“Apoy Sa Dagat” ang working title ng upcoming primetime fantasy-drama series nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. Kinumpirma mismo ni Piolo ang kanilang muling pagsasama nang siya ay mag-guest sa Sunday talk show na The Buzz noong June 24. Ito na ang magsisilbing follow-up team-up project nila after ng hit rom-com movie na “Every Breath You Take”.
Masuwerte si Papa P. dahil katatapos pa lamang ng kaniyang drama-seryeng “Dahil sa Pag-Ibig” ay eto na’t naghahanda na siya para sa kaniyang next primetime series. Samantala, ang proyektong “Apoy sa Dagat” naman ang pagbabalik primetime ni Angelica. Matatandaan na ang huling serye na kaniyang pinagbidahan ay noong 2010 pa, sa Filipino-Adaptation ng hit Mexican series na “Rubi”.
Ngayong week ay magsisimula ng mag-training ang dramatic actor para sa nasabing primetime series. Makakasama nina Piolo at Angelica ang kapwa Star Magic Talent na si Diether Ocampo na gaya ni Angelica ay balik-primetime rin. Huling napanood si Diether sa action-drama seryeng “Guns N Roses” na pinagbibidahan nina Robin Padilla at Bea Alonzo.
Kagaya ng co-star sa “Dahil sa Pag-Ibig” na si Jericho Rosales, first-time rin na makakasama ni Diether si Piolo sa isang serye sa Kapamilya Network. Samantalang ito na ang ikalawang beses na makakasama ni Angelica si Piolo sa isang soap. Noong 2004 kasi ay nagkatrabaho na silang dalawa sa “Mangarap Ka”. Para naman sa kanila ni Diether. Naging leading man niya na ito sa “IIsa Pa Lamang” (2008) at “Rubi” (2010).
Posibleng next year na mai-ere ang nasabing fantasy-drama series. Mas mauuna muna kasing ipalabas sa primetime TV ang mga programang “Ina, Kapatid, Anak” nina Kim Chiu at Maja Salvador, “A Beautiful Affair” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, “Kailangan Ko’y Ikaw” nina Kris Aquino, Anne Curtis at Robin Padilla at “Against All Odds” na pagbibidahan naman nina Judy Ann Santos, Sam Milby at KC Concepcion.
photo credit: Piolo (Men's Health), Angelica (Bench) By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer






Dahil sa naganap na iskandalo kay Ruffa Gutierrez at mga kasamahan nito sa sariling programa sa TV5 ay lumutang ang espekulasyon ng paglipat ng dalaga sa ibang istasyon. Ayon kay Ruffa, sa tuwing nagaganap ang kaniyang kaarawan ay mayroon umanong nangyayari pero iginiit niya na gusto niyang gawing positibo kung ano mang sa tingin ng tao na negatibong nagaganap sa kaniyang espesyal na araw. May kapalit naman umanong positibo pangyayari sa programa ni Ruffa Gutierrez sa TV5 na Paparazzi dahil ini-launch na ang kaniyang sariling foundation.
Pinaliwanag din ni Ruffa na hindi siya galit sa buong show ng TV5. Inamin ng host-actress na galit siya sa taong nag-isip ng segment niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw niya nakikilala. May komunikasyon din naman daw si Ruffa Gutierrez sa ibang TV5 talents na kaniyang mga co-host at hindi itinanggi na namimiss niya na ang mga ito. Maging ang pang-ookray umano ng mga kasamahan ng dalaga sa kaniyang TV5 talk show ay mamimiss niya rin.
Ilang linggo na ang nakakaraan simula nang magpakuha ng DNA test si Angeline Quinto at ang nagpapakilalang ina nito na si Veronica Tolentino ngunti negatibo ang naging resulta nito. Matatandaang lumabas sa telebisyon si Veronica para iparating umano kay Angeline na siya raw ang tunay nitong ina. Ang nagpakilalang ina ng singer ay gusto umano magpakuha ng DNA test para mapatunayan lang na ang dalaga ang matagal niya nang hinahanap na kaniyang ank. Samantala ang isinagawang test naman sa ama ni Angeline Quinto na si Pop Quiros ay positibo ang naging resulta.
Nabanggit din ni Victoria Tolentino na may kapatid pa raw ang kaniyang anak at kasama umano nito ng singer na nawala. Marami rin ang naniwala na maaaring ito na nga tunay na magulang ni Angeline dahil na rin sa pagkakahawig ng kanilang mga mukha. Nilinaw noon ni Victoria na hindi pera ang habol niya sa tinuturing niyang anak. Aniya, matanda na umano siya at madalas magkasakit kung kaya mas gusto niya umano na bago pa siya pumanaw ay makilala niya man lang si Angeline Quinto. Sa araw ng DNA test unang nakita ng dalaga si Victoria Tolentino at nagyakapan pa ang mga ito bago sinimulan ang naturang test.