sa kaniya. Bukod kay Kim ay sinusuyo rin umano ni Xian ang pamilya ng aktres. Unang nagsama ang dalawa sa seryeng My Binondo Girl at simula nito ay tuloy-tuloy na ang panliligaw ng aktor. Wala naman daw angal si Kim Chiu sa ginagawang pagsuyo ni Xian Lim sa mga miyembro ng kaniyang pamilya dahil natutuwa raw siya sa ginagawa ng binata. Masasabi ni Kim na ang aktor na si Xian na ang pinakamalapit na lalake sa kaniya ngayon.

Wala namang ibinigay na panahon si Kim Chiu kung kelan niya sasagutin si Xian Lim dahil masaya naman daw sila sa kasalukuyan nilang estado. Oras lamang daw ang makakapagsabi nito dahil ayaw naman daw madaliin ng dalaga ang mga pwedeng mangyari sa kanilang relasyon. Noong nakaraang July 11 ay ipinagdiwang ni Xian ang kaniyang kaarawan kung saan gumawa si Kim ng sariling version ng sikat na YouTube ng kantang Call Me Maybe. Kasama ng dalaga dito ang kaniyang mga kaibigan na ikinatuwa naman ng binata.

Nagbigay rin daw ng birthday dinner si Kim Chiu kay Xian Lim dahil hindi raw ito masyadong nagse-celebrate ng kaniyang kaarawan. Sa YouTube account din ng binata inilagay ng dalagang aktres ang kanilang video na nagsilbing regalo sa binatang aktor. Hindi naman inakala ni Kim na magkakaroon ng maraming views ang ginawa nito para kay Xian dahil naging katuwaan lamang daw nila ito ng kaniyang mga malalapit na kaibigan.

Habang patuloy ang panliligaw ni Xian Lim kay Kim Chiu ay hindi naman sila nawawalan ng projects na magkasama. Kasalukuyang nagtatrabaho ang dalagang aktres at ang binata sa kanilang serye na Ina, Anak, Kapatid. Kinumpirma mismo ni Kim na tuloy na tuloy na ang pelikulang pagtatambalan nila ni Xian sa ilalim ng Star Cinema. Hindi pa rin daw nila alam kung kailan ilalabas ang naturang proyekto pero ang sigurado lamang sila ay hindi ito lalabas ngayong taon.

Binabalewala na rin daw nina Xian Lim at Kim Chiu ang mga lumalabas na isyung para lamang sa kanilang programa ang kanilang pagiging sweet sa isa’t-isa. Wala naman daw silang dahilan para gawin ito dahil totoo naman daw talaga na naging malapit na sila sa isa’t-isa. Masaya naman daw si Kim kapag kasama niya si Xian kung kaya nagiging mas maganda ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan. Bukod kay Kim Chiu at Xian Lim ay excited na excited na rin daw ang kanilang mga fans sa pangalawang pagkakataon na pagtatambal nila.

Full Story @ Tsismoso

2012 Most Popular Pinay Actress on the Web (Update) – Last 5 Days to Vote

5 days left before we announce this year’s Most Popular Pinay Actress on the Web, Primetime Queen Marian Rivera still unbeatable!
 
Currently on 2nd place is Walang Hanggan star Julia Montes. So far she’s the no.1 highest vote-getter among Kapamilya stars in the Final 15. Followed by Primetime Princess Kim Chiu. Completing the Top 5 are Erich Gonzales and Angel Locsin.

2012 Most Popular Pinay Actress on the Web
As of July 10 (Tuesday), 11:30 a.m. (votes on Facebook)

Marian Rivera - 7019
Julia Montes - 3300
Kim Chiu - 1833
Erich Gonzales - 1519
Angel Locsin - 1355
Kathryn Bernardo - 1273
Anne Curtis - 1149
Sarah Geronimo - 1146
Jennylyn Mercado - 937
Maja Salvador - 908
Toni Gonzaga - 886
Julie Ann San Jose - 798
Melai Cantiveros - 574
KC Concepcion - 523
Bea Alonzo – 387

Note: The web votes will be added on Thursday, July 12. Check out the Final Web Votes HERE

HOW TO CAST YOUR VOTE?

1. Go to our Official Pinoybizsurfer Facebook Page and click the “LIKE” button. If you already “LIKE” our Page, proceed to the next step.

2. After you LIKE our page, you can now proceed to the “Photos” section and click the album “2012 Most Popular Pinay Actress on the Web – The Final 15”.

3. To vote, just choose the image of your liked female celebrities and click on the word “LIKE” located below of the image. And presto! Your vote/s IN!

Reminder: To make sure your votes will be counted on July 15 (end of voting), you must be a fan of our Facebook Page. This is very important matter in case Facebook change the system of their security.
photo credit: Karimadon (Marian), Star Cinema (Erich), MEG (Julia & Kim) By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer

Rhian Ramos, maingat na sa pagpasok sa isang relasyon

Hindi naman itinatanggi ni Rhian Ramos na inspirasyon niya ngayon si KC Montero pero iginiit pa rin na maingat na siya pagdating sa kaniyang personal na buhay partikular na sa kaniyang lovelife. Masaya raw ngayon sina Rhian at KC kahit madalas pa silang asarin ng kanilang mga kaibigan. Mahilig umano silang kunan ng litrato ng binata dahil ayon sa kanilang mga malalapit na kaibigan ay magkamukha sila ng DJ. Marami rin daw na naririnig si Rhian Ramos patungkol sa mga taong natutuwa sa kanilang relasyon ni KC Montero dahil perfect showbiz couple umano ang mga ito. Nagpasalamat naman si Rhian sa mga ito dahil maganda ang reaksyon ng ibang tao sa kanilang dalawa ni KC.

Hindi kaila sa marami ang masalimuot na karanasan ni Rhian Ramos noon sa kaniyang dating relasyon. Kahit pa nagiging maganda ang relasyon ng dalaga kay KC Montero ay alam pa rin naman daw ng dalaga ang kaniyang mga prayoridad sa kaniyang buhay lalo na sa kaniyang trabaho. Dahan-dahan na rin daw ibinabalik ni Rhian ang mga bagay na hindi niya nabigyan ng halaga noon. Kung mayrooong magandang reaksyon patungkol sa relasyon nila ni KC ay hindi rin nawala ang mga negatibong komento patungkol dito. Hindi naman daw ito nakakarating sa dalagang aktres dahil puro paghanga naman daw ang kaniyang naririnig.

Nabanggit noon ni KC Montero na may balak si Rhian Ramos na makipag-joint venture sa kaniyang bagong garment business kung saan makikisosyo ang napapabalitang nobya. Sa ngayon ay abala pa raw ang binata sa paghawak ng iba’t-ibang kumpanya at gusto naman daw ingatan ni Rhian ang kaniyang pinaghirapang pera. Mas passionate raw kasi si Rhian Ramos sa mga damit kung kaya mas gusto umano niyang mag-invest sa isang brand ng mas casual at pambatang mga damit. Nakapag-usap na raw sila ni KC Montero patungkol dito dahil mahaba raw umano ang proseso na makakuha ng tamang brand. Ayaw naman daw ilagay ng aktres ng basta-basta ang kinita sa isang bagay na hindi niya naman daw forte.

 

Full Story @ Tsismoso

Jericho Rosales, Kim Jones break na?

Wala pang isang taon nang aminin noon ni Jericho Rosales na mayroon silang relasyon ng Brit-Pinoy na si Kim Jones. Kamakailan lang ay napabalita naman na hiwalay na sila nito. Agad namang pinasinungalingan ni Jericho ang balitang ito at iginiit na maganda pa rin ang relasyon nila ng dalagang si Kim. Noong Pebrero ay matatandaang unti-unting nagbibigay ng clue si Jericho Rosales patungkol sa pagkatao ni Kim Jones. Host ang dalaga ng ETC fashion lifestyle show na Etcetera na lumaki umano sa Australia. Unang nakita ng publiko na magkasama si Echo at Kim noong March 14 sa Music Museum kung saan dumalo ang dalawa sa MYX Music Awards.

Buwan ng Oktubre noong nakraang taon pumasok si Jericho Rosales at Kim Jones sa isang relasyon. Ayon sa binatang aktor, ang kaniyang nobya umano ang pinakamagandang babae sa kaniyang mga  mata. Masaya ang surfer na si Echo dahil sporty rin ang dalagang si Kim katulad niya kung kaya nagkakasundo sila. Mapagkumbaba rin umano ang dalaga at gustong-gusto na nakikipag-usap sa mga tao. Kitang-kita raw kay Kim Jones na gusto nitong matuto ng mga hilig ni Jericho Rosales kaya lalo pang humahanga ang aktor sa kaniyang nobya.

Ngayon lang daw naramdaman ng binatang aktor ang kakaibang pagmamahal na ipinaparamdam sa kaniya ng nobya. Isang inspirasyon para kay Jericho ang ipinapakita ni Kim dahil mas gusto niya umanong maging mabuting nobya para sa kaniya. Bukod umano sa pagkakaroon ng mabuting puso ay matalino rin umano si Kim Jones kung kaya pakiramdam ni Jericho Rosales ay isang magandang relasyon ngayon ang kaniyang kinalalagyan. Maging ang pagkakaroon ng 20/20 vision ng dalagang host ay ipinagmalaki rin ni Echo.

Maliliit lamang daw na bagay ang madalas nilang pag-awayan ni Kim at ito ay ang pagiging late. Ayon kay Jericho, hindi naman daw niya sinasadya ang mga pangyayaring ito at iginiit na nagbago na siya. Isa sa mga natutunan niya ay ang huwag paghintayin ang mga babae. Ikinuwento naman ni Jericho Rosales ang isa sa pinaka-sweet na bagay na ginawa sa kaniya ni Kim Jones. Binigyan daw siya ng dalaga ng isang regalo na ang girlfriend na si Kim pa raw ang gumawa at ito ay ang litrato nilang dalawa ni Echo. Lubos daw na natuwa si Jericho Rosales sa regalong ito dahil alam niyang pinaghirapan ito ni Kim Jones dahil pati ang frame ng litrato ay ginawa rin ng dalaga.

Full Story @ Tsismoso

Popular Posts