Monday 11 June 2012

MYX VJ BIANCA, NAKA-ONE-ON-ONE ANG AMERICAN ROCKBAND NA LIFEHOUSE SA ISANG MYXCLUSIVE INTERVIEW

Inihayag ng bandang Lifehouse sa interview kasama si VJ Bianca na isa
ang Pilipinas sa kanilang mga paboritong lugar sa buong mundo. Ayon
kay Bryce Soderberg, and bassist ng banda, "Everyone is just so warm
and welcoming. We enjoyed performing in front of our Filipino fans."
Napahiyaw pa nga ang singer at gitarista na is Jason Wade sa
kasagsagan ng concert nila sa Big Dome, "Manila! It feels like the
first time." Ang naganap na concert ang ikalawang beses na pagbisita
ng banda pagkatapos ng apat na taon. Ang kanilang hit single na
"Hanging by a Moment" ang "Most Played Song of 2011" at napanalunan
nito ang Billboard Music Award para sa "Hot 100 Single of the Year".
Panuorin ang mga music videos ng Lifehouse at ang kanilang interview
sa Rock MYX sa Hunyo 13 (Miyerkules), 3:00 p.m. hanggang 3:30 p.m.,
Hunyo 14 (Huwebes), 6:00 p.m. hanggang 6:30 p.m., Hunyo 15 (Biyernes),
11:30 p.m. hanggang 12:00 a.m., Hunyo 16 (Sabado), 5:00 p.m. hanggang
5:30 p.m. Para sa ibang updates, mag-logon lang saw www.myxph.com.
Mag-download din ng MYX Charts iOS mula sa APP Store at i-install ng
libre.

By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon

ABS-CBN, ILULUNSAD ANG ABS-CBN SOCIAL MEDIA NEWSROOM

Mas madali ng makakuha ng pinakasariwang mga balita sa Kapamilya
Network ang mga mamamahayag, bloggers, at buong komunidad sa online sa
paglulunsad ng ABS-CBN Corporation ng ABS-CBN Social Media Newsroom,
ang pinakaunang social media newsroom ng isang TV network sa bansa.

Sa pamamagitan ng ABS-CBN Social Media Newsroom, lahat ng opisyal na
pahayag mula sa ABS-CBN ay matatagpuan sa isang website. Maari din
itong i-share agad sa ibang social networking sites tulad ng Twitter,
Facebook, at Goggle+ sa isang pindot lang.

"Ang ABS-CBN Social Media Newsroom ay magandang halimbawa ng
komunikasyon sa digital world. Sa pamamagitan nito, napapalapit ang
ABS-CBN sa mga stakeholders at katuwang nito sa loob at labas ng bansa
na nais malaman ang mga bagong balita sa aming programa at serbisyo,"
sabi ni ABS-CBN Corporate Communications Head Bong Osorio na dating
regional director ng International Association of Business
Communicators sa Asya.

Dagdag pa niya, ang paggawa ng social media newsroom ay lumalaking
trend o "uso" sa mga korporasyon, saan mang panig ng mundo, para
matugunan ang pangangailangan sa mabilisang impormasyon ng mga
mamamahayag, bloggers, at iba pang nasa mundo ng internet.

Nilalaman ng ABS-CBN Social Media Newsroom ang mga press o photo
releases tungkol sa ABS-CBN kabilang na ang mga subsidiary nito; video
plugs ng pinakabagong mga programa; kopya ng panayam sa mga Kapamilya
stars at executives; RSS feed features; at clippings tungkol sa
sinasabi ng media sa ABS-CBN.

Ayon kay ABS-CBN Corporate Affairs & PR director Kane Errol Choa, ang
digital communication ay nagbibigay daan para mas mapabuti ang palitan
ng impormasyon sa pagitan ng ABS-CBN at ng mga tumatangkilik nito.
"Ginawa naming user-friendly ang disenyo ng ABS-CBN Social Media
Newsroom at naglalagay ng press releases sa nakasulat at nakaayos ayon
sa gusto ng mga mamamahayag at blogger," dagdag niya.

Maglog-on lang sa www.abscbnpr.com para tignan ang pinakabagong mga
materyal hatid ng ABS-CBN Social Media Newsroom. Maari rin itong
mabasa via RSS feeds sa inyong smartphones. Mag-download lang ng RSS
reader applications tulad ng Google Reader, Taptu, at Flipboard sa
inyong iOS, Android, o Windows phones.

Maaring kunin o kopyahin ng mga manunulat at bloggers ang press
materials sa site at maari rin silang gumawa ng sarili nilang materyal
base dito o sa mga matatagpuang interview transcripts at audio o
video materials.

Ang ABS-CBN Public Relations Group, sa ilalim ng Corporate
Communications Division, ang maga-upload ng mga bagong materyal sa
site araw araw na diretsong iti-tweet ng @abscbnpr at mapa-publish
bilang wall post sa facebook.com/abscbnpr.

By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon

Matthew McConaughey and Camila Alves Wedding Details

Actor Matthew McConaughey and Brazilian model Camila Alves tied the knot on Saturday, June 9, in an intimate "island beach meets Texas" themed wedding at the couple's home in Austin, Texas.
The wedding was witnessed by their 4-year-old son, Levi, and 2-year-old daughter, Vida, close friends and relatives.
Their guests that includes Woody Harrelson, Reese Witherspoon, Jim Toth, John Cougar Mellencamp, Meg Ryan among others stayed at the high-end campground on their Texas property set-up by the couple complete with air conditioned tents, gourmet goodies, and plenty of entertainment.
 During the emotionally-charged wedding ceremony, Mellencamp sang a song for the bride and groom based on a bible verse. "He made it into a melody," a witness says.

After sharing a long, passionate kiss with his new bride, McConaughey thanked everyone for coming - officially kicking off the post-wedding celebration. Guests moved into a massive party tent for the reception, where they noshed on rotisserie-style Brazilian meats and danced to a live band playing American pop and Brazilian rock hits. McConaughey and Alves skipped the wedding cake - instead offering their partygoers a variety of desserts - as well as the traditional first dance.

McConaughey, 42 and Alves, 30, met in 2006 at a bar in Los Angeles and have been dating ever since.

Share By JED || Full Story @ Showbiznest

Lady Gaga Hit by a Pole While Singing Judas in New Zealand Concert

Lady Gaga suffered concussion after her dancer accidentally hit her with a metal pole during her Born This Way Ball Concert show in Auckland, New Zealand on Saturday, June 9.

The 26-year old singer was performing her highly-criticized song "Judas" when one of her back-up dancers named Mark accidentally hit her on the head with a metal props.

Despite the accident, Lady Gaga still continue to perform and told the audience: "I want to apologize, I did hit my head and I think I may have a concussion but don't you worry I will finish this show," then carried on with 16 more songs.

Share By JED || Full Story @ Showbiznest

Arci Muñoz, umatras sa Miss World Philippines

Pasok na si Arci Muñoz bilang opisyal na kandidata ng Miss World Philippines ayon sa franchise owner nito na si Cory Quirino. Marami ang nag-abang kay Arci sa nakaraang press presentation ng mga dalaga pero hindi nakita ang Kapatid aktres na rumampa. Si Cory mismo ang nagkumpirma na pasok na sana ang dalaga sa kumpetisyon. Ang pagkakaroon ng live contract ni Arci Muñoz sa TV5 ang naging dahilan ng pag-atras nito ayon kay Cory Quirino. Baka raw mahirapan ang dalagang aktres sa magiging obligasyon niya sa kumpetisyon kapag siya ay may kasabay na proyekto sa telebisyon.

Hindi raw ito maaari ayon kay Cory dahil hindi lang naman daw TV5 talent si Arci dahil tinuturing itong star sa istasyon. Ang nasabing kontrata ng dalaga ay matatapos pa sa taong 2013. Ang Kapatid network naman ang hahawak ng coverage ng naturang patimpalak pero hindi ito magiging dahilan para payagan pa rin si Arci Muñoz na sumali dito. Nirerespeto naman daw ni Cory Quirino ang desisyon ng istasyon ng aktres dahil alam niya na propesyonal ang mga ito.

Paliwanag naman ni Cory, hindi alam ng management ni Arci na ito ay sumali sa beauty pageant. Kusang-loob daw kasing nagprisinta si Arci Muñoz sa pamunuan ng Miss World Philippines. Inamin naman daw ng dalaga na may kasalukuyan siyang kontrata bilang artista. Kinausap naman ni Cory Quirino hindi lang ang magulang ng dalaga kundi pati ang manager nito at napagdesisyunan nila na hindi pwedeng sumali ang aktres.

Nanghihinayang naman daw ang pamunuan nina Cory sa pag-alis ng dalaga dahil pasok na raw ito bilang bahagi ng 25 na contestants sa Miss World Philippines. Kinumpirma rin ni Cory Quirino na umiyak si Arci Muñoz nang malamang hindi na siya matutuloy sa pagsali. Sinabihan naman ang aktres na maaari naman siyang sumali sa susunod na taon. Malaki kasi ang potensyal ng dalaga lalong-lalo na at pursigido naman ito na manalo. Titingnan naman daw nila kung ano ang mangyayari sa susunod na taon.

Mayroon namang pumalit na kandidata sa inalisang puwesto ni Arci Muñoz kung kaya kumpleto pa rin ang naging lineup ayon kay Cory Quirino. Mas naging mahigpit din daw ang mga opisyal pagdating sa pagpili ng mga dalagang kandidate kumpara noong nakaraang taon. Kinailangan daw kasing itaas nina Cory ang standards nila sa para mahigitan pa ang narating ni Gwendoline Ruais sa Miss World 2011. Sa susunod na taon ay maaaring paghandaan na rin ni Arci Muñoz ang kaniyang pagsali sa kumpetisyon at umaasa si Cory Quirino na wala na itong magiging problema.
Full Story @ Tsismoso

Camille Prats, Bianca Manalo may away?

Agad na itinanggi ni Camille Prats na may kinalaman sila sa hiwalayan ng kaniyang kapatid at nobya nitong si Bianca Manalo. Lumalabas ang mga espekulasyon na hindi raw sang-ayon ang pamilya ni John Prats sa pakikipagrelasyon nito sa beauty queen na ngayon ay isa nang aktres. Matatandaang noong nakaraang Miyerkules ay inamin ni Bianca na si John ang nakipaghiwalay sa kaniya matapos ang kanilang halos pitong buwang relasyon. Ayon kay Camille, naririnig niya na rin ang mga isyu patungkol sa kaniyang kapatid lalong-lalo na sa pagbansag sa kaniya bilang playboy at heartbreaker.

Dinepensahan naman ni Camille Prats ang kaniyang kuya John Prats at inaming nalulungkot ang kapatid sa sinapit ng kaniyang mga naging relasyon. Si Bianca Manalo ang huling babaeng naugnay sa binata na isa ring showbiz personality. Kuwento pa ni Camille, dumating na rin si John sa punto na gusto na nito lumagay sa tahimik pero tila malabo pa ito lalo na nang makipaghiwalay ito sa kaniyang huling nobyang si Bianca. Binibigyan naman daw ni Camille Prats ng advice ang kaniyang kuya na si John Prats patungkol sa love life nito. Aniya, kahit pa naghiwalay na sila ni Bianca Manalo ay hindi siya dapat malungkot dahil darating din sa tamang panahon ang babaeng para sa kaniya. 

Aminado rin ang aktres na nasasaktan si John sa mga paratang ng ibang tao patungkol sa pagtrato niya sa mga nagiging nobya katulad ni Bianca. Nasabi rin ni Camille Prats na kapag nagkakaroon ng nobya ang kapatid na si John Prats ay tumatagal naman daw ito at sinisiguradong hindi ito nagloloko. Iba ang naging dating para sa iba nang aminin ni Bianca Manalo na ang dating nobyo ang nakipaghiwalay sa kaniya. Nasundan pa ito ng isyu na maaaring ipinalit ni John kay Bianca ay ang katrabaho niya sa kaniyang programang Banana Split.

Gusto daw ipakita ni Camille na handa siyang suportahan si John kapag ito ay may problema. Ayon kay Camille Prats, gusto niyang maging matatag si John Prats. Nang malaman niya umano ang pakikipaghiwalay ng kapatid kay Bianca Manalo ay kinakakusap niya parati ang aktor para raw hindi ito masyadong makaramdam ng lungkot. Naniniwala naman si Camille na malalampasan ni John ang kinahantungan ng relasyon nito sa dalagang si Bianca.

Ramdam ni Camille Prats na nalulungkot pareho sina Bianca Manalo at John Prats dahil hindi na sila magkasama. Hiling ng aktres na sana ay irespeto na lang ng mga tao ang naging desisyon ng dating magkasintahan. Pareho rin umanong public figure sina Bianca at John kaya ramdam ni Camille na hirap ang dalawa na itago ito sa sarili nila. Sigurado si Camille Prats na hindi naging madali para kay Bianca Manalo at John Prats ang paghihiwalay.

 

Full Story @ Tsismoso

Popular Posts