Monday 28 December 2015

Da WHO: Sikat na Aktres inamag ang pelikula sa MMFF 2015!

Malulungkot ang bidang aktres kapag nalaman nito na walang pila sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng pelikula niya na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).


Ang grupo ng mga bagets na nakausap ko ang nagkuwento na napilitan sila na panoorin ang filmfest movie ng aktres dahil mahaba ang pila sa mga sinehan ng isang pelikula na talagang gusto nila.

Kesa masayang ang pagpunta nila sa mall para manood ng sine, nagtiyaga na lang sila na panoorin ang MMFF movie na wala sa kanilang listahan.


Written by: Lolit Solis

By Kakulay Entertainment Blog

Popular Posts