It’s a “double power” to vote! Vote to SAVE (BBS) & Vote to Evict (BBE). And after days of voting, the 17-year old teen cosplayer from Ilo-ilo emerged as the latest Teen Big Winner following now the footsteps of Kim Chiu (Teen Edition 1), Ejay Falcon (Teen Edition 2) and James Reid (Teen Edition 3).
Despite of the high percentage she got on ‘Vote to Evict’ (minus on BBS), Myrtle still garnered the most number of votes ‘to Save’ after the final tally.
Aside from the prestigious title, she also bagged the P1-million cash prize, a gadget showcase, an appliance showcase, and an Asian tour package.
PBB Teen Edition 4’s 2nd placer was Karen Reyes (Calapan, Oriental Mindoro), who was awarded half a million peso.
Concluding at 3rd place was Roy Requejo (Naga, Camarines Sur) with a cash prize of P300,000 while twin sisters Jai & Joj Agpangan (Bacolod City) placed 4th and will take home P200,000 cash.
Same as Myrtle, they will also receive appliances and gadgets (laptop & digi-cam).
Here’s the final percentage of votes obtained by the Teen Big 4:
Big Winner - Myrtle Sarrosa “Cosplay Cutie ng Iloilo” (33.92%)
2nd Big Placer - Karen Reyes “Hagihik Chick ng Mindoro” (11.91%)
3rd Big Placer - Roy Requejo “Boy Sipag ng Naga” (9.38%)
4th Big Placer - Jai & Joj Agpangan “Double Bida ng Bacolod” (9.26%)
Note: It’s a “save and evict” voting system, which allows the viewers to decide whether the contenders deserve to become the next Teen Big Winner or NOT. One texter can send a maximum of 30 votes using a single SIM card/day.
The PBB Teen Edition 4 B.F.F at the Big Night was held at the Malolos Sports and Convention Center in Bulacan. Aside with the previous teen big winners and ex-housemates, several Kapamilya stars also grace the said big event including Jodi Sta. Maria, Papa Chen, Daniel Padilla, Khalil Ramos and Kathryn Bernardo.
Catch the latest Teen Big Winner and the rest of the Big 4 on ASAP 2012 and The Buzz tomorrow. Congratulations Myrtle!! By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer








Simula nang naging bukas sina Venus Raj at Andrei Felix sa kanilang relasyon ay kumalat na ang balita na mauuwi na sa kasalan ang pagsasama ng dalawa. Ayon kay Venus, tumitibay raw ang kanilang relasyon ng nobyong si Drei habang ito ay tumatagal. Kumportable na rin daw sina Venus Raj at Andrei Felix sa isa’t-isa at ngayon ay sobrang masaya na sila sa kasalukuyang estado. Kapansin-pansin din daw na naging bukas na ngayon ang beauty queen sa usaping pag-ibig nito.
Hindi raw inakala noon ni Venus na bukod sa pagiging boyfriend ay pwede rin umanong maging kaibigan ang binatang si Andrei. Mas maganda raw na maging magkaibigan sa relasyon dahil mas mauunawaan umano nila ang isa’t-isa. Sa ngayon ay ine-enjoy na lang daw muna nina Venus Raj at Andrei Felix ang kanilang relasyon. Sa ngayon ay kinokondisyon na lamang daw nila ang isa’t-isa na sila na ang magkakasama habang buhay. Ayaw na rin naman daw nilang maghanap ng wala dahil sapat na raw kung ano ang mayroon sa kanilang relasyon.
Hindi itinanggi ng batikang direktor na si Joey Reyes na apektado siya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kaibigan nitong si Sharon Cuneta. Napapadalas na ang mga balitang lumalabas patungkol umano sa pagpatol ni Sharon sa kaniyang mga bashers sa Twitter. Marami ang nakakakita kung paano sagutin ng Megastar ang mga hindi magagandang sinasabi laban sa kaniya ng mga taong hindi siya gusto. Hiling ni Direk Joey ay may magsabi sa kaibigan na itigil na ang pagpatol niya sa mga tao sa Twitter. Makalipas ang isyung ito ay nabanggit ni Joey Reyes na nabalitaan niyang tumigil na umano sa pagtu-tweet si Sharon Cuneta laban sa kaniyang mga bashers.
Matatandaang nagkatrabaho na sina Sharon at Direk Joey noong taong 1997 sa pelikulang Nang Iniwan Mo Ako ng Viva Films. Noong una niya umanong sinabihan si Sharon Cuneta patungkol sa isyu ay dinedma lamang siya kung kaya wala na siyang nagawa rito. Para kay Joey Reyes isa umano itong hakbang para sa career suicide ni Megastar.
Hindi na muna makikita si Amy Perez sa kaniyang programang Face to Face na kilalang public-service show sa TV5. Tatlong buwan nang ipinagbubuntis ng host ang kanilang ikalawang anak ng partner na si Carlo Castillo. Pansamantalang nagpapahinga si Amy para na rin umano hindi maapektuhan ang kaniyang maselang pagbubuntis sa kanilang anak ni Carlo. Hindi itinanggi ni Amy Perez na nahirapan siyang magdesisyon sa kaniyang pansamantalang pag-alis sa naturang programa na halos dalawang taon nang umeere. Na-gulty rin umano si Amy ngunit nagpaalam na rin naman daw siya sa management na balak talaga nila ni Carlo Castillo na magbuntis siya ngayong taon.
Napagkasunduan din nina Amy at Carlo na kapag nalampasan nila ang delikadong estado ng kaniyang pagbubuntis ay doon na nila sasabihin sa management dahil malaki ang posibilidad ng miscarriage sa mga panahong ito. Aminado si Amy Perez na mahirap ang sitwasyon nila ni Carlo Castillo dahil bagamat anim na taon na silang nagsasama ay hindi pa rin sila pwedeng magpakasal dahil hindi pa annulled ang kasal ng host sa dati nitong asawa.
Nasurpresa si Nikki Gil sa pagdating ng kaniyang boyfriend na si Billy Crawford sa ASAP habang ito ay sa kalagitnaan ng paghohost. Aminado si Nikki na sa mga panahong iyon ay gusto niyang yakapin si Billy pero pinigilan niya lamang ang sarili dahil nahihiya siya sa maraming tao. Dalawang buwan din na nawala si Billy Crawford sa showbiz nang pumunta itong France para i-revive ang kaniyang naiwang international career doon. Masayang-masaya naman si Nikki Gil dahil nagkaroon na sila ng date ng nobyo noong Lunes matapos nitong umuwi sa bansa. Pakiramdam umano ng dalaga ay nagbalik sila unang araw nilang pagkikita ni Billy apat na taon na ang nakakaraan.
Sa pag-alis ni Billy ay hindi naman nawala ang mga balitang tuluyan na umano silang naghiwalay ng nobyang si Nikki. Hindi naman dito nabahala ang host turned actress na si Nikki Gil dahil alam naman daw nila ni Billy Crawford ang totoo. Iniiwasan din umano ng dalawa na magpaaepekto pa sa mga intriga dahil wala itong naitutulong sa kanilang relasyon. Itinanggi rin ni Nikki ang mga balitang magpapakasal na sila kapag bumalik si Billy sa bansa. Aniya, marami pa umano silang obligasyon na dapat tuparin sa kanilang mga trabaho. Naniniwala si Nikki Gil na makakapaghintay ang pagpapakasal nila ni Billy Crawford sa tamang oras at panahon.