Kahit na tuluyan nang nagdesisyon sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na maghiwalay ay nagkaisa naman ang dalawa pagdating sa pagtulong nilang dalawa sa mga nasalanta ng habagat kamakailan lang. Lumubog ang malaking parte ng kamaynilaan at iba pang probinsya dulot ng magdamag na pag-ulan kung kaya hindi na nag alinlangan pa sina Sarah at Gerald na magbigay ng tulong sa mga nasalanta. Bago ito ay parehong lumipad ng ibang bansa ang dalawa para magbakasyon at makapagpahinga. Lumipad patungong Egypt si Gerald Anderson samantalang pumunta namang Hong Kong si Sarah Geronimo kasama ang pamilya.
Nakiisa si Gerald Anderson sa pagbibigay tulong sa tulong ng Philippine Red Cross sa mga nasalanta sa lungsod ng Pasig at San Juan. Matatandaang noong taong 2009 ay nagpakita ng tapang ang binata sa pagsulong nito sa baha para lamang iligtas ang kaniyang mga kapitbahay. Samantalang si Sarah naman ay personal na pumunta sa Fairview kasama ang Sagip Kapamilya para mamahagi ng relief goods sa mga biktima ng habagat. Ayon kay Sarah Geronimo, nasubukan umano ang pagkakaisa ng mga Pilipino pagdating sa mga trahedya. Marami na rin daw kalamidad na pinagdaanan ang bansa pero hindi pa rin bumitaw ang mga Pilipino at patuloy pa ring nagtutulungan sa ano mang pagsubok na dumating.
Ayon kay Sarah, isantabi na raw ang mga sama ng loob at magbigay daan para magmahalan at magkaisa para malampasan ang mga problema. Sa ibang balita ay marami na naman ang napahanga kay Gerald Anderson nang tulungan nito kasama ng kaniyang mga kaibigan ang handler ng binata na nasalanta ng baha. Nang tanungin naman si Sarah Geronimo patungkol sa kaniyang personal na kalagayan ng kaniyang puso ay napangit naman ang dalaga at sinabing kinakaya niya naman daw ito. Matatandaang inamin ni Sarah sa kaniyang programa na huminto na si Gerald sa panliligaw sa kaniya at nilinaw na hindi ang ina ang naging dahilan nito.
Nananatiling positibo si Sarah Geronimo na makakaya niya ang kaniyang pinagdadaanan lalo na sa kanilang naudlot na pagmamahalan ni Gerald Anderson. Ayon kay Sarah, nakakaya naman niya ang pagsubok sa baha at mas makakaya niya naman ang personal na pinagdadaanan niya partikular na ang patungkol kay Gerald. Hindi naman naubusan ng papuri si Sarah Geronimo sa katangian na ipinakita ng mga kapwa Pilipino pagdating sa trahedya dahil hindi umano nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi.
Marami ang ang-akala na hindi magpapansinan si Kris Aquino at Valenzuela councilor Shalani Soledad nang magpang-abot ang dalawa sa relief operations na ginanap sa lungsod na isa sa mga nasalanta ng baha dulot ng habagat sa bansa. Matatandaang ang konsehala ang dating nobya ni Pres. Noynoy Aquino na nakakatandang kapatid ng Queen of All Media. Kamakailan lang ay bumisita rin ang kuya ni Kris sa lungosd kung saan nag-krus din ang kanilang landas ng dating nobya na si Shalani. Sa isang panayam kay Shalani Soledad ay nabanggit nito na nagagalak siya sa pagbisita ni Kris Aquino sa kanilang lugar. Kasama ni Kris ang dalawang artista na sina Angel Locsin at Iza Calzado na tumulong sa pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng baha.
Nang tanungin naman si Kris patungkol sa pag-endorso niya kay Shalani sa darating na eleksyon ay sinabi nito na gusto niyang palitan ang kabaitang ipinakita sa kanila ng konsehala. Sigurado naman daw si Kris Aquino na hindi na kailangan ni Shalani Soledad ng kaniyang endorso mula sa kaniya dahil kitang-kita naman umano na mahal na mahal siay ng kaniang mga kababayan bilang isang public servant. Natawa naman ang host nang tanungin kung papayag daw ba siyang maging ninang ng magiging anak ni Shalani sa hinahrap. Aminado si Kris Aquino na awkward ang sitwasyong ito ngunit ang hiling niya lamang ay ang magandang hinaharap ni Shalani Soledad at ng kaniyang asawa. Payag naman ang konsehala na kuning ninang ang kapatid ng dating nobyo kung papayag ito.
Aminado ang binatang si Gab Valenciano at host na si Coleen Garcia na exclusively dating ang kasalukuyang estado ng kanilang relasyon. Ayaw namang aminin pareho nina Gab at Coleen kung sila na nga o hindi. Iginiit ni Gab Valenciano na kung ano ang mayroon ngayon sa relasyon nila ni Coleen Garcia ay masayang-masaya silang dalawa. Madalas din umanong lumabas na magkasama ang dalawa at itinangging may itinatago sila sa publiko. Ayaw naman daw lagyan ni Gab ng label ang kanilang estado dahil mas mahalaga na pareho silang masaya ni Coleen. Lumalabas naman daw magkasamang lumabas si Gab Valenciano at Coleen Garcia kung kaya alam nila na nakikita sila ng mga tao.
Hindi naman daw mahalaga kay Coleen ang reputasyon ni Gab bilang isang babaero dahil aniya mas kilala niya raw ang binata kung kaya alam niya kung ano ang totoo. Noon daw ay nag-iingat talaga si Coleen Garcia sa pagpasok sa isang relasyon pero dhail mas kilala na raw ngayon ng dalaga si Gab Valenciano ay hindi naman daw siya nakakaramdam ng takot sa kanilang samahan. Matagal nang magkakilala si Coleen at Gab kung kaya wala na raw pagdududa ang dalagang host sa pagkatao ng napapabalitang nobyo. Dalawang taon na ang nakakaraan nang unagn magkakilala si Coleen Garcia at Gab Valenciano at simula nang maging malapit sila sa isa’t-isa ay nakilala niya na ang totoong pagkatao ng binata.
Naging bukas na ang magkasintahang Andrei Felix at Venus Raj sa kanilang relasyon sa publiko ngunit hindi naman sila tinantanan ng intriga simula nang aminin nila ang kanilang pagmamahalan. Isa sa mga ipinupukol ngayon sa TV hosts na sina Andrei at Venus ay ang PDA o public display of affection daw nilang ipinapakita kapag sila ay magkasama. Marami raw kasi ang hindi kumportable kapag nakikita nilang sobrang naglalambingan ang mgakasintahan sa harap nila. Hindi naman itinanggi ni Andrei Felix na naririnig niya na rin ang mga usaping ito pero naninindigan siya na wala naman daw silang ginagawang hindi normal ng nobyang si Venus Raj kapag magkasama.
Nakita na rin daw ni Andrei Felix sa katauhan ni Venus Raj ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama sa panghabang buhay. Hindi na rin naman daw bumabata si Andrei at hindi siya pumasok sa isang relasyon para lamang makipaglokohan. Nakilala na rin daw ang dalaga ng mga magulang ng binatang host at maging ang mga kaibigan nito ay nakilala na rin daw ng kaniyang nobya. Aminado si Andrei Felix na iniisip niya na rin ang kanilang hinaharap ni Venus Raj kung kaya nagsisimula na rin daw siyang mag-ipon at magplano para sa kanilang kinabukasan.
Hindi itinanggi ni Julia Montes na boyfriend material ang kaniyang kasalukuyang manliligaw na si Enchong Dee. Magkasama ngayon ang dalawa sa kanilang bagong pelikula na pinamagatang The Reunion. Ito ang unang pagkakataon na magsasama si Julia at Enchong sa isang pelikula. Bukas naman ang binatang si Enchong Dee sa usaping panliligaw nito kay Julia Montes pero nilinaw naman niya na hihintayin niya pang maging 18 taong gulang ang dalaga bago pa seryosohin ang kaniyang panliligaw. Pitong buwan na lamang ay ipagdiriwang nani Julia ang kaniyang debut at sinasabing papayagan lamang daw ang dalaga na makipagrelasyon kapag ito ay nasa legal na edad na.
Hindi naman nakasagot si Enchong Dee nang tanungin siya kung mahal na ba niya ang dalagang aktres na si Julia Montes. Katwiran ni Enchong, ang kanilang relasyon ngayon ni Julia ay patuloy na umuusbong at lumalalim pa kung kaya wala pa raw sila sa estado ng pagiging magkasintahan. Sapat na rin daw para kay Enchong Dee at Julia Montes ang kanilang kasalukuyang turingan bilang espesyal na magkakaibigan dahil hindi naman daw sila nagmamadali sa aspetong ito. Kasalukuyang abala ang dalawa sa kani-kanilang mga career dahil pareho silang aktibo sa telebisyon at pelikula.