Thursday 9 August 2012

Cherie Gil, natuloy na sa kaniyang operasyon sa ibang bansa

Full Story @ Tsismoso

Dom Roque, ginamit ang impluwensya ni Beth Tamayo sa showbiz?

Pinasinungalingan ng baguhang aktor na si Dom Roque ang mga balitang ginamit niya bilang pasaporte ang pagiging pamangkin ni Beth Tamayo para makapasok agad sa showbiz. Unti-unti nang nakikilala ang pangalan ni Dom dahil regular siyang napapanood sa panghapong serye na Aryana sa ABS-CBN. Dinepensahan ni Dom Roque ang kaniyang sarili sa mga taong nagsasabing ginagamit niya ang kaniyang Tita Beth Tamayo para sa kaniyang trabaho. Hindi raw naisip ng binata na gamitin ang pangalan ng kaniyang Tita para lamang sa showbiz dahil alam niyang hindi ito maganda. Hinding-hindi raw magagawa ni Dom na gamitin ang kamag-anak para lamang magkaroon ng pangalan sa industriya.

Kahit daw gamitin ang pangalan ni Judy Ann Santos ay hindi rin magagawa ni Dom Roque na kilala bilang matalik na kaibigan ng kaniyang Tita Beth Tamayo. Kahit pa nasa ibang bansa ang dating aktres ay patuloy pa rin naman daw itong nakakausap ng kaniyang pamangkin. Ayon kay Dom, madalas silang mag-usa sa BBM ng kaniyang Tita Beth na nagtatrabaho rin sa ibang bansa. Kinumpirma rin ng binata na maaaring early next year ay bumalik sa bansa si Beth Tamayo. Kasalukuyang nasa San Francisco, U.S. ang tita ni Dom Roque na hindi nakakalimot na magbigay ng advice sa kaniyang pamangkin.

Isa raw sa mga ibinibigay sa kaniyang paalala ni Beth ay ang mag-focus sa kaniyang trabaho at huwag masyadong lumabas at gumimik. Gusto rin daw ni Beth Tamayo na matutunan ni Dom Roque ang makisama sa kaniyang mga katrabaho at maging ang pagmamahal sa propesyon ay sinabihan din siya. Nilinaw din ng binatang aktor na naipit lamang ang kaniyang Tita nang magkaroon ng isyu ang asawa nitong foreigner sa bansa. Lumabas ang balitang kaya lumipad papuntang ibang bansa si Beth dahil sa kasong kinakaharap nito.

Bukas din daw si Dom Roque na makipagtrabaho kay Beth Tamayo kung sakaling magdesisyon itong bumalik ng bansa para mag-artistang muli. Tiyak daw na magiging masaya kung magkakasama sila sa isang serye o pelikula. Hindi naman daw inisip noon ni Dom na papasok din siya sa showbiz katulad ng kaniyang Tita Beth. Sa maikling panahon ay nakabuo na ng liga ng mga tagahanga si Dom Roque at sinasabing isa na siya sa mga isusunod na maging leading men sa Kapamilya network. Masaya naman daw ang binata dito at sigurado rin daw na matutuwa si Beth Tamayo sinusunod niya naman ang mga pangaral nito sa kaniya.

Full Story @ Tsismoso

Cheri Gil, natuloy na sa kaniyang operasyon sa ibang bansa

Kababalik lamang galing Amerika ni Cherie Gil kung saan sumailalim siya sa isang throat operation na kaniyang pinaghandaan. Nabanggit noon ni Cherie na matagal niya nang balak magpaopera ngunit naghihintay lamang daw siya noon ng oras para mabakante sa kaniyang mga trabaho. Naging maselan daw ang throat operation ni Cherie Gil kung kaya napagdesisyunan niyang gawin na lang ito sa ibang bansa. Ngayon lamang itinuloy ng batikang aktres ang kaniyang operasyon kahit pa matagal niya na itong iniinda. Kinakailangan na rin daw kasing maibalik ang dati niyang boses lalo pa at naghahanda na rin siya sa isang musical theater.

Masyado na raw mababa ang boses ni Cherie Gil kung kaya ang registration nito ay mahina na rin. Bago pa ang throat operation ay madaling mapagod ang aktres lalo na kapag matagal siyang nagsasalita. Kung hindi raw natuloy ang operasyon ay hindi makakapag-perform sa musical si Cherie. Madalas ding sumisigaw ang aktres sa kaniyang mga ginagawang teleserye na maaaring nagpalala sa kaniyang sitwasyon. Makati at masakit ang nararamdaman ni Cherie Gil sa kaniyang lalamunan kung kaya dito niya na naisip na kinakailangan niya na talaga ang throat operation.

Iba na rin daw ang ginagawang atake ni Cherie sa kaniyang mga roles para maiwasan na ang kaniyang pagsigaw. Namamalat din ang boses ngayon ni Cherie Gil dahil nasa recovery period pa siya ng kaniyang throat operation. Kinailangan daw maging tahimik ng aktres ng dalawang linggo matapos ang operasyon ngunit hindi naman daw ata niya ito nagawa dahil kasama niya ang kaniyang mga anak. Nalulungkot din daw umano siya dahil hindi niya makausap ang mga bata. Dalawang buwang namalagi si Cherie Gil sa tahanan ng kaniyang anak dahil dito na siya nagpahinga matapos ang ginawa sa kaniya sa opsital.

Umaasa rin siya na mapapabuti na ang kaniyang pakiramdam ngayong handa na siyang magtrabaho muli. Ang musical stage-play na Nine ang isa sa mga pinaghahandaan ngayon ni Cherie. Hindi naman daw pwede na hindi kumanta si Cherie Gil kung kaya sinigurado niya na maayos na ang kaniyang boses matapos ang throat operation. Matagal nang pinangarap ni Cherie na kumantang muli kung kaya madalas ang kaniyang pagdasal na umayos na ang kaniyang boses. Natatawa na lamang si Cherie Gil nang sabihin nitong parang boses lalake na siya dahil kapag umoorder siya ng pizza ay sinasabihan siya ng Sir ng operator.

 

Full Story @ Tsismoso

Kean Cipriano masaya sa kaniyang bagong pelikula

Bukod sa pagiging lead singer ng kaniyang banda ay pinasok na rin ni Kean Cipriano ang pag-arte. Ang pagbida sa The Reunion ay hindi lang ang unang pelikula na ginawa ni Kean. Matatandaang nakasama na rin siya sa Cinemalaya movie na Ang Babae sa Septic Tank at maging sa box-office hit na Praybeyt Benjamin. Ang The Reunion ay pelikula sa ilalim ng Star Cinema production na hango sa mga kanta ng Eraserheads na bagay na bagay naman sa binatang si Kean Cipriano bilang bokalista siya ng sarili niyang banda na Callalily.

Iba na rin daw ang karakter na ginagampanan ng binata sa The Reunion kumpara sa mga nagawa niya noon na mga proyekto. Ang pelikula ay binubuo ng magbabarkada kung saan kasama ni Kean ang tatlo pang mga artista. Ang Babae sa Septic ay isang satire na pelikula samantalang ang Praybeyt ay isang comedy. Masaya rin si Kean Cipriano at nakatrabaho niya ang mga magagaling na artista katulad nina Enchong Dee, Xian Lim at Enrique Gil. Umiikot ang istorya ng The Reunion sa paghahanap nina Kean at tatlo niya pang barkada ng kanilang tunay na kaligayahan at pag-ibig.

Excited na rin naman si Kean Cipriano sa magiging kalabasan ng pelikulang ito at nagpahayag na sa tulong din ng kaniyang mga kasama sa pelikula ay sigurado siyang magiging maganda ito. Sigurado rin daw si Kean na magiging proud siya sa The Reunion dahil talagang nag enjoy siya sa paggawa nito. Bagamat iba-iba ang mga karakter na ginampanan nila sa naturang pelikula ay hindi naman daw ito magagawa nang maayos kung hindi sa tulong ng tatlo sa mga bida. Para rin daw hindi nagtatrabaho sina Kean Cipriano dahil sa kanilang masayang set.

Ginawa raw talaga ni Kean ang mga kinakailangang gawin sa The Reunion tulad ng mga hinihingi ng kaniyang karakter. Gumaganap bilang isang masiyahin at kwelang binata si Kean Cipriano sa pelikula kung kaya hindi naman daw siya masyadong nahirapan sa pagganap nito. Dahil din sa pelikula ay inamin ni Kean na naging maganda ang kaniyang pakikipagtrabaho sa kaniyang leading lady na si Bangs Garcia. Hindi naman kinaila ni Kean Cipriano na sa lahat ng kaniyang mga nakasama sa The Reunion ay ang dalaga ang isa sa mga taong naging malapit sa kaniya.

 

Full Story @ Tsismoso

Anne Curtis, Erwan Heussaff magpapakasal na nga ba?

Dalawang taon na ang relasyon ni Anne Curtis sa French-Filipino boyfriend nitong si Erwan Heussaff pero itinanggi nila na nalalapit na ang kanilang pagpapakasal. Kamakailan lang ay sumali si Erwann sa triathlon kung saan ito ay natapos sa ika-12 pwesto sa kaniyang age group samantalang ika-118 naman sa overall. Proud na proud si Anne dahil sa kaniyang nobyo na sinamahan niya pa sa Cebu para rito. Gamit ang Twitter account niya ay ipinahayag ni Anne Curtis kung gaano kagaling si Erwan Heussaff sa naganap na triathlon. Hindi naman daw inaasahan ni Erwan na magiging mabilis ang transition nito mula sa paglangoy hanggang sa kaniyang pagbisikleta.

Itinanggi ni Anne Curtis na siya ang naging impluwensya  ni Erwan Heussaff sa pagiging active nito. Aniya, noong kabataan ng binata ay medyo mabigat daw talaga ang timbang nito. Si Ewann na raw mismo ang nakaisip nito dahil sa pagiging mataba nito noong siya ay bata pa kung kaya gusto nitong maging maingat sa kaniyang pangangatawan. Sa blog ni Ewrwann Heussaff na www.thefatkidinside.com ay nakasulat ang mga healthy recipe na ginagawa ng nobyo ni Anne Curtis. Ngayong isa nang ganap na triathlete si Erwan ay masayang-masaya si Anne dahil alam niyang makakaya ito ng kaniyang nobyo.

Bukod sa pagiging supportive na girlfriend ay ibinahagi rin ni Anne Curtis na mahalaga sa kanilang relasyon na mayroong sapat na oras para sa isa’t-isa. Parehong abala ang magkasintahan sa kani-kanilang mga trabaho pero nagawa naman nilang magbakasyon na magkasama. Kamakailan lang ay pumunta ng Paris si Anne at Erwan Heussaff para sa kanilang sampung araw na bakasyon. Pumunta rin sila sa French Riviera at Portugal at lahat ng mga ito ay paborito ng dalaga. Wala raw ginawa si Anne Curtis kundi kumain sa kanilang bakasyon ni Anne Curtis at naging maganda raw ang karanasan nila rito dahil pag-uwi nila ng Pilipinas ay sasabak na sila sa kanilang mga trabaho.

Sa pagkakataon ding ito ay nakilala pa ni Anne ang kaniyang nobyong si Erwan. Naging mas pamilyar na raw ngayon si Anne Curtis kay Erwan Heussaff. Masaya naman daw ang dalawa dahil mas nakasama nila ang isa’t-isa nang mas matagal. Sa pagbyahe pa lamang ay 24 hours nang magkasama si Anne at Erwan kung kaya mas masaya raw ito. Hindi naman daw sila nagmamadali lumagay sa tahimik dahil marami pa naman daw silang gustong gawin sa kanilang buhay at masaya naman sa kasalukuyang estado.

Full Story @ Tsismoso

Toni Gonzaga sinugod sa ospital

Dahil na rin sa dami ng trabaho ay naramdaman na ni Toni Gonzaga ang stress nito kung kaya isinugod na siya sa ospital. Sa isang panayam sa dalaga ay inamin niyang pinilit talaga nitong magtrabaho para sa kaniyang mga naiwang commitments kahit pa kasalukuyan siyang nakakaranas ng sakit. Dapat daw talaga ay tuloy-tuloy na nagpa-confine sa ospital si Toni sa mga panahong iyon. Nakaayos na rin daw kasi ang mga trabaho ni Toni Gonzaga kung kaya nahihiya na siya mag back out kahit pa kilangan niya nang pumunta sa ospital.

Matapos ang pumunta sa ASAP para magtrabaho ay dumeretso na rin si Toni sa The Buzz kung saan isa siya sa mga host nito. Kaya pa naman daw tiisin ni Toni Gonzaga kung kaya binalewala na muna raw nito ang pagpunta sa ospital. Matapos nito pumunta sa kaniyang showbiz-oriented programa ay didiretso na raw siya sa ospital. Ayon naman sa doktor ni Toni, nakakaranas umano siya ng gastro-intestinal problem na maaaring dulot ng stress. Nagsimula umano ito nang siya ay nasa shooting ng kaniyang pelikula. Hindi raw natunawan si Toni Gonzaga hanggang hindi na naging maganda ang kaniyang pakiramdam dahil hindi na siya makadumi.

Nang pumunta sa ospital si Toni ay nagpa x-ray na siya para tingnan kung ano ang naging dahilan ng pananakit ng kaniyang tiyan. Ayon sa mga doktor ni Toni Gonzaga, kinakailangan daw na maging maingat ito sa kaniyang mga kinakain. Normal lamang daw iyon kung kaya nagpasalamat siya dahil tama ang desisyon niyang pumunta sa ospital. Hindi naman itinanggi ng dalaga na kapag di siya kumain ay hindi raw talaga ito kakain pero kapag kumain naman siya ay malaki raw talaga ang kaniyang kinakain. Pinagbabayaran na raw ngayon ni Toni ang kaniyang pagpapabaya sa katawan.

Sa ospital na rin ginawa ang procedure na enema kay Toni Gonzaga para maalis ang mga dumi sa kaniyang tiyan na nagdulot ng pananakit nito. Pero nang ipalinis daw ito ni Toni sa ospital ay hindi pa rin masyadong natanggal ang bigat ng pakiramdam sa kaniyang tiyan. Mataposng kaniyang programa sa The Buzz ay nangako siya na magpapa-confine sa ospital para maka-recover na nang maayos. Ito ay dahil nakakaramdam pa rin ng sama ng pakiramdam ang dalaga kung kaya nasusuka pa ito.

Full Story @ Tsismoso

Popular Posts