Katulad ng mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang teleserye, hindi rin inaasahan ni Enrique Gil na magiging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career sa loob lamang ng halos apat na taon. Bukod sa Princess And I, abala rin si Enrique sa shooting ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na The Strangers. Madalas rin siyang nakikita sa ilang TV commercials at print ads—mga bagay na hindi inakala ni Enrique noon na mangyayari sa kanya.Pag-alala ng 20-year-old Star Magic talent, “Kasi kapag sinasabi sa akin, ‘O, may show ka.’ ‘O, sige, gagawin ko yung show.’ Ganun lang ako, e. Parang hindi ko iniisip na kailangan kong galingan ito para makilala, wala naman, e. Kung ano ang iniisip mo sa eksena, yun ang ibibigay mo.”
Umaasa si Enrique na matagal pa siyang mananatili sa showbiz. Pero aminado siya na hindi naman permanente ang kasikatan. Kaya kung sakali, sabi niya, “Kapag nakapag-ipon na, medyo relax muna ako at saka family business muna para may time ako sa family.”
Source: www.pep.ph By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy
