Aminado si JM de Guzman na naramdaman niyang minadali niya ang kaniyang panliligaw kay Jessy Mendiola. Una nang nagpahayag noon si JM na gusto niya ang si Jessy ngunit ang dalagang aktres ay consistent sa kaniyang mga pahayag na hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon. Mas gusto umano nito unahin ang kaniyang trabaho dahil mas mahalaga umano ito sa kaniyang pamilya.
Nananatili naman daw na magkaibigan ang aktor at si Jessy Mendiola kahit pa umiiwas ang dalaga na pumasok sa isang relasyon. Malaking tulong umano ang aktres para kay JM de Guzman dahil matindi umano ang pagpapahalaga sa kaibigan ang dalaga. Malaki rin daw ang naitulong ni Jessy Mendiol sa binata na walang inaasahang kapalit. Hindi na itinanggi ni JM na ang pagkakaintindihan umano nila ni Jessy ay hindi na muna mauuwi sa isang relasyon. Mas tinamaan din daw ang binata sa aktres kung kaya papalipasin niya raw muna ito dahil hindi pa ito ang tamang oras.
Noon pa raw ay alam na ni JM de Guzman na hindi pa raw dapat seryosohin ito ngunit nagmdali umano siya kung kaya hindi raw naging maganda ang kinalabasan ng mga bagay sa kanilang pagkakaibigan ni Jessy Mendiola. Kung sana ay pinangalagaan daw sana ito ng aktor ay hindi nawala ang kaniyang pagkakataon para rito. Mas vocal ang aktor pagdating sa kanilang samahan ni Jessy kung kaya marami ang nagsisilabasang balita na mag-on na umano ang dalawa at ayaw pa rin nila itong aminin. Itinanggi naman ni Jessy Mendiola ang mga espekulasyon dahil at nilinaw na ipinakilala lamang sa kaniya ang mga magulang ng binata.
Gusto rin daw linawin ng binatang aktor ang nagsisilabasang balitang pumupunta pa raw ang aktres sa condo ng binata. Ayon kay JM, siya raw ang pumupunta sa tahanan ng dalaga dahil umaakyat siya ng ligaw kay Jessy. Humingi rin daw ng patawad ang aktor sa ina ng nililigawan dahil nadamay pa ang pangalan nito sa isyu. Hindi naman daw mawawalan ng pag-asa si JM kahit pa hanggang pagkakaibigan lamang ang kayang ibigay sa kaniya ngayon ni Jessy Mendiola lalo pa at parehong industriya ang kanilang kinabibilangan. Patuloy pa rin naman daw mamahalin ni JM de Guzman ang dalaga kahit pa naudlot ang kanilang pag-iibigan.
Full Story @ Tsismoso
Kakaibang love team ang mayroon si Kiray Celis at Igi Boy Flores sa kanilang teen-oriented show na Luv U sa Kapamilya network. Sila raw ang nagsisilbing comic relief sa kanilang programa dahil madalas silang mag-away sa show. Marami rin ang nakakapansin na parang tinototoo na raw nina Kiray at Igi Boy ang kanilang pagsasakitan sa set. Trabaho lamang umano ang ginagawa ng dalawa sa set kung kaya hindi na nila dinadaya ang sampalan at sabunutan para ito raw ay mas makatotohanan. Mas sanay din daw ang binatang aktor sa kanilang pagsasakita n ni Kiray Celis kumpara sa kanilang pagiging sweet sa isa’t-isa.
Ngayong balik na sa trabaho si Zsa Zsa Padilla ay napabalita naman na mayroon siyang itinatagong karamdaman na ayaw ipaalam sa maraming tao. Aminado ang Divine Diva na hanggang ngayon ay sinusubukan niya pa ring mag-move on mula sa pagkawala ni Dolphy. Matatandaang noong nakaraang kaarawan ng Comedy King na si Dolphy ay hindi raw nakapunta si Zsa Zsa sa puntod nito dahil may masakit sa katawan nito. Ipinaliwanag naman ni Zsa Zsa Padilla na nakaramdam siya noon ng pananakit sa kaniyang kaliwang kidney at umabot ito sa kaniyang kaliwang paa. May gamot naman daw si Zsa Zsa para rito pero nanghihina siya kapag ito ay iniinom kung kaya nagdesisyon siyang hindi na pumunta sa puntod ni Dolphy noong kaarawan nito.
Sigurado naman daw siya na nasa langit na ngayon ang namayapang partner na si Dolphy. Nananatili pa rin naman sa imahinasyon ni Zsa Zsa ang presensya ni Dolphy kung kaya nagiging madali na rin para sa kaniya ang mga araw na lumipas. Marami rin ang nagsasabing sa dinami-rami ng nagdasal para kay Dolphy ay dumiretso na ito sa langit. Masaya na umano si Dolphy sa mga oras na ito at dito pa lang ay kuntento si Zsa Zsa Padilla. Napanaginipan na rin daw niya si Dolphy na kinakantahan siya at ito ay noong siya ay nakaranas ng pagkabangungot kung kaya sa tingin niya ay nasa mas masayang lugar na ang partner nito.
Masaya si Gary Valenciano dahil bukod sa kaniyang bagong proyekto ay inaabangan na ng buong pamilya ang pagpapakasal ng kaniyang panganay na si Paolo Valenciano. Kamakailan lang ay nag-propose ang binatang si Paolo sa kaniyang lontime girlfriend na si Samantha Godinez sa mismong concert ni Gary Valenciano sa California, USA. Napabilib naman si Gary V sa kaniyang panganay na si Paolo dahil halos anim na taon ang itinagal ng relasyon nito sa kaniyang nobya na ngayon ay kaniya nang fiancee. Ayon sa Mr. Pure Energy Gary Valenciano, naging maganda ang pagpapalaki niya sa kaniyang anak na si Paolo Valenciano at aminado siyang malaki ang nagawa ng kaniyang asawa na si Angeli rito. Bilib na bilib din ito sa pagpapalakad ng panganay sa kaniyang sariling buhay kung kay nagpapasalamat siya sa asawa dahil napalaki nang maayos ang kanilang tatlong anak.
Pagbibigayan daw ni Gary Valenciano ang anak dahil ito ay kaniyang espesyal na araw at gusto nila na masunod ang mga plano nito para sa kaniyang ikasasaya. Hindi pa rin daw nakakagawa ng listahan ng ninong at ninang si Paolo Valenciano at fiancee nito pero nasa proseso na sila ng pagpaplano. Excited na rin daw si Gary para kay Paolo dahil alam niyang marami na itong natutunan sa kaniyang buhay. Matalino at mapagkumbaba umanong binata ang anak kung kaya walang duda na maraming nagmamahal sa kaniyang anak. Tama rin daw ang desisyon ni Paolo Valenciano sa pagpili ng tamang babae dahil para kay Gary Valenciano ay isang napakabuting bata ang mapapangasawa ng kaniyang panganay.
Matapos lumabas ang mga espekulasyon patungkol sa totoong estado ng magkasintahang Maja Salvador at Matteo Guidicelli ay kinumpirma na mismo ng aktres ang kanilang paghihiwalay. Ang pag-aming ito ay sinagot ni Maja sa katanungan ni Kris Aquino patungkol sa kaniyang kasalukuyang lovelife. Una nang lumabas ang balitang ito nang mag-post si Maja Salvador ng tila may makahulugang mensahe patungkol sa pakikipagrelasyon. Karamihan dito ay patungkol sa pakikipaghiwalay at pagiging single kung kaya marami ang nag-isip na maaaring tapos na ang relasyon nito kay Matteo. Ang paglagay ni Maja sa kaniyang Facebook status ng single mula in a relationship ang isa na sa naging paraan nito para kumpirmahin sa mga tao na wala na nga sila ng boyfriend.
Ipinaliwanag naman ni Maja Salavador na hindi third party ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Matteo Guidicelli. Aniya, pareho raw nila itong naging desisyon ng binata at sa ngayon ay magkaibigan naman daw ang kanilang turingan. Mas gusto raw unahin ngayong nina Maja at Matteo ang kanilang mga prayoridad sa buhay at ito ay ang kanilang mga trabaho. Bukod sa kaniyang career ay abala rin ngayon si Matteo Guidicelli sa kaniyang pagsali sa triathlon na kinakailangan ng matinding training. Sumasali na sa kumpetisyon ang binata sa iba’t-ibang lugar kung saan kinakailangan niyang magsanay hindi lamang sa pagtakbo kundi pati na rin sa biking at swimming.
Una nang itinanggi ni Matteo ang patungkol sa hiwalayan nila ni Maja at sinabing wala silang problema ng dalaga kahit pa naging maingay na ang pagpapahayag ng dalaga sa kaniyang Instagram. Kahit pa pinasinungalingan ito noong aktor ay halata namang hindi niya masagot nang diretso ang katanungan sa estado ng kanilang relasyoin ng dalaga. Marami ang nagulat sa bagong anyo ni Matteo Guidicelli ngayon dahil bukod sa pagiging tan ay malaki rin ang ipinayat noon dahil na rin daw training nito. Nabanggit pa ni Maja Salvador na sinasabayan niya pa ang nobyo sa pag-traning para lamang magkaroon sila ng oras na magkasama.